Part 37 . . . "Mga Dugo ni Romano"

215 26 7
                                    

"Mga Dugo ni Romano"

----------

Nolan POV

Ang lakas ng kaba ko habang naghihintay kami ni Tatay Paeng na buksan ang maaliit na pinto ng kapilya. Tumutulo ang banal na langis sa aming katawan. Wala kaming ibang sandata maliban sa hawak naming matatalas. Sana totoo ang sabi nina Maria Luna at Lola Gundina na mabisa ang aming sandata laban sa mga impakto lalo na sa mga demonyo. Malakas ang pananalig ko kay Lord God na gagabayan Niya kami.

Lumangitngit ang pinto ng mabuksan. Naunang lumabas si Tatay Paeng kasunod ako. Naramdaman ko kaagad ang malamig na hangin at malakas na bugso ng ulan. Napakadilim sa labas. Ilang saglit ay napatigil ako. Sumugod na si Tatay Paeng. Sinasanay ko muna ang aking mga mata sa dilim. Kakaiba ang kadilimang ito. Nakararamdam ako ng pagbabago sa aking katawan. Parang lumalakas ako.

Hinigpitan ko ang paghawak sa matalas. Ahhh! Parang may liwanag na lumalabas sa matalas. Ano ito? Maging ang katawan ko ay lumiliwanag. Nakikita ko na lahat ng aking paligid na parang may araw na. Tumatalas ang aking pakiramdam. Ito na ba ang sinasabi ni lang kapangyarihan ng kwatro kantos? Ang mga aswang! Ang dami nila. Pinalibutan na nila si Tatay Paeng!

"Mga impakto kayo!" Sigaw ko.

Sumugod na rin ako. Parang magaan ang aking katawan. Hinahatak ako ng matalas. Nagkukusa siyang tumaas. Unang aswang na baboy ang kasalubong ko ang natigpas ang ulo. Parang walang ano mang humiwa ang talim ng matalas sa laman at buto ng aswang. Nasundan sa pagwasiwas ko at nahati ang katawan ng taong aswang.

Sinipa ko ang isang malaking itim na pusang sasakmal sana kay Tatay Paeng na nakatalikod. Tumilapon ito ng ilang dipa. Malakas nga ako. Nabuhayan ako ng loob. Hinarap ko ang mga impaktong pasugod na sa amin.

"Itay malakas nga ang matatalas natin!" Sigaw ko habang nilalabanan ko ang tatlong taong aswang.

"Oo Nolan pero iwasan mo pa ring masakmal nila."

"Opo itay."

Lumilipad ang mga kamay na natitigpas ko kasunod ang pagkahati ng kanilang katawan. Napalingon ako sa kanan namin ni Tatay Paeng at nakita ko ang lalakeng naka-itim. Ang bilis niya at liksi sa pakikipaglaban. Dalawa ang hawak niyang matatalas na samurai ang mahaba. Umiikot siya at bawat tamaan ng kanyang mga sandata ay napupugutan ng ulo. Napansin kong puro wakwak na ang kanyang suot na itim na jacket pero wala siyang sugat.

"UGH!"

Naramdaman ko ang mga kukong bumaon sa aking balikat. Biglang ikot ko at nakawala sa pagkakasakmal ng kamay sa akin. Napamulagat ako sa laki ng taong aswang na hinarap ko. Pulang-pula ang mga mata na nakanganga na at litaw ang mga itim na ngiping mahahaba at matutulis. Biglang daluhong niya at nasakmal ng kaliwang kamay ko ang kanyang leeg upang ilayo ang kanyang mukha sa akin. Isinabay ko ang pagtarak ng aking matalas sa kanyang dibdib. Narinig ko ang lagutukan ng mga buto habang bumabaon ang matalas. Tumirik ang mga mata ng taong aswang. Mabilis kong binunot ang matalas sabay tinigpas ko ang kanyang ulo. Sumirit ang dugo sa lanyang naputol na leeg. Naramdaman ko ang hapdi sa aking balikat at ang mainit na dugong dumaloy sa aking katawan. Hindi ko alam gaano kalalim o kalaki ang aking sugat at hinarap ko na ang dalawang nakasunod na taong aswang.

------------

"Marcial nagsisimula na ba kayo sa Pulang Lupa?" Sabi ni Zacharias gamit ang isipang kinakausap ang kapwa demonyo.

"Oo Zacharias. Uubusin na namin lahat ng mga taga Pulang Lupa."

"Sige Marcial. Gawin mo. Panahon na para matupad ang matagal na nating balak noon pa. Dapat na silang magbayad. Nariyan ba ang mga kalaban nating mortal na sina Rafael at Maria Luna?"

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon