Isa-isang bumaba ang mga dumalo sa party at karamihan ay umiiyak sa takot. Marami din ang galit. Nagkalat din ang mga pulis at ambulansya sa paligid. Gising na rin ang ngayon ay matamlay na si Fei na sinosuportahan ngayon ni Paterno.
Nang makita nito sina Andros at Nerium sa tabi ay agad niyang nilapitan ang mga ito.
"Andros..." May pag-aalalang bigkas nito.
Hinawakan naman agad ni Andros ang nanghihinang ginang. "I'm sorry, tita. This was all my fault," paghihingi niya ng paumanhin.
Umiling naman ang ginang.
"No, no, no! Kung hindi dahil sa insidenteng ito, hindi natin malalaman na may kinalaman ang mga Navarro sa pagkamatay ng ama mo."Nagulat sina Andros, Nerium at Gideon sa narinig. Paano niya napagtanto iyon?
Nang makita ang ekspresyon ng tatlo ay nagsalita ulit ang ginang.
"I heard their conversations and what they said earlier bago ako nawalan ng malay. I heard Oscar's name. Hindi ako nagkakamali! Ang you also said it yourself a while ago, Andros," saad nito na may panggigigil sa tono. Kahit si Paterno ay nanggagalaiti din sa galit kahit tahimik lamang.
Hinawakan naman agad ni Andros sa balikat ang ginang. "Tita Fei, tito Paterno, you have to be quiet about this. Para ligtas kayo." Tinanguan siya ng mag-asawa.
Hanggang sa lumipat kay Nerium ang tingin ni Fei. "At akala ko naman nahanap mo na talaga ang para sayo," malungkot na bigkas nito.
Namilog ang mga mata ni Yaza at napaubo naman si Andros.
"Ti--tita. Security ko lang po talaga siya. Sorry at nagsinungaling ako."
"Hindi! Pwede pa! Pwede kayo!" Pagpipilit ni Fei at halos lumabas na ang mga mata nito sa pagbibigay diin.
Agad naglabas ng nerbyos na tawa si Andros at umiling-iling.
"Fei!" Saway na ni Paterno kaya't tumigil na ito. Iniwanan pa sila ng nagmamakaawang tingin ni Fei bago tuluyang umalis ang mag-asawa.
"Sorry about that," baling ni Andros kay Nerium. Tumango naman ang huli.
"Mauna na ako," pagpapaalam nito at tumalikod paalis. May sasabihin pa sana si Andros sa kanya pero hindi rin niya itinuloy.
[MITCH'S HOUSE]
Yazafra lied on her bed, naked.
With her one leg on top of the other, she spread out her hands and closed her eyes to relax herself. Maganda sa pakiramdam ang matulog ng walang inaalala. Lalo na't mag-isa lang siya sa bahay na ito na nasa gitna pa ng kawalan.
She was about to doze off when a soft knock from the front door was heard.
Agad namulat ang mga mata niya. Tinignan niya ang oras at alas otso na ng gabi. "Ugh." She groaned and stood up.
Lumapit siya sa isang cabinet at nanguha ng malaki at makapal na T-shirt at isinuot iyon. Lumabas siya sa kuwarto ng paa-paa at narinig niya ulit ang mahinang katok.
Agad siyang nainis. Paniguradong ang mga Venenatus na naman ito. Base sa nangyari kanina. Padabog niyang binuksan ang pinto.
"What now, Venena--"
Magagalit na sana siya ngunit isang tao lang ang nakatayo sa kanyang harapan ngayon. Nakayuko ito at parang nanghihina.
"Venom?"
Bumagsak ang katawan ni Cypher sa kanya. Nahulog ang noo ng lalaki sa kanyang balikat kaya't sinuportahan niya agad ito.
"Oi!"
BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Genel KurguYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...