Chapter 23

554 39 1
                                    

"A job well done, Venenatus. Have your two months rest as I prepare your next missions."

Ito ang mga huling mga salita ni Zacharius Volcov sa kanila bago napatay ang screen.

Tumayo si Yazafra para umalis na ngunit napahinto ito nang hawakan siya ni Kano sa pulsuan.

"Don't just stay at Mitch's house for two months. Come by here." seryosong utos nito.

"Oo nga. Paniguradong tatamarin ka na naman. Bumisita ka rito! Kung hindi, kami ang bibisita sayo!" Mentos na masama ang tingin kay Yaza.

"But you're not allowed there..." walang-emosyong bigkas ni Yazafra sa kanila kaya't naging masama ang aura ng lahat. Pinagbawalan kasi sila ni Mitch na pumunta sa bahay niya. Si Yazafra lang daw ang puwede.

"So what? Pupunta kami kung gusto namin--"

"But you're scared of Ruinous..." wala ulit emosyong balik ni Yaza. Nahulog na lang ang mga balikat ng mga lalaking Venenatus. Tama si Yazafra. Galitin mo na si Izumi Fontel, wag lang si Mitch Yen Kwon.

"But you'll hang out with us, right?" nagmamakaawang sambit ni Yusue. Para itong bata na nakalabi pa.

Bahagyang ngumiti ang babae. "We'll see." maikling sagot nito at lumabas na ng Vallegas Residence.


Isang buwan ang lumipas at walang ibang ginawa si Yazafra kundi matulog, kumain, maglinis, pasyalin ang bahay ni Mitch at matulog ulit. Hindi siya umalis sa dating hideout ng mga Volkovs.

Kahit tinatawagan siya ng mga Venenatus ay tine-text niya lang ang mga ito na tinatamad siya.

Tinungo ni Yaza ang kusina at nanguha ng ice cream sa refrigerator. Mabuti na lang at pumupunta ang Linda na yaya ni Izumi rito at dinadalhan siya ng food stock tuwing lunes.

Habang naglalagay ng ice cream sa isang bowl ay hindi maiwasang mapaisip ni Yaza.

'Ano na kayang ginagawa ng Pythons ngayon?'

'Itinuloy ba talaga nila ang misyon na yun?'

'Tatawagan ko ba?'

Napailing si Yaza sa mga naisip. Pero pumapasok pa rin sa isipan niya ang imahe ng mga Pythons habang nasa misyon ang mga ito.

Dumiretso si Yaza sa sala at umupo sa sofa, hawak nito ang bowl na laman ang ice cream at isang kutsara.

Bago pa niya maisubo ang kutsara ay naisipan niyang kalkalin ang mga files ng Volkovs sa computers ni Maxim Petrova.

Bumalik siya sa sofa at nagsimulang kumain ng ice cream habang pinapanood ang mga kuhang videos ng mga Volkovs.

Hindi maiwasang mapangiti ni Yaza habang pinapanood ang mga ito. Lalo na at ang mga lumang videos nila ito na kinuha pa noong trainees pa lang sila. Puro mga 12 or 13 years old pa lang sila rito.

"Ayy! Naka-video pala. Hi!!" bati ni Maxim sa camera. Nasa likod nito ang ibang Volkovs at hinihintay na kunin niya ang litrato.

"Turn it off and take the picture! Nangangawit na ako." Izumi.

"Say hi muna!" Maxim.

"Hi!" sabay sabay na sigaw ng tatlo maliban kay Mitch sa kanyang likod.

"Oh tapos na--"

"Dapat kasama ako!" Maxim

"Wag na nga lang! Tara na!" inis na sambit na ni Vii at tumalikod, sinunod naman siya nung tatlo. Tinignan naman sila ng masama ni Maxim bago pinatay ang video.

Nagplay pa si Yaza ng iba. Nawala na lang ang ngiti nito nang makita ang pamilyar na gymnasium. Si Maxim ulit ang may hawak ng camera kaya't mukha niya ang nasa buong screen.

"Hi! I'm Maxim Petrova and we're here for our taekwondo training!" aktibong sabi nito sa camera bago ipinakita ang buong gym. Alam ni Yaza na nandoon din sila noon ngunit malayo sa kinaroroonan ng mga Volkovs. Nakasuot ang lahat ng taekwondo uniform. Napansin na lang ni Yaza na sa katabing grupo ng mga Volkovs ay ang mga Pythons.

"Here are the members of our guild, The Volkovs." saad ni Maxim at ipinakita ang nagi-stretching na mga Volkovs.

"And oh! Here is the famous and handsome Mr. Cypher Markow." mapang-asar na pagpapakilala nito at itinutok ang camera kay Cypher. As usual, wala itong karea-reaksyon sa nangyayari at sinamaan lang ng tingin ang camera at si Maxim.

Noong trainees pa lang sila ay talagang malapit na ang dalawang grupo, ang mga Pythons at Volkovs. Sikat din ang mga ito at marami ang may gustong magkarelasyon sina Cypher at Vii. Pero parehong propesyunal ang dalawa at wala lang pake sa iniisip ng iba tungkol sa kanila. Everyone admired them kahit si Yaza.

"Cute." wala sa isip na komento ni Nerium habang nakatingin sa batang Cypher na nasa screen.

Pinatay ni Yaza ang monitor at doon naman siya nakatanggap ng tawag.

It was an international call...

Sinagot ito ni Yaza pero hindi siya nagsalita.

"Vnuchka." It was her grandpa, Zacharious Volcov.

"What." tipid na tanong ni Nerium.

"I have a mission for you."

Na-alerto si Yaza sa narinig.
'A separate mission?'

"What is it?"

"Andros Rodrigo. Be his protection."

Kumunot ang noo ni Yaza.
'Who is this Andros at kailangan protektahan?'

"I know you're having questions but he just needs your protection. John Rodrigo was my good friend. Andros grew up following his father's steps. He's still mourning and he's really unstable right now. I want you to be on his side. Keep him from his reckless actions and protect him from the Navarros."

"What's between the Navarros and Rodrigo, dedushka?" tanong ni Yaza at sumandal sa sofa.

"The Navarros are their family rival. Andros wasn't aware of this until you found Gideon Baltazar." Zacharious.

"Are you doing well, dedushka?" Nagulat si Zacharious Volcov sa biglang tanong ni Yaza. Napabuga naman ng hangin ang babae na humiga na sa sofa. Hindi niya alam ang nangyayari sa misyon ng mga Pythons ngayon pero alam niyang nanganganib din ang lolo niya.

"I'm-i'm doing well. How about you?" Nawala na ang propesyunal na boses nito at naging malambot na ang tono.

"I'm fine. Is everything good there?" Yaza.

"Ev-everything's good, my dear. Don't worry..." mabagal na bigkas ng kanyang lolo.

'He's obviously lying.' isip ni Yaza pero hindi na niya ito inusisa. "And don't worry too. Just send me Andros Rodrigo's information. I'll meet him tomorrow."

Pagkasabi niya doon ay nagpaalam na sila sa isa't-isa bago pinutol ang tawag.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon