Chapter 33

528 45 15
                                    

Itinungo ni Danisha ang Pythons sa bawat kuwartong tutuluyan nila.

Magkasama ang kambal sa iisang kuwarto at ganon din kina Nikos at Min Jae.

Solo ni Cypher ang isang kuwarto na ipinagpapasalamat ng ibang Pythons dahil alam nilang ayaw na ayaw ni Venom na may kasama ito sa iisang kuwarto. Lalo na kung maingay.

Sa banyo, habang tumutulo mula sa shower head ang tubig kay Yaza, hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ang nasa isip ngayon ni Venom.

It was definitely her who saved him that night!

Kilala ni Yaza si Noch kaya't may alam siya sa mga galaw ng nasabing mafia boss ng Verde.

Pinatay niya ang shower, nagpunas ng sarili, at nagsuot ng damit. Lumabas siya ng banyo habang pinupunasan ang kanyang buhok. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at may kasama pang kidlat.

Hanggang sa makarinig siya ng ingay mula sa veranda. "Hmm?"

Bahagya niya itong nilapitan at doon naman may lumabas na pigura.

Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan habang humakbang naman palapit sa kanya si Cypher.

She could hear her heartbeat. Ganon din sa lalaki.

"Gusto kong itanong kung bakit ka nandito pero nasagot na iyon kanina. It was you, wasn't it?" seryosong tanong ng lalaki.

They're two feet apart. Ang tinutukoy nito ay ang misteryosong babaeng bumaba sa mismong gitna ng warehouse.

Hindi siya sumagot.

"I wasn't hallucinating. It was really you," saad nito at hindi na siya nagtatanong. Tuluyang lumapit si Cypher at kinuha ang tuwalya sa kanyang kamay.

Ito na ang nagpunas ng kanyang buhok at siya ay naging tahimik na lamang at hinahayaan ito.

Habang hawak ang tuwalya ay kinuyom ng lalaki ang kanyang magkabilang pisngi at inangat ito upang tumingin siya sa lalaki.

"Say something," he said in a deep yet soft voice. Napakalambot nito sa pandinig niya kaya't hindi niya maiwasang mamula.

Umiwas siya ng tingin at umalis sa kinatatayuan bago kinuha ang tuwalya sa kamay nito. Tumungo siya sa dulo ng higaan at naupo.

"Oo. Ako iyon. Ngayong alam mo na, bumalik ka na sa kuwarto mo," malamig niyang tuon bago itinuloy ang pagpupunas sa sariling buhok.

Hindi siya nakatingin sa lalaki.

Napangisi naman si Cypher at nilapitan ulit si Yaza. Inagaw nitong muli ang tuwalya at malugod na pinunasan ang buhok ng babae.

"Let me do it," bahagya itong nakangiti habang ginagawa iyon kaya't hindi maiwasang mapatingala ni Yaza at titigan ang mukha nito.

'He looks happy.'

Gulat na lamang ni Yaza nang biglang mawala ang ngiti ng lalaki. Napalitan ito ng seryosong ekspresyon at masamang tingin.

'Him and his mood swings.'

Nagtama ang tingin nila at bahagyang itinulak ni Cypher si Yaza pahiga. He casually trapped her with his knees on both sides of her body.

"Venom," bigkas niya at sinalubong ng masamang tingin ang lalaki.

"I heard something I didn't like back there. Your mother is setting you up with someone? Um-oo ka?"

Naalala naman ni Yaza ang sinabi ng kanyang ina. Even she doesn't know what her mother was talking about. Ni minsan hindi iyon binigkas ng kanyang ina sa kanya.

"Hindi ko alam iyon. At wala rin akong plano," kunot-noong sagot niya at doon naman lumambot ulit ang ekspresyon ng lalaki. His serious face vanished but a grin appeared on his lips.

Binaba ni Cypher ang sarili at itinapat ang labi sa tenga ni Yaza.

"Then be with me," bigkas nito bago kinagat ang tenga ng babae. The physical stimulus made her pushed him off the bed before sitting up while touching her ear.

Natawa ng mahina si Cypher bago umupo sa gilid ng higaan, sa tabi ni Yaza.

"Huwag mo ako ginaganon, Venom. Baka sa bintana kita maitulak."

"So you want me to do something else?" Ngisi nito kaya't sinampal niya ito sa likod.

"Hindi ganon ang ibig kong sabihin!"

"Winawala mo ang usapan," sunod na saad ng lalaki sa mababang tono. Naalala naman niya ang sinabi nito bago siya nito kinagat sa tenga.

Napabuga siya ng hangin bago nagsalita, "You're more professional than me, Venom. Alam mong hindi pwede. At kung hindi ka nasasayangan sa buhay na binuwis mo dito, ako ang nasasayangan para sa'yo. You're an ace in this industry. You can't just waste that and throw it out for some stupid romance."

Hinarap siya ni Cypher at tinitigan sa mga mata. "Then tell me, is the rule the only thing that's holding you back? Or is it me? I want you to be honest with me, Yaza. Lulubayan kita kung ako mismo ang ayaw mo."

"At kung sinabi kong ayaw ko sa'yo?" tanong niya.

Napaisip naman ang lalaki.
'Does she really want me to leave her alone? Well then...heck no.'

"Of course, I'll do what I'm bound to do. Lulubayan kita." Pareho silang natahimik ng ilang segundo.

'Is that the answer she was looking for? But that's not the answer I want to say.'

"Pero babalik din," bigkas ni Cypher nang hindi na mapigilan ang sarili kahit gusto niyang umaktong may pride.

Bumaling si Yaza sa lalaki at nakita ang kunot-noong ekspresyon nito.

Then his eyes met hers. "Kung hindi mo ako gusto, that's okay. That's normal. I'll leave and come back to court you again and again if you say no. Until we're on the same page."

'He said that without batting an eye.'

"Yaza, I want to hear your answer for now," maingat na tuloy ng lalaki, tinutukoy nito ang unang tanong.

Napayuko na lamang si Yazafra at sumagot nang purong katotohanan, "Yes. Just the rule."

Bahagyang nagulat si Cypher sa kanyang sagot."Nerium..." Nakahinga ito ng maluwag sa narinig. She just admitted something he never imagined she would.

Umupo ang lalaki sa sahig at sumandal sa higaan ni Yaza bago nagsalita ulit. "Give me your hand."

Walang sali-salitang inilahad ng babae ang kanyang kamay at inakay naman siya nito paupo sa kanyang kandungan.

Hindi na napigilan ni Yaza ang sarili at sumandal sa dibdib ni Cypher at napapikit. 'He's warm.'

His hands supported her, holding her like she's the most precious thing.

"Then let's keep this a secret," he said in a soft voice as he carressed her still wet hair. Napangiti ito nang maramdaman ang pagtango ni Yaza sa kanyang dibdib.

The atmosphere was just right for them. The rain was heavy and the room was cold but they could only feel the warmth and comfort.

"Sneaking into a lady's room is a bad habit, Mr. Venom." Sabay na napatingin ang dalawa sa nakasarang pintuan nang marinig ang boses ni Danisha Loverde sa labas.

Nakaramdam ng kaba si Cypher at akmang tatayo na pero pinigilan siya ni Yaza. "But--"

Umiling lamang ang babae bago ito bumalik sa pagkakasandal sa dibdib ni Cypher.

"That's just her assumption talking," mahinang bigkas ni Yazafra.

Nawala naman ang kaba ng huli.

Mabilis niyang nakalimutan si Danisha at tinuon na lamang ang atensyon kay Yaza na malapit nang makatulog.

He could literally forget his cold façade and look at this woman with the warmest eyes. He is also proud he managed to see this gentle side of Nerium.

'She likes me back.' He smiled at the thought.

Who knew getting close to the so called most poisonous flower could entoxicate him this bad? But for a whole different reason.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon