Chapter 18

639 54 5
                                    

Hawak ni Cypher ang cross-bow ni Nikos. Nasa likod nito ang iba pang Pythons.

"What the?" bigkas ni Yaza. Nagtago naman sa likod niya si Dylan dahil sa masamang tingin ni Cypher sa kanya.

"Wala na. Wala na yung self-control. Kaboom! Gone." pagpaparinig ni Drake kay Cypher.

Ibinaba ni Cypher ang cross-bow at ibinalik ito kay Nikos. "Oi." walang emosyong tawag nito kay Dylan.

Napahalukipkip naman si Yaza.

"Nerium, help!" bulong ni Dylan sa likod niya.

"Why are you here, Pythons?" kaswal na tanong nito pero diretso ang tingin kay Cypher.

"Nautusan kaming manguha ng mga kahoy." simpleng sagot ni Draco Morfell.

"At bakit mo naman ginawa iyon?" kunot-noong tanong ni Yaza kay Venom.

Hindi sumagot ang huli bagkus nagtuloy ito sa paglalakad at linagpasan sila. Nakuha pang umirap ng lalaki.

"Tsk." Nawala na ang Cypher na binigyan siya ng gamot at sinamahan siyang magpahinga.

"Ano bang problema niya?" inis na bigkas ni Yaza habang pinapanood nilang dalawa ni Dylan ang papalayong grupo.

"Hindi ako sigurado pero parang may ideya na ako." Bumaling naman si Yaza kay Dylan sa sinabi niya.

"Anong ideya?"

Naglabas ng nerbyos na tawa si Dylan at umiling-iling. "Nevermind, nevermind." saad nito bago nilipat ang tingin sa direksyon ng tinahak na daan ng mga Pythons.

'Kailangan ko munang masigurado.' Dylan.



Sa huling araw ng training,

Ito ang pinakamalala sa lahat. Halos gumapang na ang karamihang agents sa pagod.

"Is this normal?" tanong ni Yusue. Magkakasama ang mga Venenatus at kita nila ang mga agents na nagkalat sa paligid at gusto na lang matulog sa kahit saan.

"Hindi. Kay Izumi lang yan." Mentos.

"I'm starting to imagine zombie apocalypse." ngiwing komento ni DK.

Napalunok naman si Yusue at napansin iyon ni Yaza.

"Why so quiet, Yusue?" tanong ng babae habang nakatingin sa mga agents na nagti-training.

"Because we're next?" ngiwing sagot ni Yusue kaya't hindi maiwasang maglabas ng mabigat na hininga ng iba.

He's right. Kung malala ang training ng mga low-ranking, mas malala sa mga high-ranking agents.

"VENENATUS!"

Agad naglinyahan ng maayos ang mga Venenatus nang marinig ang sigaw ni Izumi. Lumapit ang huli sa kanila at mataman silang tinignan.
Napakadumi na ng uniporme nito at halos puro galos din ang mga kamay.

"Kanina pa kayo diyan--" natigil si Izumi nang matapatan si DK. Hindi nga pala ito nakakaintindi ng tagalog. Ugh. "You still look clean, Venenatus. Slacking off, are we? ARE WE!?"

"NO! SIR!" sabay sabay na sigaw ng mga ito.

"THEN RUN! HUNDRED LAPS FOR YOU!"

Hindi na nagsalita pa ang mga Venenatus at mabilis na linayuan si Izumi na nagliliyab ang mga mata.

Sinunod ng mga Venenatus ang utos ni Izumi. Nadaanan pa nila ang mga Pythons na nasa matinding training din.

"Pang ilang ikot niyo na yan ah!" pasigaw na asar ni Maxim nang madaanan naman nila ang Volkovs na nasa kaputikan. Puno na rin ng dungis ang mga mukha nila.

"Gapang pa!" balik naman ni Mentos.

Nang matapos ang ika-isang daan ay bagsak ang mga Venenatus sa kalupaan.

Nang makapagpahinga ng konti ay tumayo din sila agad. Isa pang pinuntahan nila ay ang shooting range. Pagkatapos ay sumalang pa sila sa ibang training area.

Nang dumilim ng husto ay bagsak ulit ang mga Venenatus sa kalupaan. Napaupo si Yaza habang nakatukod ang mga palad sa lupa sa kanyang likod. Sina Mentos at Yusue naman ay halos mahiga na. Si DK ay sumandal sa puno habang si Kano ay kaswal na umupo lang.

"Is everyone okay?" Kano. Umiling ang tatlong lalaki. Tumango naman si Yaza.

Nagpahinga pa sila ng konti bago bumalik sa mga cabin.

Nasa hulihan ng grupo si Yazafra kaya naman nang may humila sa kanya sa madilim na banda ay walang Venenatus na nakapansin.

"Venom!"

"Sshh."

Tinanggal ni Cypher ang daliri sa tapat ng labi at muling hinila si Yaza. Tinignan naman ng huli kung may nakakakita sa kanila.

Hanggang sa tumigil ang dalawa sa tahimik na parte ng village. May isang torch dito na nakasabit sa isang puno at ito ang tanging nagsisilbing ilaw nila.

Nang bitawan ni Cypher si Yazafra ay napahalukipkip naman ang babae.

"What do you want, Venom?"

Gulat na lamang ni Yazafra nang ilahad ni Cypher ang isang hydro flask.

"Drink. I noticed you never once drank water since the training started."

Nagpabalik-balik ang tingin ni Yaza sa hydro flask at kay Cypher. Bumalik na naman ang Cypher na binigyan siya ng gamot at sinamahan siyang magpahinga.

"My hand is hurting."

"Oh." wala nang nagawa si Yaza at tinanggap ang flask at uminom dito. Tama si Cypher, kailangan nga niya ng tubig.

Naupo naman si Cypher sa nakatumbang puno habang pinapanood si Yaza sa pag-inom nito. He had a slight smile on his lips.

Naubos naman ni Nerium ang laman ng flask.

Nang makainom ay naupo naman ito sa puno na pinanggalingan ng kahoy na kinauupuan ni Cypher.

Nagtama ang tingin ng dalawa dahil magkatapat sila. Tinaasan ng kilay ni Yaza ang lalaki.

"Bakit? Bakit mo ako dinala dito?" Yaza.

Unti-unting nawala ang simpleng ngiti ni Cypher, napayuko ito at napahalukipkip. "Cause it's the last day..."

'Yes. Last day nga. Tapos?' Yaza.

"And?" tanong niya dahil parang may sasabihin pa ang lalaki.

Bumalik ang ngisi ni Cypher at tumingin sa mga mata niya. "I'm taking my chances."

'What chances?'

"I don't get you sometimes, Venom." iling ni Yazafra.

"Same." maang na sagot ni Cypher, may ngisi pa rin ito sa labi. Kaya't nangunot na ang noo ng babae.

Naging tahimik sa kinaroroonan nila. Ang naririnig na lamang ay ang ingay ng mga insekto sa gabi. Nakayuko ang ulo at tulala si Yazafra habang nakatingin lang sa kanya si Cypher.

Nakataas na ang isang paa ng lalaki at nakapangalumbaba ito habang nakapatong ang siko sa tuhod.

'Her eyes, when will those eyes start noticing me? Her cheeks had become dirty with all those training. I wanna clean it myself. Her hair is slightly messed up, will I be safe if I fix it? Ugh. Her lips...'

"Quit the stare, Venom." babala ni Yaza at tinignan ng masama si Cypher. Pero mas lalong ngumisi pa ang lalaki.

"My stare won't hurt." saad nito sa mapang-asar na tono.

Napahalukipkip naman ang babae bago nagsalita. "It won't hurt but it's uncomfortable."

"Kaya sinasanay na kita."

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon