Chapter 12

756 67 4
                                    

Sa pangalawang araw ng training week. 

Nang matapos ang warm-up ng mga agents sa pang-umaga, nag-anunsiyo ulit si Izumi Fontel."Okay listen up agents! Here to remind you the collaborative duo training later. So find a partner as soon as you can. No repitition of partners from the last years. I repeat, do not have a partner whom you have already collaborated before. Understood!?" 

"YES, MEM!"

Sa mga oras na ito ay ang kanilang break. Kung saan nasa kanila ang oras. Kaya naman nagkalat ang mga agents sa housing village na may kanya-kanyang ginagawa.

May mga kumakain, may mga nag-eensayo pa din, may naglalarong grupo ng target shooting hindi na lang ng kutsilyo kundi pati mga baril, meron din mga naglalakad lang at meron namang nag-uusap lang.

Ngunit ang break nilang iyon ay nagsisilbing oras ng paghahanap ng ka-partner mo para sa collaborative training.

"Nikos! Be my partner!" sigaw ni Maxim. Tumango naman si Nikos Dmietriev.

"Ikaw talaga Max! Pag iyan nalaman ni Chaz." paalala ni Izumi bago umalis ulit dahil maraming pinagkakaabalahan.

Nasa iisang banda ang tatlong guild. Ang iba ay nagsasalo sa lamesa at ang iba naman ay kaswal na nag-uusap. Pero ang iba rin ay umalis para maghanap ng partner lalo na ang mga lalaking Venenatus.

Sa isang tabi ay tulala si Yaza at nakasandal lang sa may pader ng cabin. Iniisip niya pa rin ang mga sinabi ni Cypher kaninang madaling araw.

Ngunit sa isang tabi rin ay may dumating na dalawang lalaking agents na parehong Pilipino din. Nang makita si Yazafra ay agad silang nagkilbitan.

"Kita mo yun, bro? Si Nerium!"

"Ang ganda niya kahit tulala!"

"Kunin mo na ang chance na 'to para makapartner siya sa training!"

"Eh, parang nakakahiya! Paano kung ma-reject ako?"

"Bro, walang mawawala sayo! Malay mo!"

"Luh, nakakahiya!"

"Tsk! Bro, walang pakialam mga yan sa training. Alam mo namang noong nakaraang taon eh kumain lang sila ni Poison sa gubat ng binaon nilang manok. Pero sa huli, pang-siyam pa rin sila sa may pinakaraming bilang na nahuli."

Napalunok naman yung kasama niya. "Ang ganda niya talaga. Sige brad, lalapitan ko na."

Lalapit na sana talaga ang lalaking agent pero nahila agad siya nung kasama niya nang may pigurang tumayo sa harap nila at tinakpan ang kinaroroonan ni Yazafra.

Bumaling sa kanila si Cypher na may nakakamatay na tingin. Agad nag-unahang umalis ang dalawang lalaki. "Bro, umalis na tayo! Si Venom iyon!"

"Sabi ko nga!"

Napairap pa si Cypher bago lumapit sa ibang high-ranking agents.

"Grabe ka naman Cy, hindi mo man lang binigyan ng tyansang makalapit yung mga iyon. Naglakas-loob pa sila oh," komento ni Max dahil napanood ng lahat ang nangyari.

"Shut up," walang emosyong sagot ni Cypher na tinawanan lang ni Maxim. Pati ang iba ay hindi rin maiwasang matawa.

"Oi!" Sigaw ni Cypher sa direksyon ni Yaza kaya't gulat na napabaling ang babae sa kanila dahil kanina ay tulala pa rin ito.

Sinamaan naman ni Yaza ng tingin ang lalaki. "What," kunot-noong balik nito.

"Nothing," sagot ng lalaki at umiwas na ng tingin.

'What the?' Yaza.

Bigla namang dumating si Ferocious. "Sino pa walang ka-duo sa inyo?"

Nagtinginan naman ang lahat. "Partner ko si Nikos," sagot ni Maxim.

"I already have one." Mitch.

"Someone asked me to be their partner kanina. So yeah, meron na." Fire.

"Si Mitch," sagot naman ni Min jae.

"May naglakas loob ding lapitan ako kanina, so yeah, meron na din." Pagngisi ni Draco, tuwang-tuwa dahil may babaeng agent na nilapitan siya.

"Cy?" Tanong ni Ferocious kaya't napunta kay Cypher ang tingin ng lahat.

Bigla namang tumawa si Maxim. "Naku Vii, ikaw kaya magset-up sa kanya. Wala siyang lakas loob na ayain si Yaz," binulong ni Maxim ang huling pangungusap para hindi marinig ni Yaza na medyo malapit sa kanila.

Napa-iling naman si Ferocious. "Tsk, tsk, tsk. Nerium!" tawag niya kay Yaza habang nakatingin kay Cypher.

"Oh?" balik ni Yazafra.

"Have you found a partner?" tanong ni Ferocious kaya't mainam na nakinig ang lahat sa isasagot ni Nerium.

"Wala." Nakahinga naman ng maluwag ang lahat. Lalo na si Cypher.

"Oh, no. Since partner mo noon si Kano and naging partner ko na rin si Cypher. Exchange na lang tayo," kaswal na suhestiyon ni Ferocious. Kita naman ng lahat ang pagiging tense ni Cypher sa gilid.

'You look nervous, Venom,' isip ni Min Jae pero wala siyang lakas loob na sabihin ito ng malakas.

"You look nervous, Venom," ngisi ni Mitch kaya't sinamaan siya ng tingin ni Cypher. Nagulat naman si Min Jae nang marinig ang kanyang iniisip.

"Okay," kaswal na sagot ni Yaza.

"Yes!" Tuwang-tuwang bigkas ni Maxim at nakipag-high five pa kay Draco.

Napangisi na rin si Ferocious at itinaas ang kamao sa harap ni Cypher.
Tinitigan iyon ng lalaki. Hanggang sa unti-unti na ring itinaas ni Cypher ang kamay at nakipag-fist bump kay Vii.

Mas lalong nagulat ang mga Pythons na nandoon dahil ni minsan ay hindi nakipag-fist bump si Venom sa kanila.



"So here's the game. Hunt agents as much as you can..." pagsasalita ni Izumi sa harap. Lahat ng mga agents ay katabi na ang mga partner nila sa collaborative duo training, ka-guild man nila ito o hindi.

"Last year was a necklace, right? This year, we'll bring back the ribbons. One ribbon will be given per pair so one of you must have it. But this time, every ribbon must be tied only twice. I repeat, RIBBONS ARE NOT TO BE TIED VERY TIGHT. Why? We'll make it easy to get, let's see how far you can go to protect your little precious and vulnerable ribbons," ngisi ni Izumi.

Marami ang napa-isip kung paano nila po-protektahan ang mga ribbon nila. Paramihan ito ng makukuha na ribbon.

A ribbon is an easy target. Kahit saan mo ito itali sa katawan, madali itong kunin lalo na't nasa rule na dalawang beses lamang ito dapat itali. Izumi is trying to build their capability to protect even the most vulnerable thing.

Ang lahat ay nabigyan ng ribbon at ang lahat ay iba't-iba ang kulay. Marami sila kaya pati shade ng kulay ay magkakaiba.

"You wear it. I'll protect you," kaswal na saad ni Cypher at inabot kay Yaza ang ribbon nilang deep pink.

Kinuha naman ng babae ang ribbon at itatali sana sa beywang pero pinigilan siya ni Cypher. "What the?"

"What?" Naguguluhang tanong ni Yaza.

"Don't put it around your waist! They could touch you elsewhere while trying to get it from you," sagot ng lalaki. Kumunot naman ang noo ni Yaza. Inirapan lang siya ni Cypher at inagaw ang ribbon sa kamay ng babae.

Pumunta sa likod ni Yaza ang lalaki at naramdaman na lamang niya ang kamay nito sa buhok niya kaya't lumingon siya agad para umiwas. "Don't touch my hair--"

Hinila siya ni Cypher at wala nang nagawa si Yaza nang itali nito ang ribbon sa naka-ponytail niyang buhok.

"You don't like people touching your hair so it's better to put it here."

Yaza could only pout.

Sa paligid ay pinagtitinginan ang dalawa. Ang iba ay iniisip na magkasintahan ang dalawa pero karamihan ay natatakot dahil magka-duo ang dalawang walang sinasanto.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon