Chapter 17

644 53 4
                                    

Sa officer's cabin,

Habang patungo si Yazafra sa meeting room ay natigil siya sa paglalakad. Dumapo ang kanyang gitnang daliri at hinlalaki sa magkabilang gilid ng kanyang noo nang makaramdam ng pagkahilo.

"Ugh, headache," bigkas niya at sumandal sa pader.

Nang makarinig ng mga yapak ay mabilis siyang pumasok sa pinakamalapit na pintuan.

"You made the fight so boring, Venom. Wala man lang dugo ang dumaloy." Rinig ni Yaza na sabi ni Drake Morfell.

"You want to see your own blood?" walang emosyong balik ni Cypher.

"What? No!" Drake.

"Then shut up or I'll crush your neck." 

Nagtawanan naman ang ibang Pythons.

"Shut up kasi," asar ng kakambal nito.

Dumaan ang mga boses at unti-unti namang nahulog si Yaza sa sahig ng storage room. She's not feeling well. At ayaw niyang nakikita siya ng mga taong ganito, weak.

Nang makapasok ang mga Pythons sa meeting room ay meron na ang ibang higher ups, pati ang Volkovs at Venenatus maliban kay Yaza.

Nang makita ni Nikos ang tanong sa mukha ni Cypher ay siya na ang nagtanong para sa kanya.

"Where's Nerium?" Nikos.
Nagkibit-balikat ang lahat.

"Nagpahuli," sagot naman ni Kano.

"Humabol na lang siya. Let's start the meeting," saad ni General Philip.

"Speak english, please." singit naman ni Inspector Alexopoulos, ang ama ni DK.

Nagsimula ang meeting nang hindi nila namamalayan na wala na si Cypher sa meeting room.

Kaswal na naglalakad si Cypher sa mahabang hallway. Lalabas sana ito ng cabin nang mapansin ang storage room na may konting awang.

'That storage room is never open.' isip niya.

Itinulak nito paloob ang pinto gamit ang paa. Gulat na lamang niya nang makita si Yazafra na nakaupo sa sahig at nakasandal ang ulo sa kabinet. Nakapikit ang mga mata nito.

Bumalik sa dati ang ekspresyon ng lalaki at kaswal na nilapitan si Yaza.

"You okay?" Cypher.

Nagising sa gulat si Yazafra dahil hindi man lang niya napansin na may taong dumating. Mas nagulat ito nang makita si Cypher.

"Pa-pano mo nalaman na nandito ako?" tanong nito kahit sobra ang sakit ng ulo niya.

Bumaba si Cypher para pantayan siya. Inobserbahan ng lalaki ang mukha niya.

Hanggang sa dumapo ang likod ng kamay ni Cypher sa kanyang noo.

"I'm not ill. Sakit sa ulo lang." saad ni Nerium.

Tumayo naman ang lalaki at tinungo ang pintuan. Sinundan lamang siya ng tingin ni Yazafra.

"Stay here. Ikukuha kita ng gamot." saad nito bago sinara ang pinto.

Nahiwagaan naman si Yaza sa malumanay na boses ni Venom.

Maya-maya ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si Cypher na may dalang isang banig ng gamot at isang basong tubig. Isinara ng lalaki ang pinto gamit ang paa.

Pinantayan niya ulit si Yaza at inabot ang gamot at tubig na tinanggap naman ng babae.

"Thanks." pagpapasalamat niya bago linunok ang gamot at inubos ang laman ng basong tubig. Nailang na lang siya nang hindi lumayo ni minsan ang tingin ni Cypher sa kanya.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon