Nang itigil ni Yaza ang kotseng gamit sa harap ng bahay ni Mitch ay hindi na siya nagulat nang makita ang isa pang kotseng nakaparada.
Nandito ang mga Venenatus.
Pumasok siya sa loob at naabutan ang apat sa sala. Agad tumayo si Kano nang makita siya.
"Yaz..."
"What? You here to scold me?" Walang emosyong tanong niya at umupo sa single sofa. Hindi nagsalita si Kano.
"What have you been hiding from us?" Tanong ni DK na pinag-krus ang mga kamay, nakasandal ito sa lamesa. Alam na ni Yaza ang tinutukoy ng mga ito.
"Why ask? Sinabi naman na ata sa inyo ng mga Pythons--"
"We want to hear it from you." Kano.
"Do you really like him?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mentos. "I told you he's a threat and you still gave him attention," pagtuloy nito. Sinaway naman siya ni Yusue.
"You know it can't happen, right?" Maingat na tanong ni Kano. "You're just going to hurt yourself. You two are hurting yourselves. The consequence of breaking this certain rule is rather more damaging. You'll either lose your title as a high ranking agent or be designated somewhere no one knows."
"Or are you considering the thought of leaving us?" kunot noong tanong ni DK.
"DK..." saway ni Yusue at tinignan naman ito ng masama ng huli.
"What? Let's be honest here. Yaza should say it now before things get worse. Is she gonna leave us for a relationship that is of no assurance or WILL she follow the rule!?"
Everyone went silent. Naging mabigat na ang atmospera sa buong sala.
Tumaas ang tingin ni Yaza at nagtama ang tingin nila ni DK.
"You said it yourself, DK. It was hopeless. You think I don't know that?" Lumipat kay Kano ang tingin niya. "But it hurts. It was a new feeling and now I'm just hurting. Hindi pa nagsisimula, tapos na."
Napaiwas na lang ng tingin ang apat na Venenatus kaya't si Yaza ay napayuko na lang.
"Ca-can you leave now? I need rest," mahinahon niyang sambit.
Walang nagsalita sa apat. Hanggang sa tumayo si Mentos.
Sinundan ito ng tingin ng lahat nang tunguhin niya ang kinauupuan ni Yazafra. Bahagyang hinila niya ang babae palapit, katulad ng ginawa ni Kano noon.
Yaza naturally leaned on his shoulder and closed her eyes.
'Nagpakita na nga ng ibang emosyon, yung nasasaktan pa.' komento ni Mentos sa kanyang isip. "I'm sorry, Yaz. We weren't being thoughtful. Ayaw naming mawala ka."
Napabuntong hininga si DK at lumapit din kay Yaza. Hinawakan niya ito sa kamay. "I'm sorry."
Hinigpitan ni DK ang pagkakahawak kay Yaza bago nagsalita ulit. "Do you have any food here? I'm hungry."
Sinamaan siya ng tingin ng lahat kasama si Yaza. Umupo ng maayos si Nerium at itinulak ang kamay nito. Natawa naman ang huli at dumiretso sa kusina.
"Ako rin," pagsingit ni Mentos sa tabi ni Yaza at sinundan si DK sa kusina. Napailing na lang ang babae.
Mula sa araw na iyon ay hindi na nagpakita ng ibang emosyon si Yazafra. Naging abala ang mga Venenatus sa kanilang mga misyon sa Pilipinas. Mula sa paghahanap ng nawawalang tao, pagtutugis ng mga grupo ng mga magnanakaw at paghahanap ng mga lokasyon ng mga pagawaan ng droga.
Minor cases lamang ang karamihan nilang hinaharap pero marami ito.
"Yaz? Kain tayo sa labas?" Pag-alok ni Mentos nang matapos ang huling misyon nila sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Ficción GeneralYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...