"Prinsesa ng Kadiliman"-----------
Umuusok ang mga katawan ng labing isang demonyong bumagsak sa ibabaw ng pulang lupa. Higit silang malalaki kaysa kay Cain. Pulang-pula ang kanilang balat at wala rin silang buhok sa katawan. Wala silang saplot sa katawan. Wala silang mga pakpak. Wala silang kasarian kundi ang nakaumbok na kalamnan. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mahabang sundang. Isang mahabang matalas ang dala ni Hidas na umaapoy ang talim.
"Bakit mo kami ipinatawag Panginoong Malphas?"
"GUSTO KONG HARAPIN NINYO ANG BABAENG MORTAL."
"Babaeng mortal lang siya panginoon. Kahit isa sa aking mga tauhan ay kaya na siya."
"HIDAS HINDI MO PA ALAM ANG KANYANG LAKAS KAYA HUWAG KA MUNANG MAGYABANG. CAIN ANONG PANGALAN NG BABAENG MORTAL?"
"Maria Luna panginoon. Lumakas siya dahil sa aking isinulat na aklat na itim. Nalaman niya ang mga mahikang itim at ang tatlong salita."
"AHHHH! DAHIL LANG SA ISANG AKLAT KAYA SIYA LUMAKAS? ANG TATLONG SALITANG ULN*KEIF*UDLN? PAANO MO NALAMAN ANG TATLONG SALITA CAIN?"
"Idinikta sa akin ng isang katulad ninyong diyablo panginoon."
"DEMONYO! ASMODEUS PUMARITO KA!"
Umusok ng maitim at lumitaw ang tinawag na demonyo ni Malphas. Maliit siya ng bahagya pero halos magkamukha sila. Isa si Asmodeus sa mga kanang kamay ni Satan pero mataas ang ranggo sa kanya ni Malphas.
"Bakit mo ako tinawag Malphas?"
"IKAW ANG NAGDIKTA SA MORTAL NA ITO SA PAGSULAT NG SINASABI NIYANG ITIM NA AKLAT AT SINABI MO SA KANYA ANG TATLONG SALITA?"
"Oo Malphas. Gusto niyang bumuhay ng mga patay noon. Marami siyang dinalang mga kaluluwa sa atin dahil sa itim na aklat."
"BAKIT KAILANGAN SABIHIN MO PA SA KANYA ANG TATLONG SALITA KAHIT NA IKAW AY HINDI ALAM ANG TUNAY NA KAHULUGAN? SAPAT NA SA KANYA ANG MGA MAHIKANG ITIM LAMANG. "
"NAGBAKASAKALI AKONG MALALAMAN DIN NIYA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG TATLONG SALITA." Nagtaas ng boses si Asmodeus. Nainis siya kay Malphas.
"ALAM MO BA ANG IBIG SABIHIN NG GINAWA MO? PINALAKAS MO ANG IBANG NILALANG DAHIL NAGAWA NIYANG MALAMAN ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG TATLONG SALITA AT MANGANGANIB ANG IMPIYERNO DAHIL DOON!"
"Sinong nilalang ang sinasabi mo Malphas?"
"MASDAN MO ANG BABENG MORTAL SA IBABA AT SABIHIN MO SA AKIN KUNG ANO ANG NAKIKITA MO SA KANYANG KATAUHAN."
Tinignan ni Asmodeus si Maria Luna.
"HUH? MAY AURA SIYA NG ISANG PUTING ANGHEL!"
"TAMA ASMODEUS. SUMANIB SA KANYANG KATAUHAN ANG ISANG MALAKAS NA PUTING ANGHEL AT HINDI KO PA ALAM KUNG SINO. DUMITO KA AT MANOOD MUNA. BAKA SAKALING LUMABAS ANG PUTING ANGHEL KAPAG KALABAN NA NI LUNA SINA HIDAS."
"Liwanag tama ba ang narinig ko sà kanilang usapan?"
"Oo Luna. Huwag kang mabahala. Pumanatag ka. Hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari. Labis ang aking tiwala sayo. Hindi ka masasaktan hangga't magkasama tayo."
"Ikaw din ba ang tumulong kay Lola Gundina?"
"Oo Luna. Ginabayan ko lang siya noon para magbago at dahil higit na malakas ang kanyang pagmamahal ay tuluyan na siyang nagbalik loob sa ating Poong Maykapal. Hindi mo siya katulad sa angking lakas dahil nabubuo ka pa lamang sa sinapupunan ng iyong ina ay taglay mo na ang kapangyarihan ng tatlong salita."
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.