Chapter 9

754 66 1
                                    

"That's unfair, Atrocious! You led me to answer those childish questions on purpose!" inis na bulyaw ni Yaza.

"What questions?" tanong ng boses sa likod nila kaya't mabilis na napalingon ang dalawang babae.

"Speaking of the tsundere," ngisi ni Fire. Tinanguan niya si Cypher na nakatayo sa likod nila bago lumipat kay Yaza ang tingin. "I think I heard Ferocious calling me, I should go find her," ani nito at nawala na nga sa area.

Nagtuloy naman sa paglalakad si Yazafra. Sumunod naman sa kanya si Cypher.

"Akala ko kasabay mo si Kano?" kaswal na tanong ni Yaza sa lalaki kahit tinatalikuran niya ito.

"Were you waiting for him?" Ramdam ni Yaza ang lamig ng boses ni Cypher.

"No? Narinig lang namin kanina ang usapan ng mga agents," Yaza.

"You don't have to worry. Your boyfriend is just helping an injured."

Napalingon naman si Yaza. "Boyfriend? You mean Kano?"

"Yes. May iba ka pa bang boyfriend? Ah meron nga pala," sarkastikong balik ni Cypher. Ang tinutukoy nito ay ang kausap ni Yazafra sa cellphone nung nasa harap sila ng elevators.

Napaismid naman si Yaza. "Whatever, Mr. Markow. Maiwan na kita," pagpapaalam ni Yaza pero bago pa ito makatalikod muli ay hinila na siya ni Cypher sa kamay.

"Don't leave," pakiusap nito.

Napalunok na lang si Yaza sa gulat. 'Kailan pa nakiusap si Venom!?' Napakurap-kurap si Yaza hanggang sa naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak ni Cypher sa kanya.

Nagsimulang lumakad ang lalaki kaya't wala sa isip na sumunod na lang si Yaza.

Habang sabay na naglalakad ay pinagtitinginan sila ng ibang mga agents na nakakasalubong nila. Pati na rin ang mga nilalagpasan sila. Agad silang iniiwasan ng mga ito pero may ibang nagugulat kung paanong magkasama ang dalawang pinaka-imposibleng tao sa mundo ng mga guilds.

Sa paningin ng mga agents, para silang dalawang negative charge. Imposibleng magsama.

May nadadaanan din silang obstacle course pero kaswal lang nila itong natatapos. Hindi naman maiwasang mapanganga at hangaan sila ng mga guild agents na naiiwan nila.

May mga agents na hinahangaan sila per meron din ang napapa-ismid sa tabi.

"Show-offs," bulong ng isang agent na American sa mga kasama niya.

Narinig ito ng dalawa kaya natigil sila sa paglalakad.

"I think they heard you," tarantang sabi naman nung isa na katabi nito.

"So what?" ismid pa rin ng Amerikano.

Liningon sila ni Cypher at inobserbahan naman siya ni Yaza. "Venom, huwag mo patulan."

Sumilay naman ang ngisi sa labi ni Venom kaya nawala ang aroganteng ekspresyon sa mga mukha ng agents maliban sa isa.

"Nerium, ask his name for me. And what guild does he belong." mababang saad ni Cypher.

"Why?"

"I'm pretty bored." Cypher.

"Tatanungin ko pero huwag mo papatulan," seryosong saad ni Yaza at binalingan at nilapitan ng konti ang mga foreign agents.

"Hey. What's your name?"

"Why? You lookin' for a fight?" maangas na sabi ng Amerikano at nilapitan si Yaza. Pinigilan siya ng mga kasama niya pero tuloy lang ito. Sinamaan rin nito ng tingin si Cypher Markow.

'Definitely a newbie,' isip ni Yaza at sumilay na rin ang ngisi niya.

"What, doll? You think I'm hot?" tanong ng lalaki kay Yaza nang pasadahan ng babae ang katawan niya.

The man obviously doesn't know them. 'He thinks he's better than us huh.' Yaza.

Tumayo sa gitna nila si Cypher habang nakaharap sa lalaking agent.

"Back off. Learn your boundaries and respect your co-agents," walang emosyong saad ni Venom pero sinabi lang niya iyon para pigilan ang sarili.

"You said you wanted to fight! Come on, show off! Fight me," ngisi ng kaharap niya. Pumosisyon pa itong parang handang makipag-suntukan. "Come on! Fight me boy!"

Doon naman dumating ang iba pang agents na nakakakilala kina Venom at Nerium. Tama namang dumating din si DK.

"What's going on here?" kunot-noong tanong ni DK. Binalingan niya ang maangas na agent pero binigyan siya ng signal ni Nerium na huwag sasabihin kung sino sila.

"This man here just challenged me. He thinks he can defeat me with his tiny body." Maraming napasinghap sa sinabi ng American agent na tawang-tawa sa sariling sinabi. Malayo kasi na mas malaki ang katawan ng amerikano, puno pa ito ng mga tattoo sa katawan. Kahit sina DK at Yazafra ay pinigilan ang sariling matawa.

Nang bumaling si Cypher kay Yaza ay agad namang isinara ng babae ang bibig.

Bigla namang sumulpot si Nikos sa kinaroroonan nila. Tumawa ito ng sarkastikong tawa kaya kuha niya lahat ng atensyon. Linapitan ni Nikos ang lalaking agent. Umiling ito sa kanya.

"I'm glad you're still alive, standing there. You just offended the leader of the Pythons, you know that? If you don't know them, they've probably executed a number people more than your family bloodline. What's your name and what guild?" sa huling pangungusap ni Nikos ay wala na ang ngiti nito.

Napangiti naman si Yaza sa napapanood.

Napalunok ang lalaking agent. Hindi niya kilala ang mga nasa harap niya pero kilala niya ang Pythons. Kilala ng lahat ng agents ang mga nagawa ng mga Pythons at kung gaano kataas ang records nila.

"And this woman you just called doll is Nerium oleander. So yeah, you're double dead."


A/N: These two chapters are dedicated to everyone who read my first story, The Volkov Guild. More love!

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon