Chapter 8

856 65 6
                                    

"Make me."

Kumunot naman ang noo ni Yaza sa narinig. 'Make me? Anong make me!?'

"What's your condition, Markow?" inip na tanong ni Yazafra. Tumayo naman ang lalaki at nilapitan siya.

Napalunok si Yaza nang hindi niya namamalayan. Nilapitan siya ng lalaki nang husto at ngayon ay nakahawak na sa headrest ang isang kamay nito. Umiwas ng tingin si Yaza habang ang lalaki ay matiim itong tinitigan.

"In exchange for a valuable information, allow me to disturb you anytime I want."

Kumunot ang noo ni Yaza. "What?" tanong nito at sinalubong ang tingin ni Cypher. Hindi agad pumasok sa isip niya ang sinabi nito.

"You know what I mean, Nerium." ngisi ng lalaki bago lumayo sa kanya.

Itinulak pabukas ng lalaki ang bintana. Binalingan pa niya si Yaza bago tumalon palabas.

Tinungo ni Yaza ang bintana at tumingin sa baba. Kaswal namang naglalakad na palayo ang lalaki.

Napahawak sa dibdib niya si Yaza.

'Ba't ako kinakabahan?'

Buong gabing pinag-isipan ni Yaza ang huling sinabi ni Cypher. 'Anong gusto mong iparating, Venom?'



"Hello agents. It's the day we've been waiting for." bati ng nakangising si Izumi Fontel. Nakatayo ito sa de-kahoy na entablado at nakahawak ng mic. Nakaharap ito sa maraming bilang ng agents at sa likod niya ay nakatayo ang ibang Volkovs.

All of them were wearing their dark brown training clothes uniform. May logo sila sa kanilang left chest pocket.

Nasa kalagitnaan sila ng isla, ang Selliano Island. Sila ay nasa gubat kung saan ginaganap ang training nila taon taon. Nakadepende na lang sa 'mastermind' kung anong klase ng training ang mangyayari. Pwede silang palanguyin sa dagat at pahuliin ng kakaibang isda kung gusto ng mastermind.

Kaya ngisi pa lang ni Izumi ay ramdam na ng mga agents ang kaba at pagod.

"ALRIGHT! Heads up people! It's just the first day and you already look tired!?" sigaw ni Izumi sa mababa ngunit malakas na tono.

"NO SIR!" gulat na sigaw ng mga agents nang makita ang nakakamatay na tingin nito. Wala na ang pagod na mga mukha nila pero bahid ng takot ang meron.

"ATTENTION!" seryosong sigaw ulit nito at lahat ng agents ay nagsitayuan ng maayos. Mabilis din silang naglinyahan, may mga hinihila ang mga kasama nila at may nagkakabanggaan pa para lang makapuwesto. Nang maayos ang linya ay nagsalita ulit si Izumi.

"I WANT YOU ALL TO SQUEEZE YOUR SWEATS FOR THIS TRAINING. IF YOU DON'T, I'LL EVALUATE YOU MYSELF. UNDERSTOOD!?"

"YES! MEM!" Agents.

"Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko." mahinang komento ni Mentos na rinig ng dalawang guild. Nasa gilid ng stage ang mga Venenatus at sa likod nila ay ang mga Pythons.


"LET'S GO!" agresibong sigaw ni Noxious nang matapos mai-explain lahat ng rules at masabi ang lahat ng announcements.

Sa mismong lugar kung saan sila ay ang tinatawag nilang housing village. De-kahoy lahat ng establisyemento dito at tatlo sa mga ito ay ang mga malalawak na cabins na tutulugan ng lahat ng agents. Ang isang building naman ay ang gathering hall, ang isa pa ay isang gym at ang isa ay ang officer's cabin kung saan nagmi-meeting ang mga higher ups.

Sa palibot ng housing village na ito ay ang tinatawag nilang Ring of Survival pero mas kilala ng mga agents bilang Deadly Circle.

Sa bird's eye view, nasa gitna ang housing village at napapalibutan ito ng paikot na marami at iba't ibang obstacle course. Taon-taon, sa unang araw ng training week,  ito ang unang aktibidad ng mga agents, ang maikot at malagpasan ang bawat obstacle training course sa circle na ito.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon