Nagtuloy tuloy ang hunting hanggang sa sampung pares na lang ang natitira. Wala na sa hunting ang ibang Venenatus maliban kay Kano at Yazafra.
May animnapu't tatlong ribbon nang hawak sina Yaza at Cypher. Alam na ni Izumi na sila ang may pinakamarami sa ngayon. Ngunit pwedeng bumaliktad pa ang sitwasyon. Kung sino man ang makakakuha sa ribbon nina Yaza at Cypher, maililipat sa kanila ang 63 na ribbon na hawak nila.
Ngunit ang isa pang tanong ay, sino ang huling mabubuhay?
Dalawang ranking ang nagaganap sa collaborative duo training. Ang isa ay ranking ng pinakamaraming ribbon na makukuha habang ang isa ay ranking ng pinakahuling mahuhuli.
Nagsisimula lang ang ikalawang ranking kung sampu o mas mababa pa sa sampo ang bilang ng pares na buhay pa at hawak pa rin ang kanilang ribbon.
"Malakas ang kutob ko na makakaharap natin sina Kano at Vii." sabi ni Yaza habang kaswal silang naglalakad. Sinulyapan naman siya ni Cypher.
"Ako na bahala kay Kano, ikaw na kay Ferocious." saad ulit ng babae na nagpatigil kay Cypher sa paglalakad.
Pati si Yaza ay napahinto at binalingan ang lalaki.
"No. I'll handle Poison." saad nito.
Kumunot ang noo ni Yaza sa biglang pagseryoso ni Cypher. Parang itong may galit kay Kano kaya't kailangan niya itong patumbahin.
"Bakit? Hindi ba't mas madali kung yung mas malapit sayo ang kakaharapin mo?"
Nakita naman ni Yaza ang iritasyon sa mga mata ni Cypher nang sabihin niya iyon. 'May sinabi ba kong mali?'
'Mas malapit sayo?' napaismid si Cypher sa kanyang isip.
"Ano? Tama ako di ba? Kaya ako na bahala kay Kano at ikaw kay Fero tutal close naman kayo." saad ni Yaza. Ang gusto niyang iparating ay ganon ang gawin nila dahil kung mas kilala mo ang tao, mas alam mo ang galaw nila.
"Ako ang bahala kay Poison--" natigil sa pananalita si Cypher nang makitang may isang matulis na bagay ang patungo sa direksyon ng kinaroroonan ni Yazafra.
Agad niyang hinigit ang katawan ng babae palapit sa kanya. Nakarinig naman sila ng matulis din na tunog.
Sabay silang napatingin sa kalupaan at ngayon ay may nakatanim na dito na isang palasong.
Binalik nila ang tingin sa direksyon na pinanggalingan nito, sa taas ng madahong puno.
"Nikos..." gumalaw ang panga ni Cypher matapos bigkasin ang pangalan ni Nikos Dmietriev.
"Damn. I'll be blamed for this, Vicious." mahinang saad ni Nikos sa katabi niya. Si Maxim ang may hawak ng kanyang cross-bow at siya ang pumuntirya kay Yazafra.
"Aamin ako mamaya, don't worry." paninigurado naman ni Maxim bago nagtago ulit. Bumungisngis pa ito.
"You saw that right? Cypher pulled her not push! I won the bet." ngiti ni Maxim at inilahad ang kamay.
Napairap naman si Nikos at naglabas ng tatlong dolyar at binigay ito kay Maxim. A dollar is far more valuable than a Russian ruble.
Nang sumilip ulit si Maxim ay nawala na ang ngiti nito. Dahil wala ng Cypher at Yazafra sa paligid. Nag-panic ang babae.
"Nikos! Dali! Wala na sila sa baba--" hindi naituloy ni Maxim ang sasabihin dahil may isa ring matulis na bagay ang tumama sa puno na malapit sa kanila.
"Let's go!" bigkas ni Nikos at nagsimulang tumalon sa isa pang puno. Sumunod din si Maxim. Habang palipat lipat sila ng puno ay sabay ring may tumatama sa direksyon nilang iba't ibang klase ng throwing knives. May kunaii pa!
"Nakikita mo sila!?" pasigaw na tanong ni Maxim kaya't inilibot ni Nikos ang tingin sa baba.
Wala. Walang ni kahit anino nina Yazafra at Cypher ang makikita. Kahit sundan nila ang direksyon ng mga kutsilyo ay hindi nila mahagilap ang dalawa.
"They're not kidding with us, Vicious." tarantang bigkas ni Nikos at muntik nang matamaan ang kamay nito.
Napahinga ng maluwag si Nikos dahil kung kumapit siya ng mas matagal sa puno na iyon ay paniguradong nakatanim na ang kutsilyo doon kasama ang kamay niya.
Muntik na lang itong mawalan ng balanse pero nasuportahan siya ni Maxim nang maabutan siya nito.
"Oops. Muntik ka na!" pagkasabi ni Maxim doon ay may dalawang kutsilyo ang patungo sa direksyon nila. Nang mapansin nila iyon ay nagkatinginan sila.
Sabay silang naghanap ng makakapitan kaya't hindi nila naiwasang hilain ang isa't isa pababa.
Nahulog mula sa puno sina Maxim at Nikos.
"Aahh!"
"Aaghh!"Hindi nila nakuha ang kanilang balanse sa pagkahulog kaya't sabay silang napahawak sa likod nilang unang tumama.
Maya-maya ay may dalawang pares ng sapatos ang tumayo malapit sa dalawa.
"It was Nikos!" sigaw agad ni Maxim at bumangon. Namilog naman ang mga mata ni Nikos. 'What the!? But you said--ughh!'
"It wasn't me!" depensa rin ni Nikos na bumangon rin.
Walang emosyong tinitigan sila ni Yazafra at Cypher.
"Are they planning to kill us?" bulong ni Nikos kay Maxim nang makita ang parehong mukha ng dalawang nasa harap nila.
Walang sali-salitang inilahad ni Cypher ang kamay.
Siniko naman agad ni Maxim si Nikos kaya't kinuha agad ng lalaki ang naipon nilang ribbons sa bulsa niya.
"He-here!" maingat na inilagay ni Nikos ang mga ribbons sa kamay ni Cypher. Iniabot naman ni Cypher kay Yaza ang mga ito bago inilahad ulit ang kamay.
"Ah!" mabilis na tinanggal ni Nikos ang ribbon nila ni Maxim na nasa beywang niya at ibinigay din ito kay Cypher.
Naghintay sina Maxim at Nikos ng sasabihin ng dalawa pero walang nagsalita.
'Ano bang inaasahan namin sa dalawang to. Hayst.' isip ni Maxim.
Tumingin sa isa't isa sina Cypher at Yaza bago sabay na tumalikod at naglakad paalis. Nalaglag ang panga nina Maxim at Nikos.
"Ilan na yan?" rinig ng dalawang tanong ni Cypher kay Yaza habang iniaabot nito ang ribbon nina Maxim at Nikos.
Kinuha naman ni Yaza ang ribbon at isinama iyon sa iba pa habang binibilang ang mga ito.
"Sampo lang meron sila kaya seventy-three na. Kasama na doon yung kanila." kaswal na sagot ni Yaza bago inilagay sa maliit na bag niya ang mga ribbons.
Naiwan sina Maxim at Nikos na hindi makapaniwala sa nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
General FictionYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...