Chapter 26

557 40 0
                                    

Ilang segundo ang lumipas at bigla na lang namatay ang mga ilaw. Nagsigawan ang mga nasa loob sa gulat at agad namang hinawakan ni Andros si Yaza.

Nakarinig sila ng mga nabasag na baso at tunog na parang may natumba. "Act unconcious." Bulong ni Yaza kay Andros na agad namang sinunod ng huli.

"What's going on?" Rinig nila na sigaw ni Fei.

Bumukas ulit ang mga ilaw. Ang mga servers, si Yaza at Fei na lang ang mulat ang mga mata. Lahat ng mga bisita ay nagkalat na sa table at sahig na walang malay.

"AAAHHH!" Fei screamed in horror.

"Tie them up!" Sigaw ng isang server na nagsimulang tanggalin ang apron at naglabas ng baril. Mabilis namang hinuli sina Yaza at Fei at parehong itinali ang kamay sa may entablado.

"SHUT UP!" Sigaw ng isang lalaki nang magsimulang umiyak si Fei.

Nanatiling tahimik si Yaza at inobserbahan ang mga nanghuli sa kanila. Hindi talaga servers ang mga ito kundi mga tauhan ni Oscar Navarro.

'Nine men are inside the event venue. Kaya naman ata sila ni Gideon at Andros. But how about outside?'

Binuhat din ng mga ito si Andros na nagtutulog-tulogan at ibinagsak sa tabi niya.

"Andros..." Bigkas ni Fei na may pag-aalala habang pinipigilan ang iyak.

Nang bumaling ang isang lalaki na siyang nagbibigay ng utos kay Yaza ay nangunot ang noo nito bago sumilay ang isang ngisi. "Oh, magandang babae. Hindi ba't ikaw ang nobya nito?" Tinuro niya si Andros.

Tinitigan lang siya ni Nerium.

Lumawak ang ngisi ng lalaki. Natutuwa ito dahil hindi nag-iingay ang babae katulad ni Fei.

"Masunuring bata." Bigkas nito at akmang hahawakan sa tuhod si Yaza pero agad iniwas ng huli ang katawan.

'The audacity of this man to touch me.'

"Huwag mo siyang hahawakan!" Bulyaw ni Fei sa lalaki habang mangiyak ngiyak pa rin ito. Tinignan naman niya ito at inilingan, na parang sinasabing huwag siya gumawa ng kahit anong aksyon.

Natawa naman ang lalaki at tinawag ang kasama niya.

"Pare! Bantayan mo ang mga ito nang matikman ko 'to habang wala pa si Mr. Navarro." Saad ng lalaki at puwersang binuhat si Yaza paalis doon. Nagsisigaw naman si Fei at tinatawag ang pangalan niya.

Dinala siya sa isang cabin. Ibinagsak siya ng lalaki sa kama at nagsimulang magtanggal ng damit. Napairap naman siya, nakatali pa rin ang kanyang kamay sa kanyang likod ng mahigpit hanggang sa pumatong sa kanya ang lalaki.

"You like this, baby girl?" Ngumisi ang huli.

Sinagot naman niya ito ng parehong ngisi. "Yes. I should thank you."

Nawala ang ngisi ng lalaki sa sinabi niya. He was confused with her smirk. Until she gave him an aggressive headbutt.

"Ah!" Napatayo ang lalaki at hawak ang noo. Habang nakapikit pa ito sa sakit ay isinuot na ni Yaza sa leeg nito ang nakataling kamay. Tinuhod niya ito ng ilang beses bago maliksing hinila at pinahiga ito sa kama bago pumaibabaw sa likod nito.

"Aaccck!" Gamit ang nakataling kamay ay mas hinigpitan niya ang pagsakal sa lalaki habang ang tuhod niya ay nakatanim sa likod nito.
Hanggang sa nawalan na ito ng malay.

Mabilis niyang natanggal ang tali dahil kasama sa basic training ng mga agents ang kung paano sila makakatakas kapag itinali sila. Madali lang naman kay Yaza iyon dahil kamay lang ang itinali. Noong training nila ay buong katawan ang itinali sa kanila.

Kinuha niya ang baril sa kanyang beywang at tahimik na lumabas, iniwan ang walang malay na lalaki sa loob.

Inayos niya ang silencer habang tinutungo ang daan pabalik sa venue. Nagsimulang makarinig ng putok ng baril si Yaza. 'Nagsimula na.'

Napatago naman si Yaza nang makarinig ito ng isang na boses. "Wala siya dito!"

'Wait. Is that-'

"Mentos?" Mabilis siyang lumabas at sinalubong sina Mentos at Yusue na agad siyang tinutukan ng mga baril.

"What the heck, Yaz!" Bulyaw ni Mentos at sabay naman nilang ibinaba ni Yusue ang mga baril nila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa dalawa.

"Gideon called for back up." Simpleng sagot ni Yusue.

"Tsk!" Ismid ni Mentos sa tabi.

Napairap naman si Yazafra.
"Okay, I'm sorry. It's my first solo mission so I didn't tell you."

"Buti alam mong mag-sorry!" Inis na bulyaw ni Mentos.

"Tama na yan. Bumalik na tayo doon." Pagsingit ni Yusue at tinungo na nga nila ang event venue.

Habang patungo doon ay may nakakasalubong pa rin ang tatlo na mga service crew. May kanya-kanyang hawak na baril ang mga ito kaya't alam agad nila na mga tauhan ni Oscar Navarra ang mga iyon.

"Yaz, 10 o'clock." Mabilis na bigkas ni Mentos na agad sinundan ng tingin ni Yaza. Binaril niya ang lalaking nagtatago sa may pinto ng isang cabin.

Isa-isang tinutumba ng tatlo ang mga nakakasalubong nila habang inoobserbahan ang bawat sulok ng yate.

Hanggang sa nakarating ang tatlo sa venue at naabutang nasa gitna sina Andros at Gideon na may hawak na baril. Sabay na binaril ng dalawa ang tatlo pang natitirang service staff. Nakatumba na pala ang lahat. Duguan ang mga 'service crew' habang walang malay pa rin ang mga bisita sa event.

'Sayang. I should've watched that." Komento ni Yaza bago tumingin kay Andros. Still, she finally saw Andros's deadly side.

Ngunit nawala naman ang nakakamatay na tingin ng lalaki nang makita siya nito. Mabilis itong lumapit sa kanya.

"Nerium! Are you oka--" Hindi pa natatapos sa pananalita si Andros ay may tumalon na pababa sa gitna nila. Sinamaan agad ng tingin ni Kano ang lalaki. Binalik naman ng huli ang masamang tingin nito.

Hinawakan ni Gideon ang boss sa balikat kaya't natigil na ang tensyon sa pagitan nila ni Kano.

"They're her co-agents." Pagpapakilala ni Gideon sa mga Venenatus.

"Where's DK?" Biglang tanong ni Yaza.

"Nasa taas. He's turning this yacht around. Habang wala pa ang back-up ng mga ito." Yusue.

"Three speedboats were detected but they're turning around already. Someone must have notified them." Saad ni Kano na nakatingin sa kanyang cellphone.

"I'm sure that Oscar Navarro is in one of those three." Naiinis na sambit ni Andros. Sumama na rin ang ekspresyon sa mukha ni Gideon.

"Ergmm." Bumaling ang lahat kay Fei nang marinig pag-ungol nito. Nawalan pala ito ng malay.

Nang maimulat niya ang mga mata ay agad siyang nagsisisigaw at napagapang palikod sa takot. Mas lalo siyang nagulat nang makita si Andros, Gideon, tatlong lalaking naka-itim at si Nerium na nakatingin sa kanya at may kanya-kanyang hawak ng baril.

"AAAAH!" Sigaw pa niya sa takot nang mapunta sa nagkalat na dugo sa paligid ang tingin niya. Nang malapit na siya mahimatay ay mabilis siyang nilapitan ni Andros at sinuportahan.

"I'm sorry, Tita Fei."

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon