Chapter 48

723 25 2
                                    

"Marami namang bed sheets dito, why your shirt?" maang na tanong sa kanya ni Yaza na sa ngayon ay nakapikit na sa pagod habang mabigat rin ang paghinga.

Napatawa na lamang ng mahina si Yusue habang pinupunasan ang mukha nito. "You never know what's gotten unto those sheets, Yaz" komento niya. "Ayos ka lang?" sunod niyang tanong.

"Yeah," sagot nito bago hinigit ang T-shirt sa kamay niya at tinuloy ang pagpupunas sa sariling leeg at kamay.

"Damn Yaz, paano mo ito na-survive?" Hindi makapaniwalang tanong niya at pinalibutan ng tingin ang mga katawan sa paligid bago sinimulang isuot muli ang kanyang gear.

"They angered me. Called me a meal, a hole and whatever. If I could kill every human being who sexualize women at any situation, I would," kibit-balikat lamang nitong sagot.

"By the way--" magsasalita pa sana si Yusue nang pareho silang nagitla sa narinig mula sa kanilang earpiece. Kano calling for back-up.

Mabilis na pinulot ni Yusue ang kanyang mga armas at hinarap si Yazafra. "Nerium, rest and recover then follow through," seryosong utos niya bago naunang pumasok sa elevator. Tinanguan na lamang siya nito habang ang mga mata'y tila sinasabihan siya nitong mag-ingat.

'I will, Yaz.'


"VENOM!" galit na bulyaw ni Noch sa kalagitnaan ng barilan. "YOU'RE MAKING A BIG MISTAKE!!" Muli nitong bulyaw sa lengguwaheng Russian. "I WILL KILL GENNADY WITH MY OWN HANDS. YOU'RE NOT GETTING IN MY WAY!"

Nagtanguan sina Cypher at Nikos bago maingat na lumipat ng pinagtataguan. Nikos fired a shot to cover him. Dalawa na lamang ang natitira sa mga tauhan ni Noch.

Dahil sa mga pagsabog ay naging madilim ang kanilang paligid lalo na sa loob ng gusali. Dahil doon ay hindi napansin ng isang Verde na nasa kanyang likuran na ang leader ng Pythons.

"Let go of the gun," bulong ni Cypher sa nakatalikod na lalaki habang nakatutok na ang baril sa likod ng leeg nito. Tumindig ang balahibo ng huli at napabitaw sa kanyang baril ng wala sa oras. Itinaas nito ang kamay at kita niya ang panginginig nito.

"Got him," rinig niyang saad din ni Nikos sa kanyang earpiece. Nahuli na rin nito ang isa pa. "Tie them up," utos niya.

Tinali din niya ang Verde gamit ang neck tie at belt nito. "Move and I'll shoot your feet. You'll never be able to walk again," pagbabanta niya sabay pinagbabaril ang direksyon na kinaroroonan nila kanina upang hindi maguluhan si Noch kung bakit tumigil ang mga putok ng baril.

Mabilis na tumango-tango ang Verde at umiyak. Mabilis siyang lumayo doon upang hanapin si Ivanov.

Ilang hakbang sa madilim na banda ay may taling humigit sa kanyang leeg pababa hanggang siya ay bumagsak sa sahig. Nahirapan siyang huminga. Hawak niya rin ang tali habang ang taong sumasakal sa kanya ay buong-lakas na hinihila siya palikod.

"You should've listened to me, you arrogant bastard." It was Noch. "Now I'm gonna kill you first."

Namilipit siya sa sakit at lalo pang nahirapang huminga dahil pahigpit pa ng pahigpit ang pananakal ng mafia boss.

Hanggang sa tunog ng isang kinasang baril ang kanilang narinig. "You must've forgotten about me." Nikos pointed his gun towards Noch's heart against his back. Sa konting pagkawala sa konsentrasyon ni Noch ay nakawala si Cypher. Naghabol siya ng hininga at walang tigil na napaubo.

Napairap si Noch at wala nang nagawa kundi itaas ang kamay. "Oh c'mon, it's not like this guy's gonna die from a mere strangulation--"

"Shut your mouth." Itinulak ni Nikos ang baril sa katawan ng Verde kaya't naputol ang sasabihin nito.

Napabuga ng hangin si Cypher. He stood up, fixed his tie before throwing Noch a deathly glare. "You're right Ivanov, you can't get rid of me with just that," he said ominously and stepped closer towards the Verde's face. "If I do the same, would you survive?" Pagkabitaw niya ng huling salita  ay agad hinablot ng kanyang kamay ang leeg ni Noch. Kahit nasasakal ay nagawa pang mapa-ismid ng huli.

Naging blanko ang mga mata ni Venom at kalaunan ay nanlilisik. Tahimik at walang emosyong ibinaon pa ang kanyang mga kuko at dumaloy nga ang dugo sa leeg nito.

Umikot ang paningin ni Noch at ramdam nitong malapit na sya mawalan ng malay. Nakahawak na siya sa pulsuan ng Python at pilit itong itinutulak ngunit doon niya napagtanto na walang laban ang lakas niya kumpara dito.

Sa gilid ay nanatiling nakatayo si Nikos, sanay na sa nakikita. Kung nandito si Min Jae ay paniguradung pipigilan nito agad ang nangyayari pero para sa kanya, hindi na kailangan.

"Acckkk!!"

Sa huling paghugot ng hininga ni Noch ay doon lamang ito binitiwan ni Venom. Nahulog ito sa sahig, hawak ang leeg at nahihirapan pa ring huminga.

"What a lousy bluff to say you have a Venenatus. If you're this stupid, then you're minions are just the same," komento ni Venom habang inaayos ang kasuotan.

"Wait!" bigkas ni Noch sa kalagitnaan ng kanyang paghahabol-hininga. Aabutin na sana nito ang kanyang paa ngunit bago pa siya maabot nito ay siya na ang humarap. Muling kumasa ang baril ni Venom at itinutok ito sa mafia boss.

"Say something useful for once.
You've wasted too much of my valuable time. Is this a strategy of yours? To act like we aim the same but then you'd shoot me in the back after everything is over? Or...are you buying Gennady time?" pagngisi ni Venom.

Matiim siyang tinignan ni Noch na ngayon ay nakaluhod sa sahig. Ang mga mata nito'y puno ng galit. "I have no other want in life than to slit Gennady's throat myself!" he roared.

"I don't care--"

"He doesn't recognize me," pagputol nito sa kanya, blanko ang ekspresyon. "I was only a child. My mother was all I have. We only had each other. We owed him money. We couldn't pay back."

Nagkatinginan sina Cypher at Nikos.

"He proceeded to force my mother. When she tried to escape his grasp, he..." tahimik itong napalunok. "He made his people burn her alive. And I watched everything happen and I could only dig my nails unto my cheeks to cover my screams until it bled out."

Sa kalagitnaan ng gulo sa labas ng kanilang kinaroroonan, naging tahimik ang kanilang paligid.

Hanggang ibinaba ni Venom ang kanyang baril. Tinalikuran niya ang mafia boss at nagsimulang lumakad paalis, nakasunod naman sa kanya si Viper.

"Are you letting this man live?" Tanong ni Nikos. "Hindi siya parte ng plano. We have to get rid of him. And did you forget that he almost touched Neriu--"

"It wasn't him," bigkas niya sa matigas na tono. Pinaalala lang naman ni Nikos na muntik nang mangyari iyon noon kay Yazafra. "That filthy minion of his who almost did is already dead."

Natahimik na lang si Nikos. Cypher managed to hide a fact he never found out.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon