Chapter 21

627 50 7
                                    

[DEVIOS ACADEMY]

Pinagtitinginan ng mga estudyante ng Devios Academy si Yazafra habang naglalakad ito na parang may hinahanap na building.

May hawak kasi itong isang kahon na may balot na itim at may dark violet na ribbon. Halata naman na isa itong magarbong regalo.

"Bro, catch!"

Habang nagtitingin sa mga building ay muntik namang may bumangga sa kanya na isang likuran. Simpleng umiwas lang si Yaza.

Mabalis siyang napansin ng muntik nang makabangga sa kanya kaya't lumingon ito agad.

"Sorry. Pinasahan nila ako ng bola." pagdadahilan ng lalaking naka-jersey na may numerong 4 sa likod.

Tinignan lang siya ni Yaza at kalaunan ay linagpasan. Sinundan ito ng tingin ng basketbolista at napansin na parang may hinahanap ito.

"Miss!" tawag niya at lumingon naman si Yaza. Lumapit ang basketbolista at nagpakilala.

"Hi! My name's Four. Napansin ko lang na may hinahanap ka. May maitutulong ba ako?" tanong nito at ngumiti.

'You've got perfect teeth.' komento ni Yaza sa kanyang isip.

"Saan dito ang Verrero Building?" kaswal na tanong ni Yaza. Nangunot naman ang noo ng lalaki sa narinig. Nahulog din ang tingin nito sa regalong hawak bg babae.

"What for?"

"Just tell me." Yaza.

"Well then, let me escort you." Naunang lumakad si Four at sinundan naman siya ni Yaza. Nang makarating sila sa building ay hinintay ni Yaza na makaalis si Four. Napapa-iling naman si Four habang paalis.

"That girl made me feel totally rejected for some reason." maang na komento ng basketbolista bago tuluyang umalis.

Maya-maya,

"Here." Iniabot ni Yazafra ang hawak na regalo kay Zarius Verrero Devios o mas kilala bilang Zaver o Master Z, ang kasintahan ni Zayumi Violet Arkazel (Ferocious).

Maang na tinanggap naman ito ni Zaver Devios nang makita ang pangalan ni Vii sa tag.

"Ano yan? Bomba?" tanong ng kararating na si Ryuu.

"Bakit si Z may package? Where's mine?" reklamo ni Ace Arkazel, kapatid ni Vii na nobyo ni Mitch. Katabi nito ang dalawa pang kamukha niya.

Bumaling naman si Yaza kay Chaz Carfiosca na nakatingin din sa package ni Zaver.

"Usap daw kayo mamayang gabi. Make sure to be available daw." pagpapasa ni Yaza ng mensahe ni Maxim para kay Chaz. Napangisi ang huli at tumango.

"That's it. I'm going." pagpapaalam ni Yazafra pero pinigilan siya ng grupo.

"Wait, what's your name?"
"I mean...who are you?"
"Kaya nga..."
Maingat na tanong ng mga miyembro ng Verrero Mafia.

Tama namang may pumasok pa sa loob na nakangiti at may hawak na canned drink. Ngunit nang magtama ang tingin nila ni Yazafra ay nawala ang ngiti nito at nahulog pa ang iniinom. Nagkalat tuloy ito sa sahig.

"SALVADOR! Linisin mo yan!" sigaw ng isa sa triplets, si Trace Arkazel.

"Ne--ne--nerium?" gulat at utal utal na bigkas ni Dr. Kael Salvador, pinsan ni Zaver at leader ng Kinghawks Guild, ang pangalawang highest ranking guild.

Doon naman naalala ni Yazafra ang leader ng Kinghawks.

"Magkakilala kayo?" Ryuu.

"Magkakilala kami sa pangalan." kaswal na sagot ni Yazafra at tinungo na ang pintuan. Mabilis na umiwas sa daan si Kael at parang takot na takot pa itong kumapit kay Ryuu.

"Are you scared of a girl, Kael?" pang-aasar ni Race Arkazel sa kanya.

Napalunok naman si Kael. "Huwag mo sabihing dito sila naka-destino!?" kausap na nito ang sarili.

"You're right. Vii told me." maang na sagot ni Zaver na nakangiting tinitignan ang regalong hawak.

