Chapter 4

1K 75 2
                                    

"Come with us. It's a girls' night out."

Bumaling naman ang ibang Venenatus kay Yazafra, na parang sinasabing huwag siya sumama. Tama si Maxim, they're being protective.

"Sure," sagot ni Yaza. Napangisi naman si Mitch Yen Kwon nang makita ang reaksyon ng mga Venenatus. Nawala na lang ang ngisi nito nang makitang pati si Cypher ay ganoon din ang mukha. 'What a new behavior you have there, Venom.'

"Cy, you look solemn," biglang komento ni Mitch kaya't napunta ang atensyon ng lahat kay Cypher.

Bumalik naman ang walang kaemo-emosyong mukha ng lalaki.

"What do you mean?" he asked.

Nagkibit balikat naman si Mitch.
"I don't know. I thought you were one of the Venenatus for a moment," binulong ni Mitch ang kanyang huling pangungusap kaya si Zayumi at Maxim lang ang nakarinig.

"Manahimik ka, Mitch. Halata nating lahat," ngiting bulong din ni Zayumi Violet.

Noong nasa gathering place pa sila ay halata na ng mga Volkovs ang mga aksyon ni Cypher na talaga namang halata dahil bago ito sa paningin nila.

Una, nahuli nila itong nakatingin lang kay Yazafra sa buong paga-anunsiyo ni Zacharius Volcov. Pangalawa, laging nagpapahuli sa paglalakad si Cypher pero inunahan niya ang ibang Pythons ngayon sa pag-upo at sa tabi pa ng babaeng Venenatus. Pangatlo, parehas ng reaksyon sina Kano at Cypher nang marinig ang pag-imbita ni Maxim kay Yaza dahil alam nilang bar na naman ang plano ni Maxim.

"I'm sorry, Volkovs. Pero kailangan namin ng pahinga ngayon. Maaga ang misyon namin bukas," pagsingit ni Kano.

"Why are you so against it, Kano? Let Yaza have a little fun," pagsingit din ni Mr. Volcov. Natahimik naman ang lalaki.

Napangisi na lang si Yaza. Hindi niya inaasahan na pati si Mr. Volcov ay sasang-ayon sa pakulo ni Maxim.

"I'll come. Don't worry," saad ni Yaza at doon na natapos ang usapan na iyon.

"Oh! By the way, as usual, you'll all be relocated after the training week. The Volkovs will go to Japan, Pythons will stay here and Venenatus will be Philippines," anunsiyo ni Mr. Volcov. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Ferocious.

"What? We'll swap with the Venenatus--"

"No, Vii. That is final. If you insist on going to the Philippines, I will--"

"You will what!"

Hindi na pinansin ng lahat ang bangayan nina Zayumi at Mr. Volcov dahil sanay na sila kaya't nagtuloy na lamang ang mga ito sa pagkain.

Nang matapos silang kumain ay unti-unting umalis ang mga agents. Maliban kay Yazafra na ibig kausapin si Mr. Volcov na hanggang ngayon ay nakaupo sa gitna.

Nang wala na ang lahat ay doon lamang sila nagsimulang mag-usap.

"Vnuchka (Granddaughter), your mother wants to see you. Visit her when you have time," kaswal na saad ni Mr. Volcov sa apo.

"I will," sagot ni Yaza.

"Now what do you wanna say?" sunod na tanong ng matanda sabay inom ng kanyang tubig.

"I want to know about our mission in advance."

Napa-isip naman si Mr. Volcov. "Well, the Volkovs had already unexpectedly solved the major problems there so your missions will be minors."

"Why Philippines, dedushka? (Grandfather) You never wanted me to leave before. Why are the Pythons staying here instead of being relocated? They are always relocated out of Russia. I find it strange, dedushka," seryosong saad ni Yaza sa kanyang lolo na may suspisyon sa tono.

Napangisi naman si Zacharius sa pagiging mautak ng apo. Hindi talaga papalampasin ni Nerium ang kahit anong napapansin niya.

"Whatever your suspicions are, you're right. We have a bigger problem here and I could only trust Venom on this," seryosong sagot ng matanda.

"And you can't trust me?" walang emosyong balik ni Yazafra.

Magsasalita sana si Zacharius pero wala ding lumabas.

"You're hiding something from me, I know it. If you don't tell me what's really happening dedushka, I will never visit home," malamig na tuon niya at tumayo na.

Paglabas ni Yaza sa pinto ay may taong nakasandal sa pader malapit sa pintuan.

'Ba't ko ba laging nakikita ang taong 'to ngayon?'

"He's protecting you from something worse," kaswal na bigkas ni Cypher kahit hindi ito nakatingin kay Yaza.

"I don't want to be protected," balik ng babae. "If he's sending me to the Philippines to protect me, then why the hell did I became an agent in the first place?" walang emosyong saad nito at nagsimulang lumakad paalis.

Habang naglalakad ay ramdam niya ang mga yapak ng lalaki sa kanyang likod. Nang tumigil siya sa paglalakad ay tumigil din ang mga yapak nito.

Nang lumingon si Yaza ay nakita niyang nakatayo si Cypher at nakatingin sa kanyang kanang direksyon.

Tumuloy siya sa paglalakad at narinig naman niyang nagtuloy din sa paglalakad si Cypher. Nang tumigil ulit siya ay tumigil din ang huli.

Paglingon niya ay nakatingin na sa kanya ang lalaki.

"Mauna ka nga," utos ni Yaza. Ngumisi naman ang lalaki bago naunang maglakad.

Magkasunod silang naglalakad paalis pero kalaunan ay magkasabay na dahil binagalan ni Cypher ang kanyang paghakbang.

Sa likod ng dalawa ay tama namang nakita sila ni Draco Morfell, ang isa sa kambal. Ngumisi ang lalaki bago tahimik na nilapitan ang dalawa.

Hahawak na sana siya sa kanang balikat ni Yaza at sa kaliwang balikat rin ni Cypher pero hindi pa dumadapo ang kamay niya ay pinaikot agad siya ni Yaza at ibinalibag. Ramdam ni Draco ang paglipad niya sa ere.

"AHGH!" pagdaing ni Draco na nakahiga na sa sahig. Nagkatinginan naman sina Cypher at Yaza.

"Why you do that!?" iyak ni Draco at pinilit bumangon. Napangisi na lang si Cypher at nakita iyon ni Draco. "Pangisi-ngisi ka!? Binalibag na nga ako. Aww!" pag-aaray niya ulit nang maramdaman ang sakit sa kanyang likod.

"Sorry. Reflex," maikling sagot ni Yaza.

"Lesson learned, Draco. Never approach her like that," ngisi pa rin ni Cypher.

"Oo na! Oh ba't kayo magkasama?" Draco.

"Hindi kami magkasama," sabay na sagot ng dalawa kaya si Draco naman ang kumunot ang noo. 'Literal na magkasama, idedeny pa!? Ibang klase din.'

"Saan nga pala ang pupuntahan niyo mamayang gabi? Sasama ako," baling ng nakangiting Draco at lumapit ng husto kay Yaza kaya't halos mapahakbang palikod ang babae.

'Kailan pa nagkaroon ng lakas ng loob ang lalaking ito na lapit-lapitan ako?' komento ni Yaza sa kanyang isipan.

Tumaas naman ang kamay ni Cypher sa gitna ng dalawa. "It's a girls' night out, stupid. Let's go," kunot-noong saad nito at hinila na si Draco paalis, hawak niya ito sa kwelyo.

'I didn't know Pythons are this weird?' umiling na lang si Yaza at umalis na rin doon.

A/N: Need commentsssss on thisss.

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon