Chapter 19

624 53 4
                                    

Napakurap-kurap si Yaza sa narinig.

"Para saan?"

Hindi sumagot si Cypher at nagkibit-balikat lang. 'Dense Yaza.'

"Are you still going to live with those bastards even after the relocation?" kaswal na tanong ng lalaki.

"The Venenatus? Oo naman." kaswal ding sagot ni Yaza na nagpakunot ng noo ni Cypher.

"Why?"

"Why not?"

"You're still a woman, you can't live with them forever."

Naramdaman agad ni Yaza ang inis sa seryosong boses nito.

"Why are you so bothered?" balik niya sa lalaki.

Naningkit naman ang mga mata ng huli. "What should I do with you?" bigkas ni Cypher pero sarili niya ang kausap.

"Are you done resting? Let's go back," walang-emosyong saad nito at tumayo na.

Sinundan naman siya ng tingin ni Yaza. 'My gosh, Venom. Napaka-moody mo!'

"You're not coming?" lingon ni Cypher na halatang may iritasyon pa rin. Hindi sumagot si Yaza dahil inoobserbahan pa rin niya ang lalaki.

"What. Tsk," walang emosyong bigkas ni Cypher bago siya nito binalikan. Kinuha nito ang kanyang kamay at hinila paalis doon.

'His hand is cold...' Habang naglalakad ay ramdam ni Yaza ang lamig ng kamay ni Cypher. Hindi niya namalayan at pinisil niya ang kamay nito.

Pareho silang nagulat. Tumigil sa paglalakad si Cypher kaya't napatigil na din si Yaza dahil hawak siya nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin.

Sa hiya ay hihilain na sana niya ang sariling kamay ngunit hindi ito binitiwan ni Venom. Ngumisi lamang ang huli.

'You know how to drive me crazy huh.'
Kasunod non ang paghila ulit nito sa kanya hanggang sa makabalik sila.


Natapos ang training week at bumalik na ang lahat sa syudad. Pagkabalik ay nagsimula nang mag-empake ang mga Venenatus. Nang makapag-empake ay inayos na rin nila ang bahay nila na iiwan nila ng aabot ng isang taon.

Nang matapos, pumasok sa kanyang banyo si Yazafra upang maligo. Nagtanggal na ito ng kanyang mga damit at binuksan ang shower. Pero walang tubig ang lumabas.

'Ugh. Not again.'

Napairap si Yaza bago hinila ang nakasabit niyang tuwalya. She covered herself with it before leaving her room.

Tinungo niya ang kuwarto ni Mentos. Kinatok niya ito, walang sumagot. Nang subukan niyang buksan ay nakalock ang pinto. 'Tulog to.'

Sunod niyang pinuntahan ay ang tapat ng kuwarto ni DK, ganon din. Sumunod ay ang kuwarto ni Yusue. Kinatok niya ito.

"Sino yan?" rinig niyang sigaw ni Yusue. Nang buksan ni Yaza ang pinto ay bumagsak ang balikat niya nang makitang nasa banyo din ang lalaki.

"It's just me. Nevermind," balik ni Yaza bago sinara ang pinto at tinungo ang kuwarto ni Kano sa baba.

Kakatukin pa sana niya ang kuwarto pero kasabay nun ang pagbukas nito.

Sa gulat ay hindi naiwasang pasadahan ni Kano ng tingin ang buong katawan ni Yaza. Naka-tuwalya lamang ang babae.

"Wala ka na namang tubig?" ngiwing tanong nito. Tumango si Yaza.

"Okay. Use mine," kaswal na saad nito at tuluyang lumabas sa sariling kuwarto.

Naligo si Yaza sa banyo ni Kano. Nang makaligo ay nalagpasan pa niya si Kano sa sala na nanonood ng TV.

Tumungo ito sa second floor. Bubuksan na sana niya ang sariling pintuan nang makaramdam siya ng iba. Tahimik niyang binuksan ang sariling pintuan bago mabilis na binuksan ang ilaw.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon