Finale . . . "Arielle"

48 8 3
                                    


Patuloy sa paglaki ang maladragong  higanteng si Samael. Hininigop niya ang sakit at pagdurusa ng mga makasalanang kaluluwang nakalublob sa mga nagbabagang lawang lava para lalo siyang lumakas. Sila ang pinagkukuhanan niya ng lakas at kapangyarihan.

"Inubos mo ang aking mga kampon Maria Luna pero huwag kang magsaya dahil makalilikha pa rin ako ng mga bagong kampon."

"Kahit gaano man karami ang mga lilikhain mong  mga kampong demonyo hangga't  buhay ako ay uubusin ko pa rin sila."

Lumabas ang sanga-sangang  maitim na dila ni Samael na sumasayaw na parang ahas.

"Gusto mong lipulin ang aking mga kampon. Nalimutan mong may bakas ng kasamaan ang dugo mo. Naging kampon ko rin ang iyong ninuno. Pagmasdan mo Maria Luna."

Isang kumpas ni Samael ay nagbago ang buong paligid. Wala na sila sa impiyerno. Nasa Pulang Lupa na sila noong panahon pa ng mga Kastila.

"Kilala mo siya Maria Luna. Panoorin mo ang kanyang gagawin."

Nasa loob sila ng kubo ni Gundina noong dalaga pa siya. Hubo't hubad na nagbabago ang anyo ni Gundina. Naging isa siyang aswang. Lumabas sa kubo at lumipad. Nakasunod ang dalawa na parang kasama silang lumilipad ng aswang. Dumapo si Gundina sa ibabaw ng pawid na bubong ng isang bahay. Winarak niya ito at pumasok.

Isang dalaga ang natutulog sa loob. Dinamba ito ni Gundina at winakwak ang dibdib. Kinain niya ang mga atay at puso ng dalaga. Biglang nagbago ang paligid.

Nasa isang tumana sila sa taniman ng mga mais. Lumilipad ang aswang na si Gundina.
Sa ibaba ay may dalawang taong nagniniig. Bumaba ng lipad ang aswang. Ang una niyang sinalakay ay ang lalaking nasa ibabaw ng babae. Dinukot niya ang puso nito mula sa likod at kasunod ay ang babaeng nagsisisigaw na winakwak ang dibdib.

Ang pagpatay ni Gundina sa mga tao ay ipinapakita ni Samael. Ang pinakahuli ay nasa lumang bahay  sa Baiabas. Sa ilalim ng bahay ay may isang malapad na bato. Nasa ibabaw nito ang isang dalagang birhen  na hubo't hubad. Umuusal ng dasal ang matandang mahaba ang puting buhok, si Gundina. Ang isang matanda ay may hawak na itim na aklat.

Sinaksak ni Gundina ang dibdib ng dalagang birhen. Hinugot ang puso nito at itinaas. Inaalay ang puso sa diyablo.

"Nakikita mo Maria Luna kung paano ko naging kampon ang ninuno mo? Kaya nananalaytay sa iyo  ang dugo ng kasamaan!"

"Tama ka Samael na ginawa nga iyan ng aking Lola Gundina." Ikinumpas ng dalagang anghel ang kanyang hintuturo at bumalik sila sa kasalukuyang impiyerno.

"Ang pagsulsol ng diyablo sa aming ninuno gamit ang itim na aklat ay siyang simula ng iyong katapusan Samael."

"Anong ibig mong sabihin babae?"

"Dahil sa lihim ng itim na aklat na natuklasan ng aking lola ay nagbago ang kanyang paniniwala. Bumalik siya sa Panginoong Maykapal.  Natuklasan niya ang tunay na kahulugan ng tatlong mahiwagang salita na ibinahagi niya sa akin. At nalaman ko ang kabuuang kahulugan ng tatlong salita."

"ULN KEIF UDLN!" Sigaw ng dalaga.

"AYEEEEEEE! Huwag mong babanggitin ang mga salitang iyan!"

"Bakit Samael? Nasaktan ka? Natakot ka? Dahil sa mga tatlong salitang ito ay naging puti ang itim na aklat at nalaman ko lahat ang kahulagan ng LIWANAG *  BUHAY at KADILIMAN! Ang tatlong salitang ito ay siyang binigkas ng Poong Maykapal ng likhain Niya ang buong sanlibutan. Ang tatlong salita rin ang binigkas Niya ng likhain ka at ang mga kapatid mong mga puting anghel!"

"AHHHHHHHH! HINDI TOTOO ANG MGA PINAGSASABI MO!" 

"Takot ka sa katotohanan demonyo! Kaya ang sinimulan mo ay tatapusin ko. Papatayin kita Samael para lubusan ng  maglaho ang kasamaan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon