Chapter 28

561 46 2
                                    

[VOLCOV HEADQUARTERS]

"Where's Venom?" biglang tanong ni Draco.

Tumingin naman sa paligid si Drake at napagtantong wala nga si Cypher na kasama nila.

"Yeah, where is he?" Tanong na rin ni Nikos.

"Kasama natin siya eleven hours ago." Sagot ni Min Jae at inalala ang huling pagkakita niya kay Venom.

"Baka kausap si Mr. Volkov." Pagsingit ni Draco at tumango-tango. Tama namang dumaan si Mr. Volkov sa harap nila na may kausap na empleyado.

Nagkatinginan ang apat. Pero sabay -sabay ding iwinaksi ang iniisip.

"Ehy. Baka umuwi lang." Sumang-ayon ang tatlo kay Draco.

"Yes. Maybe he'll be here in any second. Let me call him." Saad ni Nikos at tinawagan ang numero ni Cypher. Gulat na lamang ng lahat nang tumunog ang cellphone nito mula sa nakasarang drawer.

"What the? Track him." Utos ni Nikos at mabilis namang gumalaw ang kambal. Hinarap nila ang kani-kanilang laptop at hinanap ang lokasyon ng leader nila.



Nagising si Yaza nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Mabilis ngunit maingat itong umalis sa sofa kung saan tulog pa rin si Cypher. Pinulot niya ang cellphone sa lamesa at tinungo ang kusina.

"What is it, Yusue?" Tanong niya kay Yusue na siyang tumawag.

"Good morning too." Sarkastikong pagbati ni Mentos sa kabilang linya na nakikinig din pala.

"What is it?" Muling tanong ni Yaza bago nagmumog ng tubig. Nagkaroon naman ng hesitasyon ang mga Venenatus.

Nagsimulang uminom ng tubig si Yazafra habang hinihintay na may magsalita.

"Are you alone there?" Yusue.

Muntik ng maibuga ni Yaza ang iniinom smdahil sa tanong. Napaubo siya matapos lunokin ang tubig.

"What kind of question is that, Yusue? Oo naman." Sagot niya at binalingan ang pinto ng sala.

"Are you sure?" Kano.

"What is this call, Venenatus? Nakakasira ng umaga." Walang emosyong saad niya at ibinagsak ang baso sa countertop.

Naglabas naman ng nerbyos na tawa ang mga nasa kabilang linya.

"Ah hehe. Kasi..." Tinignan ni Yusue si DK kaya't ang huli ang nagsalita.

"A python called, saying their boss is missing." Walang emosyong saad nito.

"And?" Maang-maangan niya.

"And baka lang naman nandiyan." Walang preno naman si Mentos.

"You called the wrong number." Sagot niya at ibinaba na ang tawag.

"Ugh." Bigkas niya at napahawak sa kanyang sentido.

Nang magising naman si Cypher ay maliwanag na sa labas. Hanggang sa maamoy at marinig niyang may nagluluto sa kusina. Tinungo niya iyon.

Tama namang pinatay ni Yaza ang apoy nang makapasok siya sa kusina, hudyat na nakaluto na ito.

"Gising ka na pala. Dumiretso ka na sa dining area." Saad nito nang mapansin siya.

"I--I want to shower but...I didn't bring extra clothes." Nahihiyang sambit ng lalaki.

"Aah." Tumango-tango ito. Marami naman itong maluluwang na kasuotan.

Nang makaligo si Cypher ay tumungo na siya sa dining room ng bahay ni Mitch na nagmukhang business meeting room. Nakaupo na si Yaza at umiinom ng kape.

Napansin naman ng lalaki ang investigation board ni Yaza at nilapitan niya ito. Kinuha niya ang litrato ni Andros at binalingan si Yaza.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon