Chapter 2

1.4K 93 4
                                    

"Katukin mo," utos ni Kano Fuego, leader ng Venenatus guild, kay Mentos Vallegas.

"Ikaw ang kumatok!" baling naman ni Mentos kay Yusue Marquez na nasa tabi niya.

"Ako kakatok, ikaw kakausap?" balik ni Yusue kay Mentos.

"Dude! Can y'all speak english!" sigaw naman ni Dominico Kalavre Morfeus Alexopoulos sa tatlo.

"Shut up, DK! You knock her door." pagkasabi nun ni Mentos ay umirap si Dominico o DK bago kinatok ang pintuan ng kuwarto ni Yazafra.

"Nerium, it's us. Can we come in?" saad ni DK pero walang sumagot sa kabila ng pinto kaya't tinignan niya muna ang tatlo bago unti-unting binuksan ang pintuan.

Tahimik na nagdasal si Yusue na sana'y walang lumipad na kutsilyo dahil hindi pa nahasa ang reflexes niya.

Nang mabuksan ang pintuan ay naabutan nilang nakahiga at nakapikit si Yaza. Ngunit alam nilang gising ito kaya't isa-isa silang pumasok at pinalibutan ang higaan.

"Who was in charge?" tanong ni Yazafra, nanatiling nakapikit ito. Ang tinutukoy nito ay kung sino ang nasa computer room sa mga oras na iyon. Agad namang lumuhod sa gilid ng kanyang higaan si Yusue.

"Sorry! Sorry talaga! I'm sorry, Nerium..." Mas lalong bumaba pa ang tingin ni Yusue nang bumangon sa pagkakahiga si Yaza, nakaupo na sa gitna ng higaan.

"Why."

"N--na--nakatulog ako..." mahinang sambit ni Yusue at napakagat na lang sa kanyang labi nang maramdaman ang guilt.

Kahit ganoon, naintindihan pa rin ni Yaza ang dahilan nito dahil kagagaling lang nila sa isang mabigat na misyon bago nangyaring makidnap siya.

"Okay. Pero kung inaantok ka, makipagpalit ka sa gising," walang emosyong utos ni Yaza na agad tinanguan ni Yusue bago tumayo ng maayos. "Yes, boss!"

"We're all sorry, Yaza. We didn't mean to be that late," maingat na saad ni Kano at umupo sa tabi ni Yaza.

Walang sali-salitang isinandal ni Yazafra ang ulo sa balikat ni Kano at hinawakan naman siya ng lalaki sa braso.

Ganun talaga ang nakasanayang gawin ng apat na lalaki kapag alam nilang pagod si Yaza o maraming iniisip.

Napasandal na lang si DK sa lamesang nasa likod niya nang masiguradong hindi na galit si Yaza. Kahit sina Mentos at Yusue ay umupo rin sa higaan ng babae.

Isang sampal sa kanila ang katotohanang hindi sila nakaresponde agad lalo na't ayon kay Yazafra ay muntik nang may nangyari sa kanyang di kaaya-aya.

Sa mundo ng mga guild, itinuturing mo ang mga kasamahan mo bilang parte ng sarili mong katawan. Kapag may nangyaring masama sa isa, ibig sabihin nun, isang parte ng katawan mo ang nasira.

Kaya kung namatay ang isa, hindi ka na buo.

"How did you end up with the Pythons?" kaswal na tanong ni DK.

"I crashed their car," sagot nang nakapikit na Yaza habang nakasandal pa rin kay Kano.

Umawang naman ang mga labi nina Mentos, Yusue at DK. Hindi sila makapaniwalang aksidente ang pagkikita nila.

"Really?"

"We should thank them then..." bigkas ni DK. "For helping you."

"Of course you should. We are bound to respect whoever helps one of us in time of crisis." bigkas ni Yaza.

Hahawakan sana ni Kano ang buhok nito para hagurin pero mabilis na nahawakan ni Yaza ang kamay ng lalaki upang pigilan.

"Don't touch my hair." pagkatapos nun ay tumango-tango si Kano at tumayo na.

"We are called to gather tomorrow," anunsiyo ni Kano at napamulsa.

"By Mr. Volcov? Why?" kaswal na tanong ni Mentos. Nagkibit balikat naman si Kano bago nagsalita ulit.

"We don't know. Maybe it's about our relocation this year. All guilds will be present tomorrow so let's not be late." saad nito bago tumango at lumabas ng kuwarto.

"Ugh. Nagugutom ako. Anong gusto mong kainin, Yaz?" kaswal na tanong ni Mentos na papalabas na rin ng kuwarto.

"I know that! That means you're hungry, right?" singit naman ni DK. Si Dominico Kalavre Morfeus Alexopoulos ay isang half-russian at half-greek. Kaya hindi ito nakaka-intindi ng tagalog.

"Tama ka. Pero ilang years na tayo magkakasama, bakit 'gutom' lang naiintindihan mo?" Binigyan naman ni DK ng nagtatanong na mukha si Mentos nang hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"Are you saying you're hungry again?" DK.

Hindi na sumagot si Mentos at iniwan si DK kaya sinundan siya ng huli.

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ni Yaza kay Yusue.

"I'm really sorry," saad ni Yusue habang direktang nakatingin ito sa babae. Napabuga naman ng hangin si Yaza.

"It's fine. I understand."

Mabilis siyang nilapitan at niyakap ni Yusue. "I'm glad you're safe," bigkas ng lalaki bago tuluyang umalis ng kuwarto.



[VOLCOV HEADQUARTERS]

Sa loob ng Volcov Headquarters ay ang isang malawak na Conference Room na theatre style. May stage sa pinakaharap, marami ang upuan na nakapaligid at may dalawang floor ito.

Ang mga lower ranking guild ay sa baba nakaupo habang ang mga high ranking naman ay sa second floor.

Sa second floor ay nakaupo na ang mga Pythons at sila palang ang nandoon.

"Para saan ang gathering na ito? Ang aga naman kung relocation agad? Para i-congratulate ba ang success ng Volkovs?" sunod-sunod na tanong ni Draco Morfell.

The Pythons are all half-blooded Filipino except Nikos Dmietriev but the guy is a genius and had learned the language fluently.

"Part of the meeting I think. I'm sure pagpa-planuhan na naman ang annual hellish training week," sagot naman ni Drake.

Matapos magsalita ni Drake ay bumukas ang pinto malayo sa kanila at sunod-sunod na pumasok ang mga Venenatus.

Naiwan ang mga mata ni Cypher sa pintuan nang wala ang nag-iisang babae ng Venenatus guild na pumasok.

Siniko naman ni Draco si Kwon Min Jae na katabi niya. "Did you know? Yazafra Loverde, the only woman in the Venenatus guild, had more execution records than the men." ngisi nito.

"I already know that. I've actually witnessed one of their killing sprees. That girl is a target-driven one and..." balik ni Kwon Min Jae kaya't bumaling sa kanya ang lahat ng Pythons, kasama si Cypher Markow.
Nang makitang interesado ang mga kasamahan niya sa sinasabi ay tinuloy niya din ang sasabihin. "that's why they call her Nerium oleander--"

"The deadly flower."

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon