Chapter 42 . . . "Ninja Mantra"

129 14 3
                                    


"Ninja Mantra"

Nagising si Zeno na nakararamdam ng pamamanhid sa kaliwang balikat at wala na ang sakit. Tinignan niya ang sling sa kaliwang kamay. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri. "Mabuti walang naapektuhang ugat."

Nakahubad siya ng pang-itaas at may suot na pajama. Hanggang baywang niya ang makapal kumot. Sa kanang kamay niya ay may nakakabit na dextrose na papaubos na ang laman ng nakasabit na bote. Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa katapat na dingding. Mag-aala-siete na ng gabi.

Bumukas ang pinto at napalingon siya. Pumasok si Onami na nakasuot ng kulay luntian na kimono. Naamoy niya ang bango ng gardenia.

"Gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umupo ang dalagita sa silyang katabi ng kama."

Nakangiting nakatitig sa kanya ang dalagita. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti ang maamong mukha na may almond shape kulay gray na mga mata. Maikli ang itim na buhok lampas teynga na may bangs hangang sa mga maninipis na natural na mga kilay. Makinis at kulay rosas ang mga pisngi. Maninipis na namumula ang mga labi. Kapag nagsasalita ay kita niya ang mga mapuputing pantay-pantay na mga ngipin.  Ramdam niya ang malambot at mainit na palad na nakapatong sa kanyang braso. Mahahaba ang mga bibiluging daliri animo'y mga kandila sa kinis.  Kinakabahan siya. Parang may hinahabol ang kanyang puso na pabilis ng pabilis ang pagtibok.

"Ahhhhh! Kailangan kong pigilin ito. Hindi ito maaari." Sa isip niya. "Okey na ako." Kasabay nang ngiti niyang tugon.

"Sabi ng doktor pagka-ubos ng dextrose mo ay maaari ka ng tumayo."

Dahil sa hubad ang binatilyo hindi maiwasan ng dalagita na hindi mapasulyap sa kanyang dibdib na may kalakihan at kalaparan. Biglang tinakpan ng binatilyo ng kanyang kanang palad ang kanyang kanang dede.

"Ala pinagsasamantalahan mo na ako niyan." Na nakangiting nakatitig kay Onami.

"Hoy! Hindi ah! Lalaki ka naman hindi paris naming mga babae. Walang masama kung makita namin iyan, iyan, iyan! Hi hi hi!"  Dinuro-duro niya  ng isang daliri ang dibdib ni Zeno.

"Sinong naghubad sa akin?"

"Ako! May reklamo?"

"ANO? NAKITAAN MO NA AKO?"

"HOY! Huwag ka nang magalit. Binibiro lang kita. Sina kuya at doktor ang nagtanggal ng mga damit mo."

"Ilang oras ba akong tulog?"

"Magdamag at maghapon. Sabi nga pala ni ama, maraming salamat dahil iniligtas mo ang isa sa mga  tagapagmana ng kanyang pangalan. At dahil doon ay ito naman ang pasasalamat ko. " Biglang tumayo ang dalagita at hinalikan siya ng mabilis sa mga labi na nagustuhan naman niya.

"Onami hindi kaya sila magalit sa  kung malapit ka sa akin. Alam ko ang ugali ng mga lalaki ninyo. Masyadong selodo at istrikto sa inyong mga babae lalo na sa kapatid pa."

"Tama ka. Isa yan sa ugali namin pero iba sina ama at kuya. Mula pagkabata ay hindi ko naranasan ang naging mahigpit o istrikto sila sa akin. Pangangaral, pagmamahal at gabay ang ipinakita at ginawa nila kaya bata pa ako ay alam ko na ang tama at mali. Tinanong na ako ni kuya kagabi kung napapalapit ka sa akin. Sinagot ko siya ng OO. Ayokong magsinungaling. Hindi naman siya nagalit. Ewan ko lang sina ama at lolo at iba ko pang mga kuya."

"Anong maisasagot ko sayo Onami? Napalapit ka na rin sa akin?" Naiisip niya.

"Lalabas na muna ako. Ikukuha kita ng pagkain. Huwag kang aalis diyan!" Sabay ngiti at lumabas na.

"Hindi ko sukat akalain na dito ko matatagpuan ang babaing magpapatibok ng aking puso. Oh Onami may misyon akong dapat unahin bago ko unahin ang damdamin ng puso." Pumikit siya.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon