Part 34 . . . "Ang Dayuhan"

207 19 1
                                    


"Ang Dayuhan"

----------

Walong vans ang bumabagtas sa kahabaan ng tulay na bakal papasok sa Pulang Lupa. Sa dulo ng convoy ay nakasunod ang isang itim na SUV na tinted lahat ang mga salamin. Sumunod ito sa mga vans hanggang sa tapat ng kapilya pero pumarada sa tapat ng isang ice cream parlor. Bumaba ang nakasakay na may katangkaran at pumasok sa parlor. May ilang costumers na kumakain sa loob. Napatingin sila sa lalake ng pumasok dahil sa kakaibang hitsura niya. Mahigit siyang anim na talampakan ang taas. Bakat sa suot niyang itim na tee shirt ang laki ng kanyang dibdib. Umupo ang lalake sa mesang katabi ng display window at nakatingin sa mga vans na bumababa na ang mga sakay na Rangers at SAF ng pulisya. Nilapitan siya ng serbidora.

"Anong order po ninyo sir?" Na medyo nag-aalangan pang magtanong na baka hindi siya maintindihan ng lalake.

Tumingin ang lalake sa serbidora. Inalis niya ang kanyang itim na shades. Bata pa siya. Berde ang kanyang mga mata. Nakatingin pa rin sa kanya ang mga kumakain. Mahaba ang kanyang pulang buhok na nakatali sa likod. Itim lahat ang kanyang suot at high boots ang kanyang itim na sapatos. Maputi ang kanyang kutis na namumula-mula. Mukha siyang taga ibang bansa. Tinignan ng lalake ang counter ng parlor.

"Bigyan mo ako ng Banana Split at rocky road na ice cream. Samahan mo na ng isang bote ng mineral water," Napangiti ang serbidora ng sumagot siya at tumalikod na para kunin ang kanyang order. Muli siyang tumingin sa kapilya. Pinagmamasdan niya ang apat na kataong nakatayo sa harapan ng kapilya. Kinikilala niya ang bawat isa.

"Ka paeng! Nolan! Major Almonte! Bunye! Kayo na nga ang hinahanap ko!" Iniisip niya habang tinitignan ang apat na nakasuot ng full battle gears. Inilabas niya ang kanyang cellphone at pinanood ang mga lumang news videos ng mga labanan ng mga tao at aswang sa Pulang Lupa. Pino-pause niya ang video kapag close ups sa kanilang mga mukha ang kuha. Dumating ang kanyang order. Tahimik siyang kumain at patingin-tingin pa rin sa labas ng kapilya. Patapos na siyang kumain nang may pumasok na matandang babae sa parlor at narinig niya ang sinabi ng matanda sa serbidora at kahera.

"Mila, Rochel maaga tayong magsasara. Umuwi na kayo. Kailangan maaga kayo sa kapilya mamaya kasama ang pamilya ninyo."

"Mam talaga ho bang may mga aswang nga raw na sasalakay sa atin?"

"Oo Mila. Napatay nila kanina ang apat sa Sitio at Ilaya. Sa kabisera na muna kami ng sir ninyo. Saka ko na kayo ipatatawag kapag wala ng panganib. Sige na at magligpit na kayo. Paglabas ng costumer ay magsara na kayo."

"Opo mam."

Tumayo ang lalake at iniwan sa ibabaw ng mesa ang iisahing libong piso. Lumabas siya ng parlor at sumakay sa kanyang sasakyan. Pinaandar niya ang makina pero hindi siya umalis. Binuksan lang ang aircon. Nakikita niya ang mga taong parating patungo sa kapilya. May mga sasakyang puno ng mga tao na dumaraan palabas ng Pulang Lupa.

"Papa, Lolo Hernando, Lola Isabel matutupad na ang matagal nating pinaghirapan. Magsisimula na ang aking paghihiganti upang ibangon ang ating angkan dito sa Pulang Lupa. Didiligin ko ng kanilang dugo ang lupang ito." Iniisip niya habang pinagmamasdan ang mga taong nagsisipalikas.
Bumalik ang kanyang alaala.

Tatlong taong gulang pa lang siya ng simulang hubugin ng kanyang ama ang kanyang katawan at isipan sa tulong ng kaniyang Lolo Jose. Hindi siya pinag-aral sa mga paaralan. Kumuha ang kanyang ama ng mga pribadong guro na nagturo sa kanya ng lahat ng mga dapat niyang matutunan sa paaralan. Mula Lunes hanggang Biyernes ay sinanay siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban ng pisikal. Tinuruan sa paggamit ng lahat ng mga sandata matatalas man o mga baril. Tinuruan siyang magsulat at magsalita ng mahigit sa sampung lengguwahe,

Ipinadala siya sa iba't ibang panig ng Europa upang magsanay sa ilalim ng mga dalubhasa sa pakikipaglaban, eskrima man o paghawak ng mga baril. Dalawang taon siyang nanirahan sa isang monasterio sa bansang Tsina at nag-aral ng kungfu at paggamit ng mga sandata ng mga mongheng Intsik. Dalawang taon siyang nanirahan sa bansang Japan at nag-aral sa paggamit ng katana sa ilalim ng isang matandang Samurai Ninja. Binigyan siya ng matandang Hapon ng isang katana na mahigit sa dalawang libong taon na ang tanda na pinanday pa ng mga sina-unang dalubhasang panday ng Emperor ng Edo noong unang panahon.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon