Chapter 46

365 14 0
                                    


"South border. Vehicle under inspection," mahinang bigkas ni Kano sa kanyang earpiece. Ang mga Venenatus ay nasa sulok ng isa sa maraming truck kung saan nakatago rin ang ibang guilds.

Kalmadong nakaupo at nakasandal sa  gilid ang apat maliban kay Kano. Tahimik at pinapakiramdaman nila ang mga bantay na Verde sa labas ng kanilang kinaroroonan. Nawala ang tensyon nang umandar na ang truck paharap.

"Inspection over. We are inside the premises," pagrereport muli ni Kano.

Tinignan ni Mentos ang kanyang relo. 2:53 AM.

Kumunot ang noo ni Yusue at napasinghot. Muli itong suminghot hanggang mapabaling ito kay Yazafra na nasa kanyang tabi. Tinapunan naman ito ng nagtatakang tingin ni Yaza bago inilayo ng konti ang sarili. Ang lahat ay sa kanilang dalawa na nakatingin.

"You smell different," inosenteng komento ni Yusue.

"What, different?" Mabilis na bigkas ni Yaza na umani ng kuryusidad mula sa apat na Venenatus. "I mean, what do you mean I smell different?" sunod niyang sabi sa normal niyang tono.

Muli namang lumapit sa kanya si Yusue. "You do," sabi nito at inamuy muli siya sa balikat. "And this scent is kinda familiar."

"Woah," bigkas ni DK at akmang lalapitan din sana si Yaza para amuyin pero mabilis siyang tumayo at umiwas.

"The hell are you doing?" Mahinang bulyaw niya sa apat. Itinaas naman ni Kano ang kanyang dalawang kamay na tila sinasabing I'm-not-doing-anything. Unti-unti namang bumalik sa kanyang kinauupuan si DK.

"Hindi ka umuwi kagabi, right?" Tanong ni Mentos. Siniko naman siya ni DK at binulongan ng, "English, english!"

"Where were you?" Nakangising tanong ni Mentos, halatang ginigisa siya.

"Are you seeing someone, Yaz?" Tanong na rin ni Kano.

Tinapunan ni Yaza ng nakakamatay na titig ang apat. "Enough with the assumptions. I have my grandfather's home, remember? And I just used a different perfume," she lied. She slept out on someone's condominium last night and is now wearing his black shirt.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa gitna nilang lima.

"Alright, can we talk about your body language just now?" Kaswal na komento ni Mentos habang nakataas ang kilay.

"You don't use perfume," direktang saad naman ni Yusue kay Yazafra na parang batang inosente na sinasabi lamang ang nakikita. Muling natahimik ang lahat hanggang sa muling magsalita si Yusue.
"Yes, you don't. You said perfumes irritate you--" Naputol ang sasabihin nito nang huminto na ang truck, senyas na magsisimula na ang pangalawag parte ng kanilang misyon. Naging seryoso ang mga Venenatus na tila hindi sila nagkaroon ng kaswal na pag-uusap kanina lamang.

Si Yaza ay pinulot na ang kanyang gas mask. 'I have to kill Yusue,' komento niya sa kanyang isipan bago isinuot ito at hinanda ang sarili.

Paglingon niya ay magkakaharap na silang lima.

"We go as plan. And...don't die Venenatus," seryosong utos ni Kano at itinaas ang nakakuyom na kamay sa gitna nila. Ganon din ang ginawa ng apat at pinagsalubong ang kanilang mga kamao, bagay na kanilang ginagawa bago magkakahiwalay at magsisimula na ang misyon.






Bilang parte ng kanyang pagpapanggap, kaswal na nagsindi ng sigarilyo si Venom. Nakatayo siya ngayon sa harapan ng tila trono ni Gennady, nakasuot ng magarang dark blue suit at malinis na nakaayos ang buhok. Sa kanyang likuran ay nakatayo ang nagpapanggap na right hand niya na si Nikos at ang iba pang Pythons bilang tauhan. Marami namang Verde ang nakapaligid sa kanila.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon