Chapter 1

3.1K 120 4
                                    

[LOCATION: RUSSIA]

"A2," she managed to say the code in her earpiece before shooting down one of her abductors then ran again. She turned on the tracker on her piercing.

A2. A code for an ambush.

They were inside a forest with an empty non-cement road.

Yazafra Loverde was abducted just thirty minutes ago as she was returning home. She recognized them as a known mafia group and they seem to have abducted her for revenge.

Yazafra could only ran in her boots. Pero mabilis siyang naabutan ng isang mabilis na kotse. A screeching sound was heard and the car stopped in front of her.

Pinaikutan niya ng tingin ang paligid nila. Maraming matatayog na puno lamang ang makikita at ang daan na ito. Pero alam niyang sa kabila nito ay ang sementadong daan.

Mabilis na bumaba sa kotse ang isang lalaki. Ang may-ari sa mafia. Ngumisi ang lalaking asul ang mata. Hindi rin nagtagal ay pina-ikutan na sila ng anim pang miyembro nito at tinutukan siya ng mga baril.

"It's nice to see you again," ngisi ng mafia boss. Hindi siya nagsalita at tinaasan lang ito ng kilay.

"We've been watching you really closely," tuloy nito at pina-ikutan siya.

"You're really amazing! You managed to shoot ten more of my men. But you know what..." ramdam ni Yaza ang hininga ng lalaki sa kanyang leeg. "Those will be the last members you'll ever shoot--"

"Dumayesh', smozhesh' menya ubit'? (Think you can kill me?) You think I don't know you're targeting the Venenatus one by one because you can't defeat us at once?" Yaza knew the mafia boss was triggered of what she just said.

She had already figured out their plan since the moment they abducted her. The Venenatus guild had executed many members of this mafia because of their missions.

Laging sangkot ang mafia na ito sa mga illegal na trabaho kaya't hindi maiiwasang malagay sila sa target list ng agents. Iyon nga lang, laging napupunta sa listahan ng Venenatus guild ang mafia na ito kaya't kilala na sila ng buong mafia.

She also knew more mafia members are coming so she had to escape now!

'Nasaan na ba ang mga yun!? Useless bastards!' Ang tinutukoy nito ay ang mga ka-miyembro niya sa Venenatus guild.

"Don't act smart on me, princess. You're alone now, remember?" wika ng mafia boss. Hinarap naman niya ito kaya naging alerto ang anim na tauhan nito.

Nginisian niya ang mafia boss. "Show me what you got." Pagkasabi ni Yaza doon ay mabilis siyang umikot at sinipa sa mukha ang lalaki kaya natumba ito.

If you ask about her strengths, that would be target shooting and speed.

May mga bumaril sa kanya pero mabilis siyang nakaiwas at nalapitan ang isa. Hinawakan niya ito sa leeg kaya't nabitawan nito ang baril dahil nahirapan itong huminga. Linabas niya ang sariling baril at pinatumba ang tatlo habang ginawa niyang kalasag ang taong hawak niya.

Habang hawak-hawak pa rin ang isa ay nagawa niyang tumalon at sipain ang isa pa gamit ang dalawang paa. Binitawan niya ang lalaking hawak nang bumigat na ito.

May bala pa ng baril na lumagpas malapit sa braso niya at galing iyon sa mafia boss. Gusto tuloy niyang matawa.

"Vy dazhe ne mozhete pravil'no pritselit'sya." Yaza. (You can't even aim properly.)

Binaril niya rin ang mafia boss at natamaan ito sa balikat. Nang mapansin ang isa pang tauhan na natitira ay binato niya ito ng baril. Tumama iyon sa ulo nito.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon