"Once you hear the siren, the hunting begins," anunsiyo ni Izumi at pagkatapos nun ay naghiwa-hiwalay na ang mga agents.
Napadpad ang lahat sa gitna ng kagubatan. Ang iba ay naghanap ng matataguan habang ang iba ay nagpa-plano kung paano papatumbahin ang mga high ranking agents.
"These freaking agents are looking at us weird again. Ugh, mukhang first target na naman tayo," komento ni Maxim dahil sa mga dumaan na ibang agents at linagpasan sila. Kasabay nito si Nikos.
Sa kabilang dako naman ay naghahanap ng tataguan si Mentos na may kapartner na low-ranking agent na babae. Ang pangalan nito ay Leila. Katulad ni Mentos ay ganun din si Yusue dahil alam nilang sila ang unang magiging target.
Sina Vii at Kano ay naghahanda ng ambush attack. Pati na rin sina Mitch at Min jae. Magkakaiba ang kinaroroonan ng mga ito.
Si Izumi naman ay nakaupo sa officer's cabin at nakaharap sa napakaraming monitors sa harap niya. Sa isang screen ay may iba't-ibang parte ng gubat, nakikita niya mula sa mga ito ang mga nagtatagong agents at ang mga palakad-lakad lang.
Sa isa namang screen ay kita ang location ng lahat ng mga agents sa bawat sulok ng kagubatan. Ang lahat ay may tracker kaya't nasusundan ni Izumi ang galaw ng mga ito.
Nang makita ang lokasyon ng ibang mga high ranking agents, huli niyang hinanap ang lokasyon nina Yazafra at Cypher.
"Now where is this couple?" bigkas nito nang hindi niya mahanap ang dalawa sa mga cameras. Sunod niyang tinignan ang location nila.
"These lazy brats," inis na bulyaw na lang ni Izumi nang makitang hindi gumalaw ang dalawa. Nandoon pa rin sila sa lugar kung saan sila natipon bago nagsimula ang hunting.
"Hindi ba dapat nasa loob ng gubat din tayo?" kaswal na tanong ni Yaza na nakaupo sa kalupaan.
"It's called a strategy, Nerium. Most agents won't come here since it was the starting point," sagot ni Cypher na nakasandal sa isang puno.
"Sabagay, nakakatamad rin naman," bigkas ni Nerium at humiga sa kalupaan. Ipinikit nito ang mga mata habang ang mga palad ay nakasuporta sa kanyang ulo.
Doon naman tumunog ang siren.
Ilang minuto simula nang magsimula ang 'hunting' ay wala pang nadadaan sa kinaroroonan nina Yaza at Cypher.
Komportableng nakahiga pa rin sa kalupaan si Yaza habang si Cypher ay pinagmamasdan ang babae.
"Quit staring, Markow," nakapikit na bigkas ni Yaza na nagpangisi kay Cypher.
Hanggang sa may narinig silang yapak ng mga paang tumatakbo. Naging alerto si Cypher at nilapitan si Yaza. Bumukas naman ang mga mata ng babae at napaupo habang pinapakiramdaman ang mga yapak.
"Stand up," inilahad ni Cypher ang kamay. Kaswal naman itong tinanggap ni Yaza.
"Finally, some work to do," komento ng babae at hinigpitan ang ribbon na nakatali sa kanyang ponytail.
Nakarinig sina Yaza at Cypher ng mga boses at nang lalagpas na sana ang mga tumatakbo ay natigil sila nang makita ang dalawa. Ang mga ito ay dalawang magkapares na low-ranking agents. Gumawa sila ng sariling unit.
Napamura ang dalawang lalaking agent nang makita si Cypher. Ganoon din ang isang babae nang makita si Yaza.
"Miko..." bigkas naman nung isa pang babae sa kapares niya.
"Ako na bahala sa isang pares," saad ni Yaza at humakbang na palapit sa dalawang magkatabi. Ang pangalan ng agent na lalaki ay Miko. Tinanguan naman ni Cypher ang isa pang pares, hudyat na dapat lumaban sila.
BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Fiksi UmumYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...