Part 31 . . . "Asmodeus"

264 26 7
                                    


"Asmodeus"

-------

Matapos mailikas ang lahat ng nasa Dela Vega Tower ay nagtungo sina Maria Luna sa kanilang dating mansion. Iniwan na nila ang tower. Walang sira ang mansion. Saradong-sarado ito ng mga shutter na bakal. Bumukas ang main shutter sa harapan ng makita sila ni Mang Mauro sa nasa monitor ng mga CCTV. Sinalubong sila ng matanda.

"Kumusta na kayo rito Mang Mauro?" bati ng don.

"Okey naman po sir. Tahimik. Puro laro sa computers na nga ho ang inaatupag ng apat na guards natin."

"Mabuti at hindi kayo sinalakay ng mga halimaw dito."

"May naliligaw noon po sir. Hindi nakalusot sa ipinagawa ninyong depensa."

"Kumusta ang supply natin dito, sa pagkain, tubig at krudo?"

"Marami pa ho sir. Halos hindi nga ho nagagalaw dahil kaunti lang kami rito. Tatagal pa ng dalawang buwan ang krudo natin."

Ipinakilàla ng don ang ibang kasama nila kay Mang Mang Mauro. Nagpasukan ang magkabarkada. Mukhang pagod pa rin sila.

"Luna aayusin ko na muna ang silid mo."

" Opo yaya. Salamat."

Umupo ang dalaga sa sala. Mukhang nag-iisip. Umupo sa tabi niya ang don.

"Bakit anak?"

"Daddy iba na ang mga halimaw. Mga totoong demonyo na sila. Nakita ko mismo ang kanilang panginoong Diyablo. Nagbanta siya. Maraming tao ang madadamay daddy."

"Noon pa man ay iyan na ang ikinakatakot ko anak. Kaya naghanda ako noon. Pero hindi ko akalain na pati ang impiyerno ay nakialam na."

"Pumunta tayo sa basement daddy. Kausapin natin si Lola at ang isang tumutulong sa akin."

"Sige." Tumayo sila. Dala ng don ang puting aklat. Nagpaalam muna ang dalaga sa lahat.

Sa lihim na silid sa basement ng mansion ay ipinatong ng don ang aklat sa isang mahabang mesa. Tumayo ang dalaga sa harapan ng mesa.

"LIWANAG♌BUHAY♌KADILIMAN"

Lumiwanag ang aklat na puti.

"Lola naririto ka na ba?"

"Oo apo!" Lumabas ang espirito ni Gundina.

"Lola anong gagawin ko? Hindi ko alam kung saan magpapakita ang mga demonyo. Paano kung sa maraming tao sila magpakita at lumikhang muli ng mga halimaw? Lahat ng angkan ni Zacharias ay nagbalik na at mga demonyo na sila kasama ni Cain. Makapangyarihan ang kanilang panginoong Diyablo."

"Noon pa man ay matagal na akong sinusulsulan ng diyablo pero hindi ako nagpadala sa kanyang panunukso. Nagkamali ako noon dahil sa pag-ibig. Pumatay ako bilang paghihiganti sa mga yumurak sa akin. Nadamay ko ang mga inosenteng walang kasalanan sa akin na aking pinagsisihan. Ang kahinaan ko noon ay ang sobrang galit na tinalo ang aking isipan na makapag-isip ng tama. Huwag mo akong tularan apo. Natuklasan ko ang aking pagkakamali dahil rin sa pag-ibig at sa tatlong salita. Sinikap kong itama lahat pero kulang pa kaya ako ay nasa mundo ng mga kaluluwäng ligaw. Apo ito na ang matinding pagasubok sayo. Nasa kamay mo para ako ay makatawid rin at makaalis dito sa mundo ng mga kaluluwang ligaw. Huwag mong sisihin ang iyong sarili kung may madadamay na ibang inosente dahil hindi mo hawak ang kanilang kapalaran. Iba ka kaysa sa akin kaya sayo ipinagkaloob ang lubos na kapangyarihan ng tatlong salita. Kaya ako naririto pa rin dahil na rin sa tatlong salita upang gabayan ka. "

"Salamat lola. Liwanag maari ka na bang magpakita sa amin? Kailangan kita!"

Isang nakakasilaw na bolang liwanag ang lumitaw. Nagkahugis nilalang ito na hindi pa rin makita ang mukha dahil sa liwanag na lumalabas sa kanyang buong katawan. Malakas ang kanyang aura.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon