Part 36 . . . "Simula na ng Paghihiganti"

188 42 6
                                    

"Simula na ng Paghihiganti"

-------

Nagdilim ang kalangitan sa pagsalakay ng mga aswang. Lumakas ang hangin na may mga bugso ng ulan. Sumisingasing ang mga aswang na lalong naging mabalasik ng mamatayan sila ng marami. Kahit na sila ay mga aswang ay magkakilala pa rin sila. Kaya masakit din sa kanila ang mamatayan ng kaibigan, kapatid, asawa, ama o ina. Ngayon ay gusto nilang gumanti. Umaatungal ang mga nasaktan. Nais nilang lapain ng buhay ang may gagawan ng kamatayan ng kanilang mga mahal. Pero hindi pa rin sila makalapit sa kanilang mga hinahabol dahil ang sumasalubong sa kanila ay mga bala.

Mabilis ang takbo ng grupo nina Ka Paeng na maya't maya ay may humaharap sa mga humahabol sa kanila at nagpapaputok.

"Lumabas kayong lahat. Tumakbo kayo patungong kapilya!" Sigaw ni Ka Paeng sa mga kalalakihang nagtatago sa mga bahay. Nagsipaglabasan sila at sumabay na rin sa pagtakbo sa grupo.

Lalong naulol ang dalawang demonyong sawa nang makitang maraming alagad nila ang namamatay. Bumilis ang kanilang pag-usad. Ilang metro na lang ay maabutan na nila ang lalakeng naka-itim.

"Mga demonyong ito ako pa yata ang gusto nilang hapunan. Gutom kayo? Eto ang kainin ninyo." Biglang balikwas niya at ibinato ang dalawang granada na pumasok sa tig-isang bunganga ng dalawang sawa na nakanganga na upang siya ay sagpangin.

"BROOM! BROOM!"

Magkasabay ang pagsabog ng dalawang granada na kakaiba ang lakas. Halos warak pareho ang bunganga ng dalawang demonyo na napatigil sa pag-usad. Sabay pa nilang iwinawasiwas ang kanilang ulo na ang panga ni Marcial ay natanggal pa.

Sinamantala ng lalake ang biglang paghinto sa paghabol sa kanya ng dalawang sawa. Binilisan niya ang takbo para makahabol kina Ka Paeng na paliko na sa liwasan ng Sentro.

"Diaz nakita mo ang ginawa ng lalake?"

"Oo Ding. Magaling siya. Sino kaya siya?"

Nag-uusap sila habang tinitira nila ang mga aswang na humahabol kina Ka Paeng.

"Subukan ulit natin ang dalawang higanteng sawa." Sabi ni Roxas.

"Okey!" Sagot nila. Inasinta nila ang dalawang demonyo na hindi pa kumikilos habang iwinawasiwas pa rin ang mga ulo. Sumasabog ang laman sa bawat pagpasok ng mga punglo sa katawan ng dalawang higanteng sawa.

Sa liwasan ay tinawag nina Ka Paeng ang mga kalalakihan na nasa mga gusali sa paligid. Pinalabas nila at pinapunta sa kapilya.

"Lahat tayo sa loob ng kapilya. Dalian ninyo!" Sigaw ni Ka Paeng.

Nakarating ang lalakeng naka-itim sa liwasan. Tinitignan siya nina Ka Paeng. Matangkad ang lalake na 6 na talampakan at tatlong pulgada ang taas. Broad shoulder at malapad ang dibdib. Nakatalukbong at msy takip na na itim ang mukha kaya ang berdeng mga mata lang niya ang nakikita nila. Sa layo ng itinakbo ng lalake ay hindi man lang ito humihingal hindi katulad nila lalo na si Nolan.

"Kaibigan maraming salamat sa tulong mo!" Sabi ni Ka Paeng.

Tinignan siya ng lalake at tumango lang.

"Ka Paeng eto na naman sila. " sabi ni Kapitan Bunye. Mula sa kanto ng daang patungong Ilaya ay lumalabas ang mga aswàng.

"Tayo na sa kapilya. Bilisan ninyo!" Sigaw ni Ka Paeng. Muli silang nagtakbuhan kasunod ang lalaking naka-itim na sinadyang binagalan ang takbo. May isang daang metro pa ang layo ng kapilya sa liwasan.

"Boom! Boom! Boom!"

Sumasabog ang mga booby traps na itinanim nila sa liwasan. Dahilan upang mapigilan ang ibang mga aswang na sumugod. Sinamantala ito ng lalakeng naka-itim. Tumuloy siya sa kanyang SUV. Dagling binuksan niya ang pinto sa likuran. Binuksan ang ikalawang malaking kahon. Kumuha siya ng mga sandata. Mabilis ang kanyang kilos. Ilang saglit pa ay isinara na niya ang pinto. Tumakbo na siya patungo sa kapilya.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon