Part 39 . . . "Duelo Hanggang Kamatayan"

510 33 31
                                    


"Duelo Hanggang Kamatayan"

-------

Nanggigil sa galit ang diyablong si Marcial dahil sa pagkamatay ng demonyong si Redentor. Siya ang pinagmulan ng kanilang angkan. Dugo niya ang nanalalaytay noong tao pa lang sina Redentor, Miniong, Zacharias at mga anak ni Zacharias na sina Lope at Remuel. Ngayon kahit na sila ay mga demonyo ay ayaw pa rin niyang malagasan ng kadugo.

"KLANG! KLANG! KLANG!

Walang tigil ang pagbigwas ng kaniyang malaki at mahabang sundang na nagbabaga sa init na sinasangga ni Maria Luna. Nagliliwanag ang kadiliman ng kalangitan sa tuwing ang dalawang sandata ay nagdidikit. Lumalabas ang mga tila kidlat na ang kasunod ay mga dagundong ng mga kulog. Kapwa sila lumilipad. Nakaladlad ang mga mahahabang pakpak ng demonyo na patuloy ang pagsugod sa dalaga. Kumakawag ang kanyang pulang mahabang buntot na matulis sa dulo at naghahanap ng butas sa depensa ng dalaga upang tuhugin.

"Hindi kita titigilan Maria Luna hanggang sa manghina ka. Ipalalasap ko sayo ang aking poot. Hihimayin ko ang bawat kalamnan mo para maramdaman mo ang mga sakit na walang kapara. Buhay kang ipararamdam ko sayo ang impiyerno. Hindi na kita pakakawalan."

"Wala akong balak tumakas demonyo. Talagang hinahanap ko kayo upang ubusin."

Itinaas ng dalaga ang kanyang kaliwang kamay habang sinasangga niya ang mga taga ng demonyo. Lumabas ang bolang liwanag. Lumipad ito at lumusot sa depensa ng demonyo. Sumabog ang liwanag at tumilapon si Marcial. Nabalatan ang kanyang dibdib. Naramdaman niya ang kirot.

"Kakaiba ang kanyang kangyarihan. Paano siya lumakas?" Iniisip ng diyablo. Muli siyang umatake. Tinutusok niya ang dalaga. Iniiba niya ang mga direksyong pinanggagalingan ng kanyang mga atake. Pero walang makalusot kahit isa.

Nagpalabas siya ng mga apoy. Lahat ay hindi tumama dahil sa harang na liwanag na lumilitaw sa harapan ng dalaga. Muli siyang biglang nasilaw ng isang maliit na bolang liwanag na hindi niya nasangga at sumabog sa tapat ng kanyang mukha. Naramdaman niya ang hapdi. Isa siyang demonyong malakas at may kapangyarihan bakit nasasaktan siya? Ang kanyang naisip. Parang pumipintig ang kanyang mukha dahil sa hapdi.

"Panginoong Malphas bigyan mo pa ako ng lakas at kapangyarihan upang talunin ko ang kaaway kong mortal." Bulong niya habang iniinda niya ang sakit.

Lumitaw ang makapal na itim na usok. Biglang nagpakita ang prinsipe ng mga demonyo. Higit siyang malaki kaysa kay Marcial. Nakangisi siyang nakatingin kay Marcial. Tinignan niya ang dalaga na napa-urong.

"BAKIT MARCIAL? HINDI MO NA BA SIYA KAYA?" Kakaiba ang boses niya. Parang isang libong kaluluwa ang nagsasalita.

"Panginoon, kakaiba ang kanyang lakas."

"HANDA KA NA BANG LUMABAN HANGGANG KAMATAYAN MARCIAL?"

"Oo panginoon."

"SIGE! DADALHIN KO KAYO SA ARENA NG MGA DUELO!"

Kumapal ang usok na itim. Umikot ito sa dalawa. Nang mawala ang usok na itim ay nasa kakaibang lugar na ang dalawa. Walang hangganang batuhang disyerto ang paligid. Napapaikutan sila ng mga burol na mabato. Mainit ang liwanag pero walang araw. Walang mga ulap ang kalangitan. Isang tila patay na mundo ang kanilang kinaroroonan.

"DITO KAYO MAGLALABAN. WALANG MAKA-AALIS DITO HANGGA'T BUHAY ANG ISA SA INYO, MARCIAL. GAMITIN NA NINYO LAHAT NG INYONG LAKAS AT KAPANGYARIHAN. GAMITIN NINYO ANG BUONG ARENA KUNG GUSTO NINYONG MANALO. WALANG MAKIKIALAM SA INYO."

"Panginoon! Paano ko siya lalabanan kung wala akong sapat na kapangyarihan?"

Nawalang bigla ang hawak na sundang ni Marcial at lumitaw sa kanyang kamay ang isang mahabang espada na malapad at nagbabaga. Naramdaman niya ang kakaibang lakas.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon