Part 11 ..."Cain v/s Maria Luna"

430 27 5
                                    


"Cain v/s Maria Luna"

Nauuna ang mga kaibigan ni Maria Luna sa paglabas sa elevator sa ground floor ng hospital. Agad silang sinalubong ng mga alagad ni Cain na mga dating doktor, nurses at pasyente ng hospital na ngayon ay mga bampira na. Magkayap ang mag-ina na protektado ng tatlong aswang. Takot na takot si Althea at ayaw niyang tumingin sa labas na nagkakagulo na.

"Roxas huwag kang lalayo kina mama at Althea. Walang laban ang mga baril natin."

"Yes sir. Nag-aalala ako sa pamilya ko sir!"

"Pupuntahan natin sila Roxas."

"Salamat sir!"

Lumabas si Dexter at sumali sa labanan sa lobby ng hospital. Mabagal pang kumilos ang mga bampira kaya madali nilang nagagapi. Napapapikit ang binata sa tuwing tinataga niya sa leeg ang nakakaharap na bampira. Naawa siya pero wala na siyang magagawa. Patay na buhay sila at mahalaga ang kaligtasan ng kanyang mga kasama kaysa sa mga bampira.

"Sir bilisan ninyo. Dito!" sabi Ka Rene. Nasa main door siya nakatayo at binabantayan ang labas. Nakaparada sa tapat ng hospital ang dalawang vans.

Nagmadali sina Dexter na tumakbo palabas ng hospital at sumakay sa nauunang van.

"Ka Rene pwedeng dumaan tayo sa bahay ng kasama natin?"

"Yes sir. Saan ba siya nakatira?

"Boss sa may Pasong Tamo lang." Sagot ni Roxas.

"Sige sir!"

Umabante ang dalawang van. Humarurot kaagad sila. Nakatingin si Dexter sa labas. Iba na ang mga kalsada. Madilim sa ibang mga parte at naghambalang ang mga sasakyang walang mga laman. Walang katao-tao. Sarado ang mga tindahan. May mga nakabukas na mga convenient stores pero walang tao sa loob. Basag ang mga salamin. Wala siyang makitang mga patay sa daan. May mga nasusunog na bahay at gusali. Nadaanan nila ang isang presinto ng pulis. Walang tao sa harapan.

--------

Sa itaas ng matayog na gusali magkaharap na sina Maria Luna at Cain. Nakangisi si Cain.

"Ikaw ang nagtatago ng aking itim na aklat! Hmmm! Hindi ka pangkaraniwang tao. Ikaw na nga ang hinahap ko."

Sabi niya sa dalaga na pinagmamasdan siya. Walang bakas na takot sa mukha ni Maria Luna na hinahanap ni Cain. Takot ang kahinaan ng kanyang mga biktima kaya madali niya silang nagagapi.

"Sino ka ba? Paanong naging sayo ang itim na aklat? Ikaw ang lumikha ng mga kaguluhan dito?"

"Ako nga! Lumikha ako ng aking mga kampon at pararamihin ko sila. Gusto kong lumuhod sa akin ang mga tao at magmaka-awa. At Ako ang panginoon ng itim na aklat na nasa iyo dahil ako ang sumulat."

"Hmmmm. Katakataka! Kung ikaw ang sumulat bakit ngayon ka lang lumabas at nagpakita?" Humanda ang dalaga. Binunot niya ang kanyang dalawang pistola.

"Dahil ikinulong ako ng taong nagnakaw ng aking itim na aklat. Ilang daang taon akong nasa ilalim ng lupa. Ngayong sa muli kong pagkabuhay ay magdurusa ang lahat."

"Sana ay hindi ka na tumayo at nanatili ka na lang sa ilalim ng lupa. Kaya pala amoy lupa ka rin pa hanggang ngayon. Ngayon ay ibabalik kita roon sa iyong pinanggalingan."

"Ha ha ha! Kay tapang mong sabihin sa akin yan. Ako na si Cain ang maghahari sa mundong ito?" Lumabas ang mga pangil niya at sumingasing. Humanda na upang sugurin ang dalaga.

"Pagharian mo ang impiyerno halimaw! Ummmm!"

"Praaaatttttt! Praaaaatttt!" "Arkhhhhhh!"

Inubos ng dalaga ang lamang mga bala ng dalawang pistola. Sapol si Cain sa dibdib na napaatras pa. Ngumisi siya. Pinagpag lang niya ang kanyang dibdib. Mula sa kanyang mga sugat ay naglabasan ang mga bala.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon