"Cain"--------
Hapon na ng marating ng magbabarkada ang tuktok ng bundok. Naghanda ang mga lalake ng mga itatayo nilang mga tents. Pagkain naman ang inihahanda ng mga babae. Kanya-kanya sila ng toka. Dahil lagi silang umaakyat sa mga bundok at nature trippings ay alam na nila ang kanilang mga gagawin.
"ML ang daming ipinadalang ulam ni Nanay Loretta lalo na itong kare-kare." sabi ni Dianne habang inilalabas niya sa backpack ang mga ulam.
"Kaya marami yan sis ay para nakatikim naman tayo. Siya lang ang umupak kaninang tanghalian sa karekare."tugon ni Billy na naglalabas ng mga cold juices mula sa cooler box.
"Maaga tayong kakain ngayon. Sabi ni Romano maganda raw ang tanawin dito sa gabi. Ngayon pa nga lang ay maganda na." sabi ni Maria Luna. Tanaw niya ang buong karagatan ng Pacifico. Sa ibaba ay ang mga munting kabayanan. Hawak niya ang isang mahabang gulok at tinutulisan ang mga natabas niyang mga mahahabang buho.
"Ano ba ang lilitsunin mo ML. Ang dami na niyang mga buho ah!" tanong ni Bea. Lumapit siya sa dalaga.
"Sabi ni Lolo Paeng marami raw baboy ramo rito. Baka makahuli tayo."
"Ay litsong baboy ramo. Gusto ko yun!" sigaw ni Clarence na nakikinig sa usapan ng mga babae.
"Hoy Clarence tapos na ba ang itinatayo ninyong tents?"
"Kanina pa ho sister Billy."
"Huwag mo nga akong matawag -tawag na sister. E kung upakan kaya kita? Baklang ito!"
"Okey! Okey! Sowry na ho Kuya Billy!"
"Hi hi hi! Nagsalubong na naman ang bakla at tibo. Ano kaya kung kayong dalawa ang magkatuluyan? Kain na muna tayo! Clarence tawagin mo na sila." sabi ni Dianne. Bumalik si Clarence sa mga batuhan kung saan nagtatayo ng mga tents sina Romano.
Sa may talampas ay nakakubli ang dalawang alagad ni Remuel. Palihim silang sumunod sa grupo.
"Anong sabi ng panginoon?" Tanong ng isa. Hawak ng ikalawa ang isang cellphone.
"Hintayin daw nating gumabi at papuntahin niya rito sina Amang."
"Sige. Natatakam na ako sa mga atay nila."
Tinitignan nila ang grupo na nagkakainan na.
----------
Alas onse na ng gabi. Gising na gising ang Kalakhang Maynila. Maraming tao ang mga nasa galaan. Puno ang mga night bars at videokehan. Maraming turista na sa gabi lang namamasyal. May mga paconcerts sa mga malls. Hindi na yata marunong matulog ang mga taga Maynila.
Nakatayo sa balkonahe ng mansion si Cain at pinagmamasdan niya ang kabilugan ng buwan.
"Kay tagal kong pinangarap na maging hari. Ikaw Hermilio ang sumira ng aking pangarap noon. Saan mo dinala ang aking itim na aklat?" Iniisip ni Cain ang nakaraan . . . .
------
Ika 16 siglo. . . . Dahil sa Galleon Trade ay dumami ang mga Tsinong dumayo sa Pilipinas dahil sa pangangalakal. Hinayaan sila ng mga Kastila dahil sa buwis na kinikita nila sa mga Tsino. Libo-libong manggagawang Tsino ang sumunod na dumating sa Maynila na noon ay nasa loob ng mataas na pader na tinarawag na Intramuros. Isa sa naging problema ng relasyon ng mga Kastila at Tsino ay ang hindi pagpayag ng mga Tsinong mabinyagan sila upang maging Kristiyano.
Dahil sa mga Tsinong mangangalakal ay umunlad ang Maynila at ginawa na itong sentro o kapital ng bansa.
Naging tukso sa mga pirata ang kaunlaran ng Maynila kaya sinalakay ito ng mga piratang Tsino sa pamumuno ni Limahong. Tumulong ang mga Tsinong naninirahan sa loob ng Intramuros sa mga pirata. Sinunog nila ang mga simbahan, bahay ng mga Kastilang prayle at ninakawan ang mga bahay ng mga mayayamang Kastila.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.