Chapter 35

568 35 29
                                    


Lumayo sa pagkakayakap kay Danisha si Yaza. Nasa airport na sila ngayon at lilipad na siya pabalik ng Pilipinas.

"You take care of yourself there. Kung may chance ako, bibisita ako ha."

Tumango siya sa ina.

"I mean it." Pagturo ni Danisha kay Yazafra. "Call me if something happens."

"Opo. You should go now ma. May pupuntahan ka pa di ba?"

Tumango naman si Danisha at naghanda nang magpaalam.

"Yes. I should go. You wait here for your flight. Bye." Niyakap ulit ni Danisha ang anak ng mabilisan bago tuluyang umalis.

"Bye ma."

Naglabas ng hangin si Yaza habang sinusundan ng tingin ang paalis na pigura ng ina.

Nang mawala na ito ay siya naman ang tumalikod. Napahakbang siya pabalik nang may pigurang nakatayo rito.

"Venom..." bigkas ni Yaza. Ang lalaki naman ay nanahimik ng ilang segundo at tinitigan siya bago nagsalita.

"Can I hug you?"

"Ha?" Gulat na bigkas ni Yaza sa sinabi nito at hindi naiwasang mapatingin sa paligid. Ma-tao sa loob ng airport pero may sari-sariling pinagkakaabalahan ang mga ito.

"Umm...hmm." Bahagyang tumango ang babae at agad naman niyang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Cypher.

Yaza lifted up her hands to hug him back while he leaned down and rested his head on her shoulders.

"I'm taking my chances," bulong nito.

Ramdam ni Yaza ang labi at init ng hininga ng lalaki sa kanyang leeg. Nanatili sila sa posisyong iyon ng ilang minuto.

"Can I visit you again?" Tanong ng lalaki nang maghiwalay na sila sa yakap.

Sumeryoso agad ang mukha niya. "No." 'Dahil baka ako rin ang hindi makapigil ng sarili.'

"Then can I call you every night?" Tanong ulit ni Cypher. Seryoso ang mukha nito pero parang nagmamakaawa.

Inilingan pa rin niya ito.

"From time to time?" sunod na suhestiyon ng lalaki kaya't wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon.

"Okay. But you have to focus, Venom. Hindi ka pwedeng ma-distract," paalala niya.

Tumango si Cypher bago nilapit ulit ang labi sa tenga ng babae.

"Call me if ever that Andros Rodrigo makes a move on you again."

Napasinghap si Yaza at nilayo ang mukha para matignan si Cypher. Madilim na naman ang ekspresyon ng lalaki.

"How did you even know him!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yaza.

Tinaasan siya ng kilay ni Cypher.

"We practically live in the headquarters now. You think I wouldn't know?" saad nito at mas sumama pa ang timpla ng mukha. "Old Zacharious tells me all about your missions. It's like he's doing it on purpose. He kept talking about this son of his friend named John and he's happy that Andros is showing interest in you." Halos mapamura sa kanyang isipan ang lalaki habang inaalala ang pagkukwento ni Zacharious Volcov sa kanya tungkol sa Andros Rodrigo na ito. Kahit hindi niya ito kilala ay malalim na ang kanyang inis sa estranghero.

"He's a client," maikling sambit ni Yaza. 'Just a client I guess...'

"Nothing more?" seryosong tanong naman ni Cypher.

"Nothing more." Pag-iling niya kaya nawala na ang madilim na ekspresyon ng lalaki. Ginulo naman nito ang kanyang buhok.

"As much as I want you to stay, you have to go now," saad ng bahagyang nakangiting lalaki.

Tumango naman siya. "Stay alive. Bye," sambit niya at tumalikod na.

Ibinulsa naman ni Cypher ang kamay para pigilan ang sarili.

"Goodbye for now, Yaza. Take care."

Habang naglalakad si Yaza palayo ay nakatanggap siya ng tawag. It was Min Jae's initials.

"Nerium? This is Slither."

"What is it?" Kaswal niyang tanong pero may ideya na siya kung tungkol saan ito.

Tumikhim si Min Jae sa kabilang linya. Nanahimik ito ng ilang segundo bago nagsalita.

"We're sorry, but we can't let this go on. Forgive us for interferring but we can't lose Venom. We can't lose you too. We know you don't have an official relationship yet but there's definitely something going on between the two of you. I'm begging you, Nerium. Don't entertain him anymore."

Napayuko si Yaza at tahimik pa ring naglalakad habang hawak ang cellphone sa tenga. Tama ang hinala niya.

"I know it's not right for us to do this but all he could think of now is you. We kept calling him this morning because of an emergency. He did not show up because..."

"He was with me," pagtuloy niya sa sinasabi ni Min Jae.

"Ye-yes. If this continues to happen, the higher ups including Mr. Volcov will eventually find out about this. So please, I'm asking you Nerium. Please. Shut him down if possible. Just for now." Napalunok si Min Jae dahil kahit siya ay nag-aalala sa posibleng kahihinatnan ng pangingialam nilang mga Pythons.

Napakagat naman sa kanyang labi si Yaza pero kahit pigilan niya ay ramdam na niya ang mainit na daloy ng luha sa kanyang pisngi at kahit ang pagbigat ng kanyang hininga.

'Nagsisimula pa lang, tinatapos na.'

"If I did, this would save you from trouble, right?" tanong niya.

Si Min Jae naman ang napayuko sa kabilang linya. "I guess so. Yes."

"If I did, this would also save the Venenatus," bigkas ni Yaza pero sarili ang kausap.

Rinig ni Min Jae ang mahinang pagsinghot ni Yaza at doon siya natulala. 'Is she crying!? Shoot!What have I done!?'

"Okay," maikling sagot ni Yaza at pinatay na ang tawag. Pinunasan niya ang pisngi at binilisan ang paglakad.

Nang tuluyang lumipad ang eroplano ni Yaza ay doon lamang lumakad palabas ng airport si Cypher. Patungo na sana siya sa parking area pero habang naglalakad ay may sumabay sa kanyang babae na ikinagulat niya.

"I was right after all." Pagngisi ni Danisha Loverde at binalingan si Venom.

Nagtama ang tingin nilang dalawa.



A/N:

This chapter is dedicated to huclrs! Happy birthday! ❤

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon