"Alam ba ng mga kasamahan mo na kasama ka namin ngayon?" Tanong ni Gideon nang kunin ang baril kay Yaza.
"Hindi. Inatasan ako mag-isa dahil may ibang misyon na gagawin ang mga kasama ko." Sagot niya.
"Rinig ko ay apat na lalaki ang mga kasamahan mo?" Pagsingit ni Andros at sinulyapan si Gideon.
"Pinag-uusapan niyo ba ako patalikod?" Taas kilay na tanong ni Yaza sa kanila. Sinamaan naman ng tingin ni Gideon si Andros dahil pinahalata niyang pinag-usapan nila ang babae.
"Mabuti naman at hindi mo sila kasama. Paniguradong mas malaking problema iyon para sa akin." Ngumisi si Andros kaya't binalingan siya ng babae.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman..." Nakangiti lamang ang lalaki.
Ngumisi rin si Yaza ng kakaiba at umaktong magku-kwento. "Ah. Naalala ko tuloy. Walang mga nobya ang mga kasamahan ko dahil inuuna nilang tinutugis ang mga lalaking lumalapit sa akin."
Namilog naman ang mga mata ng dalawang lalaki. Hindi makapaniwalang tinignan nina Andros at Gideon ang nakangiting babae.
"Nakakatuwa yon?" Tanong ni Gideon na hindi talaga makapaniwala.
"Oo naman. Dahil hindi ko na pino-problema." Sinabi lang naman iyon ni Yaza para hindi mapanatag ang loob ni Andros sa kanya.
"Nagugutom ako. Tara na." Walang buhay na bigkas ni Andros at tumayo paalis.
'It worked.' Yaza.
"Ikaw ay mapanakit, Miss Nerium. Ayaw mo man lang bang bigyan ng tyansa ang aking boss?" Tanong ni Gideon.
Alam ni Yaza na alam ni Gideon na sinabi lang niya iyon para iwasan siya ng binatang Rodrigo.
"Walang gusto ang boss mo sa akin, Gideon. Halata naman."
Umiling ang huli sa kanya. "Hindi ko rin alam kung paanong linalapit-lapitan ka niya bagama't ilang araw pa lang ang lumipas noong una kayong nagkita."
Napansin ni Gideon na napaisip si Nerium kaya't nagsalita ulit siya. "Oh baka naman may iba ng laman ang puso mo?" Maingat na tanong niya at gulat na lamang niya nang tignan siya ng masama ng babae.
"Wala akong panahon sa mga ganitong topiko, Gideon." Sagot ni Yaza at umalis.
Sumakay sa pribadong yate sina Andros at Yazafra. Kasunod ng mga ito ang kanilang mga tauhan at security.
"Andros!" Bati ng isang maarteng boses. Nakuha naman nito ang atensyon nilang dalawa.
"Tita Fei! Still gorgeous ey? Happy birthday." Bati pabalik ni Andros at niyakap ang kaibigan ng matagal ng pumanaw na ina. Kasunod nito ang asawa na si Paterno.
"Tito." Bati rin ni Andros sa kanya at nagtanguan ang dalawa.
"At sino naman ito?" Ngiting tanong nung Fei, tinutukoy nito si Yaza.
Napag-usapan na nila ito kanina ni Andros. Ipapakilala siya ng lalaki sa kahit anong titulo wag lang ang salitang 'kasintahan.'
Hinawakan siya ng lalaki sa beywang at hinigit palapit. "She's Nerium nga pala. Girlfriend ko." Ngiting pagpapakilala nito.
'What?'
"Really? Kaya ba madali kang naka-move on sa nangyari kay John?" Nilapitan ni Fei si Nerium at hinawakan sa kamay. "Aww. Mabuti naman at nasa tabi ka ni Andros ngayon. Salamat!" Pagpapasalamat ni Fei.
Awkward namang napangiti si Yaza bago binalingan si Andros. Napunta sa likod ng lalaki ang isang kamay niya at kinurot ito.
"Aw!" Bigkas ng lalaki at napalayo.

BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
Fiksi UmumYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...