Natapos ang unang misyon ng mga agents sa araw na iyon, ang ikutin ang Deadly Circle.
Lahat ng mga nakatapos ay tumutungo na sa housing village. Kanina nang makuha ang pangalan at guild ng foreigner agent na iyon ay nag-unahan ulit sina Nikos at DK na umalis. Nagkaroon pala sila ng sariling race.
Hindi pa rin alam ni Yaza kung bakit kinuha ang pangalan at guild ng lalaking iyon pero alam niyang malalaman niya din sa mga susunod na araw.
Sabay na dumating sina Cypher at Yaza sa village. Marami ang nagkalat na agents sa paligid. May pagod na nakahiga sa kalupaan, may mga uhaw na uhaw, may mga nahihilo at nagsusuka.
Nadatnan naman nilang dalawa ang mga high ranking agents sa isang banda.
Komportableng nakaupo sina Fire, Maxim, Draco at DK sa may table. Naka-upo naman sina Nikos, Mitch at Minjae sa gilid ng balkonahe ng isang cabin.
"Oh, nandito na pala ang bagong couple," komento ni Fire.
"How was your date?" singit din ni Maxim.
Nakaharap ang lahat ng nandoon kina Cypher at Yaza. Lumingon naman si Yaza para tignan kung sinong tinutukoy nila. Pero wala namang tao sa likod.
Napabuga na lang ng hangin sina Fire at Maxim.
"I MEANT YOU!" turo ni Maxim sa dalawa.
"What?" sumbat ni Yaza, kasabay ang pagdilim ng ekspresyon nito.
Doon naman dumating si Kano at nakangiting nilapitan si Yaza. "I heard someone offended the two of you?" ngiting tanong niya kina Yaza at Cypher.
"Oo, so anong nakakangiti?" walang emosyong balik ni Yaza.
"Come with me," ngiti pa rin ni Kano at hinila na si Yaza.
Bigla namang nagbago ang mood sa kinaroroonan ng malaking grupo nang makaalis na ang dalawa.
Ang lahat ay pinapakiramdaman si Cypher na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa direksyon na tinungo ng dalawa.
"What is this that I'm hearing? Does he like our Nerium!?" gulat na bulong ni DK nang mapagtanto ang nangyayari. Suminghap pa ito. Pinatahimik naman siya agad nina Nikos at Draco.
"What is it, Kano?" bored na tanong ni Yaza kay Kano na hinihila pa rin siya.
"I found a new plant!"
Napabuga na lang ng hangin si Yaza. Iyon na ang nakagawian ni Kano tuwing bumabalik sila sa Selliano Island.
Nang magdilim ay natipon-tipon ang mga mga agents sa dining hall. Ito ay malawak na establisyemento na may mga mahahabang lamesa sa loob.
"WAHHH! TOTOO BA TO!?"
"Binabawi ko na mga reklamo ko kanina! The best ang training week na 'to!"
"WOW! I can't believe this is really happening!"
"FOODS!"Sa gulat ng mga agents ay puno ng masasaganang pagkain sa mga lamesa nila. Dahil noong nakaraang taon ay puro salad at gulay lamang ang hinahanda para sa kanila.
Lumabas namang nakangiti si Izumi Fontel.
"What are you still waiting for? Let's eat!" anunsiyo nito kaya andaming nagsisigawan sa tuwa. Marami rin ang puro nagbibigay komplimento at pasasalamat kay Noxious.
"Wow. Kanina lang umaga parang gusto na nilang patayin si Izumi dahil sa training pero ngayon may naga-I love you pa. To think this is the first day," maang na komento ni Mitch. Kasama niya sa lamesa ang ibang Volkovs at Pythons.
Ang mga Venenatus naman ay nasa ikatlong lamesa mula sa kinaroroonan nila.
"Kumain ka kaya muna, Cypher. Naiilang na si Yaza sayo oh," komento naman ni Fire pero parang walang narinig si Cypher at nakatingin lang sa puwesto ng mga Venenatus, kay Yaza na ilang beses na siyang nahuling nakatingin.
Napailing naman ang ibang Pythons.
"Yaan niyo na. Sinusulit ata kasi relocation na next week," bulong ni Maxim at bumungingis.
Narinig naman ng lahat ang kabog ng lamesa nang sipain ni Cypher ang ilalim nito gamit ang tuhod. Pati ang mga nasa kabilang lamesa ay lumingon sa kanila.
"N--nothing's wrong. Continue eating!" ngiti ni Maxim sa mga agents kaya bumalik na sila sa pagkain. Nagpeace-sign siya kay Cypher pero hindi nawala ang masamang tingin ng lalaki.
"Venom naman, kala ko naman may earthquake na," komento ni Drake sa gilid.
"Okay. Ayaw niya sa salitang 'relocation,'" bulong ni Maxim sa mga Volkovs at tinawanan naman siya ng mga ito.
Nahinto na lang sa pagkain ang lahat nang magsalita ulit si Izumi sa harap. "Okay, listen up!"
Dali-dali namang nakinig ang lahat sa kanya.
"Before you continue eating, I'm here to announce that I will move the collaborative duo training tomorrow. No training at dawn. I repeat, no training will happen at dawn tomorrow. Have some rest and warm yourselves up for the last six days of our training week. That's all."
Nang matapos itong magsalita ay marami na namang natuwa dahil hindi nila kailangan gumising ng maaga kinabukasan.
"Ugh," reklamo ni Yaza nang makitang nakatingin pa rin sa kanya si Cypher. Itinaas niya ang tinidor at sinamaan ng tingin si Cypher na parang sinasabing pag-di-ka-umiwas-ng-tingin-ibabato-ko-to-sayo! Pero nginisian lang siya ng lalaki.
"Yaz, are you okay?" tanong ni Mentos sa tabi niya.
"I'm fine," walang emosyong sagot niya at tumuloy na sa pagkain.

BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Fiksi UmumYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...