"Bagong Taong DatingAswang"
Pagpasok ni Maria Luna sa gym ay naghihintay na ang lahat sa kanya. Bago siya umakyat ay nagpatawag siya ng pulong.
"Mabuti ay naririto na kayong lahat dahil ang sasabihin ko ay mahalaga. Mula sa gabing ito ay pag-iibayuhin natin ang pagbabantay dito sa gusali. Palalakasin natin ang securities. Leynes!"
"Yes mam!" Lumapit ang head ng security guards sa dalaga.
"Gawin mong triple ang mga bantay. Kailangan pa natin ng mga tao. Sa mga empleyadong lalake na wala ng trabaho ay isama mo sa iyong mga tauhan. Turuan sila sa paggamit ng mga armas. Sanayin sila sa laban. Araw at gabi ay i-check ninyo ang mga shutters lalo na sa basement. Dagdagan mo ang mga bantay sa penthouse lalo na sa gabi. Double check ang mga CCTV at magdagdag pa kung kinakailangan. Palitan na ninyo ang mga gamit ninyong ordinaryong bala. Hindi na tatalab sa kanila. Gamitin ninyo yung mga balang may silver nitrate. May mga bagong likhang bampira kanina si Cain. Matalino sila at may isip na. Marami ang mga mamamatay kung dadami sila."
"Okey po mam."
"Lolo, Tito Nolan , Romano sanayin pa ninyo ang mga tropa ko at ang mga kababaihan. Bukas ng umaga ay kasama akong mag eensayo dito sa gym. Ang dalawang grupo ng mga halimaw ay nagsanib na ang pwersa kaya mas malakas sila ngayon. Sinuwerte lamang ako kanina at salamat Lolo bumalik kayo."
"Si Dexter ang nagpumilit na bumalik kami. Tama nga ang kutob niya kanina."
Tumingin ang dalaga kay Dexter.
"Salamat Dexter."
"Okey lang yun Luna," sagot ng binata.
"Bea, Dianne, Clarence sa communication room na lang kayo. Kagaya nang ginawa ninyo kanina. Kayo ang mga mata namin at tenga. Hindi na ako isang aswang. Kaya hindi na magbabago ang anyo ko."
"HA? TOTOO BESHIE? Nagbibiro ka ba?" Nagulat silang lahat.
"Hindi ako nagbibiro beshie. Pati na ang mga kaibigan ko. Hindi na rin sila mga aswang. Natanggal na ang sumpa sa aming angkan."
"Paano ka ngayon lalaban Luna?" tanong ni Ka Paeng.
"Katulad ninyo lolo kung paano kayo lumaban. Pero may sinabi sa akin si Lola Gundina. May natatangi raw akong ibang mga abilidad at lakas. Hindi ko pa alam ang tinutukoy niya."
"Luna matagal ko nang nabasa ang tungkol sa mga bampira. Namamatay sila sa sinag ng araw, takot sa mga krusipiho at namamatay sa mga banal na tubig at langis. Pagtarak ng matulis na kahoy sa kanilang puso ay kaagad silang namamatay. Bakit hindi natin gamitin ang mga yun laban sa kanila?" sabi ni Dexter.
"Dexter yan din ang ginamit namin laban sa mga aswang sa Pulang Lupa noon. Mabisa ang mga banal na langis at tubig dahil nalaman namin kung sino ang mga aswang." sabi ni Ka Paeng.
"Kulang ang banal na tubig at langis na nakatago rito. Kailangan nating kumuha ng marami." sagot ni Maria Luna.
"Ako ang kukuha bukas. Kailangan ko ng kasama."
"Sige Dexter sasama ako sayo. " Lumapit si Romano.
"Magsama kayo ng mga kaibigan ko. Hindi na rin naman sila mga aswang na kaya pwede na silang mabasa ng banal na tubig at langis. Matatalas ang kanilàng pakiramdam at pang- amoy sa paligid. Alam nila kung may panganib. Cenon, samahan ninyo sila."
"Sige Luna. Napakaganda ng balita mo! Matutuwa sina Lola Tindeng sa atin. Hindi nila alam na hindi na rin sila mga aswang. Mabubuhay na silang tahimik at masaya."
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
رعبMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.