"Why are you over-reacting, Kael?" tanong na ni Chaz kay Kael na nakakapit pa rin kay Ryuu na pilit namang nilalayuan ng huli.

"Sshhh! That's Nerium oleander! She's from the Venenatus Guild. She almost killed me twice during our encounters which is dalawang beses lang din nangyari! At dahil akala niya kasama ako ng kaaway! Even Devlin is scared of her." Kael.

Namilog ang mga mata ng mga Verrero at nagkatinginan. What the? Kael Salvador and Devlin Stanford, who are known fearless agents, are scared of that woman named Nerium?

"She's from the fourth highest ranking guild, Kael. You're from the second highest. How come you're scared of her?" tanong na rin ni Zaver.

"One's capability is not based on the rankings, Verreros. That woman is a born agent. She could even eradicate us Kinghawks if she wanted to. I'm not kidding." seryoso talaga si Kael.

"Eradicate, you mean kaya niya kayong ubusin?" Cree Donovan, isa pang miyembro ng Verrero Mafia.

"YES!" Kael.



[VALLEGAS RESIDENCE]

Nang makarating sa tahanan nina Mentos si Yaza ay agad natipon ang mga Venenatus sa sala.

Binuksan nila ang TV at iyon ang ginamit upang makausap si Zacharius Volcov. Inayos ni Mentos ang speaker at ang camera.

"Privet Venenatus! How does it feel to be back in the Philippines? Except you DK, of course." malugod na pagbati ni Mr. Volcov.

"Fine." Kano.
"Good!" Yusue.
"Yeah, good." Mentos.
"The food is good here." DK.
Hindi na sumagot si Yaza.

"Good, good. I'm glad you're all doing well. Well, I apologize for giving you an immediate mission when you're supposed to have your free two months first. You just need to accomplish this one. Just this one, do not worry."

Tumango ang lahat. "What mission is it, Mr. Volcov?" Kano.

"We are looking for a certain Gideon Baltazar. Age 41. Our client is Andros Rodrigo, the son of John Rodrigo who was ambushed last week. He wants us to find him and protect him at all cost. Mr. Baltazar is said to be the only witness to the death of the late John Rodrigo. He was their family bodyguard and the only one to survive the ambush. We need to find him before his chasers find him first. I've emailed you all the details. Take care, Venenatus. I'm sure you can do this."

Tumango ang lahat bago nagsara ang screen.

"Basement. Let's go." Mentos.

Sunod-sunod na tumayo ang lahat at tinungo ang basement ni Mentos. Sa basement ay ang pangalawang kuwarto nito. Sa gilid ay puno ng mga monitors, doon dumiretso sina Yusue at Mentos. Sa kabilang gilid ay may pool table at may dalawang sofa na nakapaligid dito.

Napahinto si Yaza sa tapat ng pader na nasa gitna. Puno ito ng mga litrato nila. May mga group photo, may mga selfies at may mga stolen shots. Tuwing may panahon sina Mentos at Yusue ay nakakauwi ang mga ito kaya't ang mga litrato ay mula noong nagte-training pa sila. They were like twelve years old in some of the pictures. Napangisi na lang si Yaza nang makitang halos stolen ang mga litrato niya.

"Jeje." Napabaling si Yaza kay Kano na nasa tabi na pala niya. Hawak nito ang lumang litrato nina Mentos at Yusue.

"Shut up, Kano!" rinig nilang sigaw ni Mentos na nakasuot ng headphones. Hinahanap na nila ang traces ni Gideon Baltazar.

"I look hot here." ngisi naman ni DK na nasa isa pang tabi ni Yaza at nakatingin sa sariling picture.

"Keep dreaming DK." singit naman ni Yusue na busy rin sa harap ng computer.

Kinuha ni Yaza ang isang litrato na nasa pinakagitna. Ito ang pinaka-maayos na group photo nila. Siya ay nakaupo sa gitna, tipid itong nakangiti. Nakaakbay naman sa kanya sina Mentos at Kano. Malawak ang ngiti ng dalawa. Si Yusue at DK ay nakatayo sa likod at kanya-kanyang pose ng pa-cool. Five months pa lang silang magkakasama dito mula noong mabuo ang guild nila.

"Should we remake that?" suhestiyon ni Kano habang nakatingin sa litratong hawak ni Yaza.

"I think we should." sagot naman ng babae.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon