Chapter 15

681 55 7
                                    

Tama si Yaza, kaharap na nga nila ni Cypher ngayon sina Kano at Vii.

At silang dalawang team na lang ang natitira sa training.

Hanggang ngayon ay hindi maiwasang mapangisi ni Izumi na nasa harap ng maraming monitors. Ang mga monitors ay nakatutok na lamang sa dalawang team na natitira.

"Dude. Kung may popcorn lang sana." komento ni Mentos na nasa likod ni Izumi. Sa katotohanan ay nasa likod lahat ni Izumi ang ibang miyembro ng Venenatus, Pythons at Volkovs na wala sa hunting. Pinapanood nila sa mga screen ang nagaganap na paghaharap nina Nerium at Venom laban kina Poison at Ferocious.

"Antagal naman nila magsimula. Nakuha pang mag-usap." inis na sambit ni Maxim sa tabi.

"Nagugutom na ako." inip rin na saad ni Drake.

"You hungry?" biglang bigkas ni DK na agad sinamaan ng tingin ng ibang Venenatus. "I was just asking." he scoffed.

Sa kalagitnaan ng bundok,

"Hindi na ako nagulat na kayo ang makakaharap namin sa huli." saad ni Vii at ngumisi.

"Sinipag ata kayo ngayon?" kunot-noong tanong naman ni Kano kina Yaza at Cypher. Nagkatinginan ang huli.

"Hindi kami sinipag. Pero masipag nila kaming pinuntirya kaya humantong sa ganito." walang emosyong sagot ni Yaza.

"So ang ibig mong sabihin, effortless niyong tinalo ang mga agents na iyon?" Vii na nakangisi pa rin.

"You could say that." singit ni Cypher. Magsasalita na sana si Vii pero tumunog ang speaker na nakatago malapit sa kanila.

"Just finish it already!" bulyaw ni Izumi sa kanila mula sa mga speaker.

Napairap naman ang apat.

"Bato bato pick na lang kaya--" hindi pa natatapos si Vii ay narinig na naman nila ang sigaw ni Izumi.

"UMAYOS AYOS KAYO KUNG AYAW NIYONG AKO MISMO MAGBABAGSAK SA INYO!!"

Sa sigaw ni Izumi ay halos mapahawak sa tenga at mapangiwi ang apat na nasa kalagitnaan ng bundok.

"Geez." bigkas ni Vii at napairap ulit.

Hanggang sa napansin ni Yaza ang tahimik na paggalaw ni Cypher. Naglabas ito ng isang throwing knife kaya't hinanda na rin ni Yaza ang sarili.

Mabilis na lumipad ang maliit na kutsilyo ni Cypher sa direksyon ni Kano. Nakita iyon ni Vii kaya't mabilis niyang itinulak si Kano kaya't sabay silang natumba sa kalupaan.

Tinignang mabuti ni Yaza ang ribbon nila. Nasa braso ito ni Vii.

Hanggang sa nagtama ang tingin nilang dalawa. Inobserbahan rin pala ni Ferocious ang ribbon na nasa buhok niya.

Sabay na napangisi ang dalawang babae bago inatake ang isa't-isa.

Sa kabilang banda naman ay halos dumausdus si Kano sa mga atake ni Cypher.

"Ang aggressive mo ata ngayon, Venom?" tanong ni Kano na may pagtitimpi. Gumalaw din ang panga nito. Ngumisi lang si Cypher pero ang mga mata nito ay madilim.

"It's called a duel for a reason, Kano." Cypher.

Hindi nawala sa tingin ni Cypher ang pagsulyap ni Kano kay Yazafra. Naintindihan agad ni Venom na ililipat ni Kano ang target niya sa ribbon na nakay Yaza.

"Don't even think about it, Poison. As if I would let you touch her." seryosong saad ni Cypher. Madilim pa rin ang tingin nito kay Kano.

"Oh yeah? Well I can defeat her because I know her every move. Naninirahan kami sa isang bubong." Alam ni Kano na ikakamatay niya iyon pero sinabi niya pa rin. Nasabi na sa kanya ni DK na may lihim na pagtingin si Cypher sa kanilang Nerium. Kaya wala siyang takot ngayon dahil inis ang nanaig sa kanya.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon