Part 32 . . . "Ang Pagbabalik ng mga Demonyo"

378 30 15
                                    


"Ang Pagbabalik ng mga Demonyo"

-----------

Mala-impiyerno na ang loob ng buong kweba. Parang nasa loob ng isang bulkang malapit ng sumabog si Maria Luna. Kumukulo ang nagbabagang lupa. Nagliliyab ang mga batong dingding at kisame ng buong kweba. Napapalibutan pa ng mga demonyong tinawag ni Asmodeus ang dalaga. Nakalutang siya sa ere at kaharap ang higanteng demonyo na nakatayo hawak ang malaking sundang.

"Ikaw pa lang mortal ang kauna-unahang nagpahiya sa akin at lumaban. Hindi kita mapapatawad. Pinagtawanan ako ni Malphas ng dahil sayo."

"Kailan ba nagkaroon ng pusong mapagpatawad ang isang demonyong katulad mo?"

Iniikutan ang dalaga ng mga nagbabagang batong gargoyles at mga demonyong lumalabas sa nagbabagang batong dingding. Humahaba ang mga pulang kamay na nakalabas sa kisame at pilit na inaabot ang dalaga.

"Himayin ninyo ang kanyang kalamnan para maramdaman niya ang walang katumbas na sakit."

Sumalakay ang mga alagad ni Asmodeus. Lumiwanag ang dalawang hawak na matatalas ng dalaga. Pinagdikit niya at naging mahabang espada na maliwanag ang pilipit na talim. Mabilis niya itong iwinasiwas kasabay ng bilis ng kanyang pagkilos. Sa bawat lumalapit na alagad ni Asmodeus sa dalaga ay sumasabog ang buong katawan at naglalaho. Kahit na marami ang namamatay sa kanila ay nag-uunahan sila sa pagsugod sa dalaga. Ginagamit ng mga batong halimaw na gargoyles ang kanilang malalaking batong pakpak panlaban sa espada ng dalaga. Sumisisid ng mabilis na lipad ang mga demonyo at nauuna ang kanilang mga sundang. Hindi pa rin nila magawang makalapit sa mabilis na lipad ng dalaga. Isa-isa silang nalalagas.

"Bakit hindi ikaw ang lumaban Asmodeus? Isa kang duwag na demonyo!" Sabi ng dalaga habang nilalabanan niya ang mga demonyong sumusugod sa kanya.

"Talagang hinahamon mo ako mortal! Sige pagbibigyan kita."

Nawala ang mga alagad niya at dalawa na lang silang natitira sa loob ng tila impiyernong yungib.

Lumabas ang mga sari-saring kaluluwa sa katawan ng higanteng demonyo. May mga bata, babae, lalake at mga matatanda. Nagliliparan sila paikot sa dalaga. Sa una ay maaamo ang kanilang mga mukha. Nang malapit na sila ay nagbabago ang kanilang mga anyo. Idinidikit nila ang kanilang mukha at ngumanganga na parang gustong kainin ng buo ang dalaga. Pilit silang pumapasok sa katawan ng dalaga upang siya ay kanilang angkinin. Pero malakas ang manipis na liwanag na nakabalot sa katawan ni Maria Luna. Naglalaho ang mga kaluluwang napapadikit sa kanya.

Nagbago ang anyo ni Asmodeus. Isa na siyang dambuhang ahas na may sungay. Halos sakop ng kanyang malaki at mahabang katawan ang buong yungib. Nakanganga siya at labas ang mga ngiping matutulis na may dalawang malalaking pangil at sinasagpang ang dalaga na palipad na umiiwas. Umaalon ang kanyang makapal na kaliskis habang siya ay kumikilos. Lumubog ang ulo ni Asmodeus sa kumukulong magma. Sumusunod ang kanyang dambuhalang katawan. Hindi na makita kung nasaan ang kanyang malaking ulo.

Nakalutang sa ere ang dalaga at naghihintay. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang maliwanag na edpada. Biglang lumitaw sa likuran niya ang malaking ulo at nagbuga ito ng kumukulong magma. Sapol sa likod ang dalaga at napatilapon siya. Patuloy ang pagbuga ng kumumulong magma ng demonyo at idinidiin ang dalaga sa mainit na dingding. Hindi siya makalipad dahil sa lakas ng pwersa ng kumukulong magma. Hndi niya nakita si Asmodeus na nakasunod ang nakabukang bunganga at nilamon siya ng buo. Pumulupot ang malaking dila na hati ang dulo sa katawan ni Maria Luna. May mga kamay na lumabas mula sa loob ng lalamunan na biglang humawak sa dalaga at hinahatak siya paloob.

"ULN♌KEIF♌UDLN!" Sigaw ng dalaga

Itinaas niya ang matalas na espada. Papasok na siya sa lalamunan at itinarak niya ang nagliliwanag na espdada sa kalamnan ng demonyo. Napasigaw si Asmodeus. Tumayo ang malaking ulo niyang dambuhalang ahas at nawawakwak ang makapal na kaliskis sa may lalamunan. Nakalusot ang mahabang espada at hiniwa ng pahaba ang lalamunan ng dambuhalang ahas. Lumabas sa nawakwak na sugat ang dalaga. Kasunod niya ang bumubulwak na itim na dugo ni Asmodeus. Nagbago kanyang anyo at bumalik sa pagiging higanteng demonyo si Asmodeus na may mahabang sugat sa lalamunan.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon