"Remuel"
Kinabukasan ng umaga ay naghahanda na sina Maria Luna at Dexter sa pagpunta sa Camp Crame. Isang van ang kanilang gagamitin. Karamihan ay nasa gym at nag-eensayo. Sina Ka Paeng at Nolan ang nagtuturo.
"ML paalis na ba kayo?" tanong ni Bea na nasa Communication room. Gamit niya ang bago nilang Combat Net Radio na ang frequency signal ay katulad ng sa cellphone. May mga mini-reciever na may speaker at microphone ang earpiece nina Maria Luna. Nakakabit sa belt nila ang CNR.
"5 minutes na lang ay aalis na kami. Bakit?"
"May problema. Nakamonitor sa atin ang ibang malalaking bansa. Nakahooked ako sa sattelite nila. Tumingin kayo sa monitor na riyan at ipapatch ko ang mga videos." Naririnig din nina Dexter ang sinasabi ni Bea.
" Sige." Lumapit sila sa isang malaking monitor. May lumabas na video.
"Ano ito Bea?" Si Dexter ang nagtanong.
"Yan ang Camp Crame Dexter. Nilusob kagabi pati na ang Camp Aguinaldo."
Nasusunog ang mga gusali, sasakyan, ilang tangke at APC. May mga patay sa mga daan at training grounds. Wala silang makitang buhay na gumagala sa kampo.
"Dexter naunahan tayo nina Cain. Bakit kaya nila nilusob ang mga kampo?" sabi ni Romano.
"May binabalak sila. Bea alamin mo kung ano ang kondisyon ng ibang kampo. Nagpaparami sila ng mga alagad at mga militar ang pinili nila." Sabi ni Maria Luna.
"ML may mensahe ang presidente. Total lockdown ang NCR at karatig na siyudad at probinsya. Lahat ng mga daang palabas ay may heavy checkpoint at naharangan na. Pina-eevacuate ang lahat. May mga army trucks at Marines na tutulong sa evacuations. May mga darating na barko sa mga pier sa Maynila at Batangas. May mga militaring eroplano sa airport."
"Hindi makakaya sa isang araw ang evacuation. Mahigit na tatlong milyon ang mga tao sa NCR." sabi ni Dexter.
"Bea makipag ugnayan ka sa National Defense. Sabihin mo sa kanila kung anong uring nilalang ang mga kalaban at paano sila mapapatay. "
"Okey ML."
"Maraming tao ang manganganib sa mga aswang kung maglalabasan na sila sa kanilang mga bahay. Dexter magdalawang grupo tayo. Kailangan mabantayan sila. "
"ML sasama kami ni Kenji."
"Kaya na ninyong lumaban Billy?"
"Oo ML. "
"Sige. Kay Romano kayo sumama. Dose katao bawat grupo. Magdala kayo ng mga extrang bala. Hindi natin alam kung gaano karami ang ating makakalaban. Tipirin ninyo. Hanggat maaari ay ulo ang inyong asintahin. Bea, imonitor ninyo sa sattelite ang buong NCR lalo na ang mga pier at airport. Sabihin mo sa amin kung saan kumikilos ang mga aswang."
"Okey ML. Ingat kayong lahat."
"Saan tayo unang pupunta Luna?"
"Sa Crame Dexter. Baka may may makuha pa tayo sa sinasabi ninyong masasakyang APC at silver nitrates."
"Sige. Sa unang van kami ni Roxas. Romano ten meters kayo sa likod namin."
Sumakay sila sa dalawang itim na vans. Naglakad si Maria Luna palabas ng basement ng gusali.
----------
Sa gym ng Camp Aguinaldo ay may mahigit sa dalawang libong sundalo ang nabihag ng buhay nina Cain at Remuel. Nakagapos ang kanilang mga kamay. Karamihan ay mga bagong kadete ng army at pulisya. May mga opisyal at sibilyan. Lahat ay takot dahil sa nakita nila kung paano namatay ang kanilang mga kasamahan nang sumalakay ang mga bampira at bampirang aswang.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.