Part 38 . . . "Mga Higanteng Demonyo"

234 31 14
                                    

"Mga Higanteng Demonyo"

---------

"GWAAAAAKKKKK! GWAAAAAAKKKKK"

Bigla ang pagbuga ng mainit na likidong parang asido ang higanteng sawang si Marcial at umiikot na mainit na apoy ang sa higanteng sawang si Redentor. Nilukuban ng dalawang naghalong elemento sina Maria Luna at Zeno.

"Apo! Zeno!"

Nawalang bigla si Lola Gundina bago pa man tumama ang dalawang nag-aalimpuyong elemento sa dalawa. Masaya ang mga itim mata ni Marcial habang patuloy ang pagbuga nila ni Redentor ng mga elementong alam niyang tutunaw at susunog sa dalawang dugo ni Romano. Kumalat ang magkahalong elemento. Natuyot ang lupang nasa paligid nina Maria Luna at Zeno. Naabo ang mga gutay-gutay na katawan ng mga namatay na aswang. Ilang sandali pa ay tumigil na sa pagbuga ng likidong asido at apoy ang dalawang higanteng sawa. Nanlaki kapwa ang kanilang mga mata ng makita sina Maria Luna at Zeno.

Nakataas ang kanang kamay na may hawak na matalas ang dalaga. Mula sa matalas ay lumikha ito ng harang na liwanag na parang dome na lumukob sa kanila ni Zeno. Basang-basa pa rin ang lupang kanilang kinatatayuan.

"Zeno doon ka na muna sa loob ng kapilya. Masyadong mapanganib para sayo ang labanan sila. Mga demonyo sila."

"Hindi Luna. Mula pagkabata at nagka-isip ako ay sinanay na ako nina papa at lolo para sa ganitong sitwasiyon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nanganib ang aking buhay pero naririto pa rin ako upang ipagpatuloy ang sinumpaang layunin ng aming angkan. Kailangan kong malaman kung hanggang saan ako maaaring lumaban."

"Ikaw ang bahala Zeno. Humanda ka. Aalisin ko na ang harang."

"Bigyan mo ako ng ilang saglit muna Luna."

"Sige."

Pinagdikit ng binata ang kanyang dalawang palad. Mabilis na kumilos ang kanyang mga daliri. Umuusal siya ng mga mantra. Pinagmamasdan siya ng dalaga. Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata nang matapos na siya."

"Handa na ako Luna."

"Sige. Maghihiwalay tayo para maghiwalay din sila. Sa akin ang malaking demonyong si Marcial."

"Sige!"

"HUH! BUHAY PA KAYO!" Sabi ni Marcial. Umusad siyang papalapit sa dalawa na nalulukuban ng maliwanag na dome. Biglang nawala ang liwanag at naghiwalay ang dalawa na lalapitan sana niya. Sa kaliwa biglang tumakbo si Luna at sa kanan ang binata. Sinundan niya si Luna. Mabilis ang kanilang takbo halos sa kisap mata ay magkalayo na sila. Hinarap ni Redentor ang binata. Tumaas ang kanyang ulo habang pumupulupot ang kanyang katawan na para siyang ahas na cobra. Sinusundan ng kanyang mga mata ang kilos ng binata. Ginamit ng binata ang dingding ng kapilya. Tumalon siya ng mataas. Paglapag malapit sa bubong ng kapilya ay muli siyang tumalon. Nasa ere pa siya nang mula sa kanyang mga kamay ay lumipad ang dalawang granada kasunod ay hinugot ang kanyang katana.

Nakanganga si Redentor ng pumasok na magkasunod ang dalawang granada sa kanyang bunganga.

"BOOM! BOOM!"

"INNNGGG!" Halinghing sa sakit ang demonyo na halos natanggal ang panga. Nawarak ang kanyang bunganga na natira ang iisa niyang mata. Kakaiba ang lakas ng mga granada.

Lumapag ang binata sa ibabaw ng kanyang ulo. Iwinasiwas ang katana na lumiliwanag ng pula dahil sa mantra ng isang Ninja. Bumaon ito sa ibabaw ng ulo ng higanteng sawa na lalong nagpa-ulol sa kanya. Malakas na iwinasiwas niya ang kanyang ulo. Tumakbo ang binata na nasa ibabaw ng kanyang katawan. Hindi alintana ng binata ang init ng mga namumulang kaliskis na umuusok pa. Tinusok niya ang katawan at tumakbo. Gumuguhit ang katana na nakabaon ang kalahati. Nahihiwa ang mga kaliskis. Lumitaw ang itim na laman at bumulwak ang itim na dugo ng demonyo. Nagtanim ng ilang granada ang binata sa nahiwang katawan. Biglang nagkakawag ang katawan ni Redentor. Tumalon ang binata upang makalayo sa kanya.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon