Nang magising si Yaza ay nasa sariling higaan na siya.Umupo siya sa higaan at bahagyang hinaplos ang mukha at ginising ang sarili. Ibababa na sana niya ang kanyang paa nang makita ang tulog na lalaki sa sahig.
'Cypher?'
Bahagya siyang napangiti at muling humiga ngunit patagilid upang mapagmasdan ito.
Natatakpan ng kamay ni Cypher ang sariling mukha kaya't hindi niya mapigilang ibaba ang kamay na parang inaabot ito.
'You're so close yet so far.' Pagtukoy niya sa kung anong meron sila ngayon.
Sadyang malayo si Cypher kaya't binawi din niya ang kamay. Nang gumalaw ito ay mabilis nama siyang bumangon patayo.
Umupo naman sa sahig ang lalaki na kagigising lang. Habang hinahagod ang sariling buhok ay sinundan niya ng tingin si Yazafra na tumungo sa sariling banyo.
Tama namang may kumatok sa labas.
"Yaza? Wake up! I'm opening this door," saad ni Danisha Loverde at kasunod nito ay nakarinig ng tunog ng mga susi si Cypher.
Sabay na nagbukas ang pintuan ng kuwarto at ang pintuan ng banyo nang marinig din ni Yaza ang mga susi.
Lumabas ang huli na may toothbrush sa bibig habang pumasok naman si Danisha at mabilis na inikot ang tingin sa kuwarto ng anak.
Nang balingan ni Yaza ang sahig ay wala na si Cypher doon. Kaya umakto na lamang siyang naguguluhan sa inaaksyon ng ina.
"What's wrong?" Maang niyang tanong sa ina habang tuloy pa rin sa pagsisipilyo.
Naningkit ang mga mata ni Danisha.
"Anong oras ka natulog kagabi?"Umakto namanng napaisip si Yaza. "Early? Can't remember what time exactly. Why?" Kaswal niyang sagot.
Pinag-krus ni Danisha ang kanyang mga kamay. "Did anyone visited you by chance? Last night?"
Nangunot ang noo ni Yaza at sumagot, "You did." Umaakto pa rin siyang walang alam.
Nawala naman ang nangungusisang ekspresyon ng kanyang ina, napalitan ng pagkapahiya. Dahil sa isip niya ay siya pa ata ang nangistorbo kagabi.
"Did--did you hear what I said?"
Nagkibit balikat si Yaza. "Nope. I heard your mumbling. Di ko pinansin, I slept." She lied without batting an eye.
'I mean, I did not lie.' She didn't, but she did left some important details unsaid.
"Okay," taas-kilay na saad ni Danisha at kaswal na lumabas mula sa kuwarto ng anak.
Pagkasara niya ng pinto ay tama namang lumabas si Cypher mula sa katabing kuwarto.
"Dobroye utro," (Good morning) kaswal na pagbati ni Cypher ng good morning sa ginang.
"Oh, dobroye utro tozhe," (Good morning too) maang na bigkas ni Danisha bago tuluyang umalis doon.
Napangisi naman si Cypher bago nilabas ang cellphone.
Nang maisara ni Danisha ang pinto ay tinitigan ito ni Yazafra. Napahinga siya ng maluwag. Her mother really is good at speculating!
Babalik na sana siya sa banyo nang umilaw ang kanyang cellphone sa lamesa. Nakatanggap siya ng text message.
Linapitan naman niya ito at binasa.
[C.M.: Meet me later. Let's go somewhere.]
Hindi na niya ito ni-reply'an at bumalik na sa banyo.
'Calm down, Yaza. May pupuntahan lang kayo. It's not a date!' Paalala niya sa sarili at hindi na namalayan na nahati na sa dalawang piraso ang toothbrush.
BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Ficción GeneralYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...