Chapter 31

514 38 1
                                    

"Agh!"

Muling sinipa ni Adrik si Venom sa kanyang tiyan. Nakataas ang dalawang kamay niya at halos lumabas na ang kaniyang mga ugat. Nakatali ang bawat pulsuan niya sa magkabilang metal sa kanyang likuran habang nakaluhod. Tumutulo na rin ang dugo sa kaniyang mukha at bibig.

Si Min Jae ay duguan na din at walang malay sa loob ng cube na kinaroroonan nila kanina.

"Still not talking?" inis na sambit ni Adrik at sinuntok siya sa mukha. Dumura siya ng dugo pero hindi pa rin nagsalita.

Gustong malaman ni Adrik kung sino ang mga ito at kung kanino sila nagtatrabaho. Ngunit sadyang tikom ang bibig ng dalawang Pythons kahit gaano na kalala ang natamo nila.

"You can just kill me, stupid. My mouth is shut as hell." Pagngisi ni Cypher at umismid pa.

"No, no. Why would I? When I can just torture you your whole life?" Balik naman ni Adrik at umupo sa de-kahoy na upuan sa kaniyang harapan. Nakangisi ito pero bakas ang iritasyon sa mukha.

"Give me my gun," sunod ay utos nito sa kaniyang tauhan. Agad namang ibinigay ng huli ang hinihingi. Ikinasa ni Adrik ang kanyang baril at itinutok sa kanya.

"I wanted to keep you alive but you're giving me no choice. I'll just shoot your body with my bullets and let you die of massive blood loss," malamig na tuon nito at binaril siya pero hindi siya nito tinamaan.

Nabilib ang nga Verde sa kanilang boss dahil base sa direksyon ng baril nito ay talagang matatamaan si Cypher pero hindi iyon nangyari.

Alam agad ng huli na sinasadya ito ni Adrik para takutin siya. Mabigat lang ang kaniyang paghinga pero hindi siya gumalaw.

Hindi magawang matuwa ng boss ng mga Verde dahil wala man lang bahid ng takot sa mga mata ng nasa kaniyang harapan. Kaya'g naglabas ito ng sarkastikong tawa.

"You're a damn crazy bastard." Pag-iling nito.

"Are you really sure you want to keep me alive?" wika ng nahihirapang huminga na si Cypher.

Tinaasan siya ng kilay ni Adrik.

"Then that's your very first mistake." Tumawa ng malakas ang mafia boss sa kaniyang sinabi.

"You think you can do something with that state of yours?" Adrik.

Napangisi siya. "I can't. But why don't you call your friend?" Kumunot ang noo ni Adrik. "Remin, isn't it?" tuloy niya at dinura ulit ang sariling dugo.

Sa katotohanan ay nauna nilang natapos ang base ni Remin Aleksandr Karimov.

Kumunot ang noo ng mafia boss. 'Just what does he mean by that?' isip nito pero ayaw nitong kumpirmahin dahil sa kanyang pride. Remin is a ruthless torturer. Killing him would be impossible.

Hanggang sa may nagmamadaling Verde ang lumapit kay Adrik galing sa labas.

"Boss! The Toro building was bombed, completely shattered! The eastern base is being attacked and Remin..." hindi nito maituloy ang sinasabi.

Bumaling naman agad si Adrik sa kanya nang marinig ang pangalan ni Remin. Mabilis siyang nilapitan nito at hinila sa kuwelyo patayo.

"Remin is what!?" matigas na tanong nito sa tauhan pero sa kanya ito nakatingin. Ngumisi na lamang siya.

"Remin is dead."

Nabitawan ni Adrik si Cypher kaya't bumagsak ulit ito sa sahig.

"You wasted your precious time dealing with us so now it's your loss," wika niya sa nanghihinang tono.

Nagdilim ang paningin ng mafia boss. Kinuha nito muli ang baril at itinutok sa kanya habang siya ay nakayuko.

"If there are others out there like you then I don't need you anymore."

Bago pa nito makalbit ang baril ay nakarinig sila ng mababang tono na putok ng baril. Naguluhan na lamang si Cypher nang may tumulong dugo sa kanyang harapan. Pagtaas ng kanyang paningin ay kasabay ng pagkahulog ni Adrik sa sahig. Ang tulo ng dugo ay galing sa noo nito. With a headshot, he's dead.

The Verdes were left horrified.
Mabilis na napalingon-lingon ang lahat. May mga Verde rin na nagpaputok sa kung saan tingin nila ay nanggaling ang bala.

"Just in time," wika ni Cypher pero nagulat siya ng makarinig ng mga lata na inihulog sa sahig. Nang umangat ang kanyang tingin ay napansin niya ang isang pigurang dumaan sa taas.

Pigura ng isang babae.

Hanggang sa may lumabas na usok sa mga lata na iyon at mabilis na kumalat sa loob ng warehouse.

Maraming napaubo sa kapal ng usok at marami ang nagbababaril pa rin sa kung saan. Meron ding sumubok na lumabas at tumakas pero ang malaking pintuan ay hindi na nila mabuksan.

Hanggang sa mawalan ng malay ang lahat ng mga Verde at kasama na doon si Cypher.

Nang mawala ng husto ang usok ay tahimik na bumaba ang isang pigura sa gitna ng warehouse gamit ang isang makapal na tali. Mula ulo hanggang paa ay nakaitim ito.

Nakasuot ito ng kasuotan na hapit sa kanyang katawan. Her face was also covered with a black cloth.

Inisa-isa nitong binaril ang mga nakahandusay na Verde bago nalapitan ang duguan at walang malay na si Cypher. Tinignan niya ang lalaki na may pag-aalala sa mga mata.

"If I was one minute late, you'd be dead by now," wika ng babae at hinawakan sa pisngi si Venom.


[Volcov Headquarters -
Private Hospital]

"A mysterious woman? That's interesting," komento ni Drake.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Cypher. Nasa pribadong ospital ng Volcov Headquarters ang mga Pythons.

Isang araw na ang lumipas at nagpapagaling pa sina Cypher at Min Jae.

"But no kidding, pagdating namin sa warehouse ay patay na ang mga Verde at nakahandusay ka lang din sa sahig at walang malay," saad ni Draco.

"Who is she? A good samaritan? Why would she hide herself?" Nikos.

May ideya si Cypher pero imposible. Malakas ang kutob niya dahil nagtama ang tingin nila ng misteryosong estranghera.

Napa-iling siya.

"Anong nasa isip mo?" Tanong ni Draco nang mapansin siya nito.

"Are you thinking she could be Nerium?" Napabaling ang lahat sa tanong ni Nikos. Hindi nagsalita si Cypher.

Si Drake naman ay natawa.
"As if! Lilipad si Nerium dito mula Pilipinas? Haha. Si Cypher lang ata kayang gumawa non--aray!" Binato ni Cypher si Drake ng cellphone.

"I met her eyes," maikling bigkas ni Cypher bago umiwas ng tingin.

Umismid naman si Drake pero hindi nagsalita dahil baka batuhin lang siya ulit.

Si Draco ang nagsalita. "It's still impossible, Venom. The Volkovs are in Japan. The Venenatus are in the Philippines. Baka-"

"Hallucination," bulong ni Drake.

"Hallucinati--dude shut up!" Galit na bulyaw ni Draco kay Drake nang masabi niya ang ibinulong ng kakambal. Natawa naman ang huli.

Napabuga ng hangin si Cypher at napatingin sa may bintana. Nahulog na naman ito sa malalim na pag-iisip.

'Should I call her? I had a good feeling it was her. But the Morfells have a point, maybe it was just my hallucination. Do I wish to see her face that much?'

"Tulog pa rin yan?" Tanong naman ni Drake sabay turo kay Min Jae na natutulog sa kabilang higaan.

"I'm trying Morfell. Manahimik ka kasi," malamig na tuon ng nakapikit na si Min Jae.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon