Chapter 20

651 51 6
                                    

[LOCATION: PHILIPPINES]

"Nakakamiss din pala." ngiting bigkas ni Yusue. Nasa airport sila at palabas na ng arrival area. Sumang-ayon naman ang lahat.

"Nak!" rinig nilang sigaw ng isang boses. Kumaway naman si Mentos sa ama. Si Marcos Vallegas. Katabi rin nito ang ama ni Yusue na si Eddie Marquez.

Nang makalapit ay nagyakapan ang mag-aama. Naiwan naman sa likod sina Yaza, DK at Kano.

"Buti naman at dito naman kayo nadestino." malugod na bati ni Eddie Marquez at nilapitan din ang tatlo na nasa likod at binigyan sila ng yakap. Ganon din ang ginawa ni Marcos Vallegas.

Halos maipit sila sa bawat pagyakap ng mga ito. Alam ng mga Venenatus na sila na ang namamahala sa Mafia Guirrero ngayon.

Dumiretso sila sa tahanan nina Mentos. Nagsalo-salo sila sa kusina at halos napuno ng ingay ng mga kalalakihan ang buong bahay.

"Sayo ko nga tanungin Yazafra." Bumaling si Yaza kay Mr. Vallegas nang bigkasin nito ang kanyang pangalan.

"Ano po iyon?" Yaza.

"May mga nobya na ba ang mga ito? Ayaw kasi aminin." tanong ng ama ni Mentos.

"Pa!" saway ng huli.

"Wala po kahit isa." Natahimik ang lahat sa binagsak ni Yaza.

"Yaza naman, para naman kaming pinagkaitan kung ganyan ang pagkakasabi mo." Mentos. Natawa naman si Kano sa tabi.

"Eh ikaw?" tanong naman ni Mr. Marquez kay Yaza kaya bumalik ulit ang tingin ng lahat sa kanya.

Hindi agad sumagot si Nerium kaya nainip na ang mga Venenatus.

"Sabihin mong wala! Ba't antagal mong sumagot? Pinag-iisipan pa ba iyan?" mulat na mulat na sabi ni Mentos. Binatukan naman siya ng ama.

"Eh ano naman kung meron kasi!" Mr. Vallegas.

"Hindi pwede! Kailanman hindi iyan magkakanobyo! Hindi namin hahayaan! Hindi pwede!" naniningkit na saad ni Mentos habang nakatingin kay Yaza.

Kumunot naman ang noo ng babae bago bumaling ulit sa dalawang nakakatanda. "Wala po akong nobyo--"

"Pero may umaaligid?" ngisi ni Mr. Marquez.

"Marami." singit ni Yusue at nagtuloy sa pagkain.

"Marami naman pala, wala ka bang nagustuhan kahit isa?" tanong ni Mr. Vallegas kay Yaza.

"Wala!" sabay na sumbat nina Mentos at Yusue. Sabay naman silang binatukan ni Eddie Marquez.

"Kaya wala kayong nobya eh! Inuuna niyong usisain at hadlangan ang lovelife ni Yazafra." Pinagalitan nito ang dalawa kaya't natawa naman si Marcos Vallegas sa tabi.

Tumango si Yaza bilang pagsang-ayon. Mas lalong lumakas ang tawa ni Mr. Vallegas at itinuro si Nerium. "Sumang-ayon siya oh! HAHAHA"

Doon naman tinignan ng masama ni Kano si Yazafra. "Yaza..." bigkas nito na may pagbabanta.

"He's right though. Ilan na bang babae ang iniwan niyo kasi nagselos sila sa akin?" balik naman ng babae.

"What? Talaga!?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Vallegas.

"Well..." napaisip naman si Mentos at nagbilang pero umiling din. "Doesn't matter. Kung ayaw nila sayo then we don't want them too."

Tumango naman si Yusue bilang pagsang-ayon.

Bumaling si Yaza kay Kano. Itinaas naman ng huli ang dalawang kamay.

"Ah yes. Si Kano! HAHA." biglang singit ni Yusue na may hawak na fried chicken.

"Bakit?" sabay na tanong nina Marcos at Eddie.

Si Mentos ang sumagot. "Sinamaan lang ng tingin nung girlfriend niya noon si Yaza, kinabukasan wala na sila."

"You're worst, Kano." iling ni Mr. Vallegas habang natatawa.

Si Yaza naman ang nagsalita habang may seryosong ekspresyon. "See? That's not how things are supposed to work."

"Excuse me? What are you all talking about?" singit ni DK. Natahimik ulit ang lahat. Oo nga pala!

"They're saying that Nerium should get a boyfriend." saad ni Kano.

Sumama naman ang mukha ni DK. "What? NO!" bulyaw din nito agad.

Napailing na lang ang lahat.

Nang makakain sila ay inilahad ni Yaza ang kamay kay Mentos.

"Kailangan ba talagang humiwalay ka?" tanong ni Mentos bago ibinigay ang susi ng kotse niya.

"I have to. I'm staying at Mitch's house." desididong sagot ni Yaza para hindi na siya pilitin pa.

Mag-isang tinungo ni Yaza ang tahanan nina Mitch. Napunta siya sa mahabang daan na kung tawagin ay Bridgette Highway. Nang mahanap ni Nerium ang simbolo ng mga Volkovs sa isang puno ay lumiko na siya doon. Hindi na sementado ang tinatahak niyang daan at puro puno rin ang nakapaligid. Gabi na kaya't huni ng mga insekto at ng kotse na lang ang naririnig.

Ilang minutos ang lumipas,

'Everyone was right. This house really is ominous,' komento niya sa kanyang isip habang nakatingin sa bahay na mukhang haunted house. Kumupas na ang kulay ng gate pero nasabihan naman siyang automated iyon.

Bumukas ang gate matapos siyang bumaba at itinapat ang badge sa isang lense. Ipinasok ni Yaza ang kotse. Kinuha niya din ang kanyang mga gamit bago pumasok sa loob.

Gulat na lamang niya nang malayo ang itsura ng loob sa labas. Maayos ang loob ng bahay at mukhang pang-mayaman pa. Sinabihan na rin siya ni Mitch na nilinis na daw ito ng tauhan ni Izumi na nagngangalang Linda.

Nang makarating sa sala ay nakita na niya ang tinutukoy pa noon ni Maxim na mga monitors niya. Sa dami ay hindi na ito binilang ni Yaza at agad humiga sa malapit na sofa.

"Ughhhh." paglalabas nito ng pagod at pumikit.

'Take care.'

Namulat ang mga mata ni Yaza nang maalala ang huling mga salita ni Cypher sa kanya. She groaned in frustration.

'Kaya sinasanay na kita.'

Napabangon si Yaza nang iba naman ang maalala.

"I'm not dense, Venom." inis na bigkas niya.

She knew Cypher's intentions from the very start. Hindi ito manhid. She had to act clueless when he was making advancements.

She knew how Vii set them up for the collaborative training. Hindi rin siya bingi para hindi marinig ang pang-aasar ni Maxim kay Cypher tungkol sa kanya. Cypher's feelings for her is very open. Alam na nga ng lahat ng mga high ranking agents, paanong hindi niya malalaman?

Alam niya ding hindi nagbibiro ang lalaki dahil kilala ito ng lahat na ni minsan ay hindi nagbigay ng atensyon sa kahit sinong babae. Alam din ng lahat kung gaano ka propesyunal si Cypher bilang isang agent.

"Ba't ako pa?" mahinahong bigkas nito at niyakap ang mga binti. She can't afford feelings. Wala sa bokabularyo niya ang salitang romansa.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon