Chapter 30

561 34 0
                                    

"We're ready," pagtango ng kambal na Morfell kay Venom. They hacked the system. Bumaling naman si Cypher sa bintana kung saan makikita ang matayog na building na hideout ng isang grupo ng mga Mafia Verde. Gabi na at madilim ang paligid.

Ito na ang ika-labing anim na base ng Mafia Verde.

Hinawakan ni Cypher ang kanyang earpiece. "Position."

Naging alerto naman si Nikos na nasa katabing rooftop, nakahawak ito ng long range rifle. Si Min Jae ay nasa loob na ng mismong building ng target nila at nagtatanim ng mga bomba.

Mula sa bintana ng building na kinaroroonan ng tatlo, sa ika-siyam na palapag, humawak si Cypher sa makapal na tali na nakakabit patungo sa katapat nilang building.

"I'm going in," he said as he slid down the rope. Mabilis siyang nakarating sa isang madilim na kuwarto.

Kaswal niyang tinanggal ang harness bago lumakad patungo sa pintuan. Bahagya niya itong binuksan. May mga ingay ng nag-uusap at dumadaan sa labas. Maliwanag din ang hallway kaya't hinintay niyang mawala ang boses.

Bago siya tuluyang lumabas ay nagpagulong siya ng isang remote-controlled bomb sa ilalim ng malapit na lamesa.

Hindi namamalayan ng mga Verdeng dumadaan ang paglabas masok niya sa mga kuwartong bakante.

"Venom..." napahinto na lang si Cypher nang marinig ang pagbigkas ni Min Jae sa kaniyang pangalan mula sa earpiece.

Hinawakan niya ito nang walang sumunod na salita mula kay Min Jae.

"Slither," pagtawag niya rito.

"I'm caught." Pagkasabi doon ni Min Jae ay may bumasag sa earpiece nito.

Hanggang sa nakarinig si Cypher ng malakas na sigaw. Mabilis niyang tinungo ang paikot na hagdanan sa gitna. That shout was from Min Jae!

Napabuga siya ng mabigat na hangin bago inilabas ang baril at bumaba.

"We're going in!" Rinig niyang bigkas ng kambal, alam na ng mga ito ang nangyayari.

"Oy! Kto ty!?" (Who are you!?) Sigaw ng isang Verde nang makita ang pababang si Cypher.

Agad siya nitong pinaputokan ng baril. Mabilis siyang umiwas at sumandal sa pader. Metal ang hagdanan kaya't sunod sunod ang ingay ng mga putok nito na tumatama sa rito.

Sunod sunod na din ang paglabas pa ng ibang mga Verde. Binaril ni Cypher ang nasa taas na siyang unang nakakita sa kanya mula sa awang ng hagdanan kung saan siya nagtatago.

Nahulog ito na mas lalong ikinagalit ng iba.

"Narushitel'!" (Intruder!) sigaw ng iba pa at nakipagpalitan ng bala kay Cypher.

Binilang niya ang mga umaatake sa kanyang mga Verde at kinabesado ang lokasyon ng mga ito. Rinig ang alingawngaw ng mga putok ng baril at palapit na palapit na sila sa kanyang kinaroroonan. Sigaw rin ng sigaw ang mga ito upang magtawag ng iba pa.

Gumalaw ang panga ni Cypher. His gaze changed as he held his gun in a tight grip. He recalled their location in his mind before hiding in the corner and pointed his gun towards the Verdes again. One by one, they fell into their deaths. He shot them like he's in a carnival shooting game.

Napangisi na lang ang lalaki. If it's about guns and speed, it would be his entertainment.

Mabilis silang naubos ni Cypher.

Tuluyan siyang nakababa ngunit muling napatago sa isang sulok nang may mga pigurang nagmamadaling lumabas sa isang kuwarto.

"Bystreye!" (Faster!) galit na sigaw ng isang Verde habang iniikot ang tingin sa paligid. Pinapamadali nito ang mga kasama.

Dumilim ang paningin ni Cypher nang makitang buhat ng isa si Min Jae na walang malay.

"Oi," tawag niya sa grupo at nagpakita.

Napamura naman ang mukhang leader nila at tinutukan si Cypher ng baril.

Ngunit hindi pa nito naikakalbit ay may maliit na kutsilyo na ang bumaon sa mukha nito. Natumba ito sa sahig. Naiwang mulat na mulat ang mga mata ng kasama nito habang palipat-lipat ang tingin kay Cypher at sa leader nilang nasa sahig.

Bago pa sila makagawa ng aksyon ay walang hesitasyon na pinagbabaril na sila ni Cypher.

Ang naiwan na lamang ay ang lalaking may buhat kay Min Jae. Paghakbang ni Venom paharap ay bumagsak agad ito sa sahig sa gulat at takot sa nasaksihan.

"Pozhaluysta, ne ubivay menya!" (Please do not kill me!) pagmamakaawa nito. Itinago niya mukha nang bumaba si Cypher upang tapatan siya na nasa sahig.

"What did you do to him?" walang emosyong tanong ni Venom, tinutukoy nito ang walang malay ngayon na si Min Jae.

"I-I-I don't know!" Pag-iling ng Verde ngunit sa kanyang bulsa ay pasimple nitong kinukuha ang isang device.

Napunta ang tingin ni Cypher kay Min Jae. Kinuha naman iyong tiyempo ng Verde at inilabas ang nasa bulsa at mabilis na itinuwid ang kamay upang dumapo ang bagay na ito sa katawan ni Venom.

Ngunit kahit hindi nakatingin ang huli ay nagawa nitong pigilan siya sa kamay. Nagulat ang Verde at doon halos maihi na siya sa takot.

"You electrecuted him?" Bigkas ni Venom sa nakakamatay na tono habang nakatingin sa device na hawak ng Verde. Mabilis niyang pinalo ito sa ulo gamit ang hawak na baril. Pinulot niya ang device ngunit sa kanyang pagtayo ay may tumamang dalawang maliit na syringe sa kanyang leeg.

Napadaing si Cypher nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong nawalan ng malay at natumba sa sahig.

"Noch, that stupidass guy was right after all. The intruders are indeed here." Nakangising bigkas ni Adrik Nemtsev, isa sa mga boss ng Verde. Hawak nito ang isang tranquilizer gun.




"Venom!"

'I'm concious.'

"Venom, wake up!"

'But why can't I move?'

"Ven--"

Bumukas ang mga mata ni Cypher. Napahinga naman ng maluwag si Min Jae dahil kanina pa niya ito ginigising.

Pinilit bumangon ni Cypher at agad na inikot ang tingin sa paligid nila.

"How did we end up here?"

Hindi nakatali ang dalawa ngunit nasa gitna sila ng isang warehouse at nakakulong sa isang de bakal na kulungan. Cube prison.

Makapal ang bakal nito kaya't hindi talaga sila makakalabas. Kinapkap ni Venom ang sarili.

"They took our weapons. And I already turned on my tracker," pagi-inform ni Min Jae.

'Think, you need to think!' Saad ni Cypher sa kanyang isipan.

"Ah! You're awake!" nakangising bati ng isang lalaking papalapit sa kanila. May mga nakasunod sa kanyang halos kinse katao na may kanya-kanyang armas.

Sinalubong ni Cypher ang tingin ni Adrik Nemtsev.

Pina-ikutan ng mga Verde ang cube habang pare-parehong naaaliw ang kanilang mga ekspresyon. Nakangisi ang lahat habang nakatingin sa dalawa na tila osong nahuli sa kagubatan.

Then they started to taunt them on purpose. Nagpalipat lipat ang tingin ni Min Jae sa mga nakapaligid sa kanila habang ang mga ito ay nagtatawanan at pinagpapalo ng mga kahoy at baril ang kulungan.

"Why aren't you speaking? Shouldn't you be shouting for help now? Like a damsel in distress?" pangungutya ni Adrik. Humakbang ito paharap at inagaw ang isang baseball bat sa katabi nitong Verde.

Cypher just gave him a cold stare.

Hanggang sa dumagundong sa loob ng warehouse ang pagtama ng baseball bat sa kulungan. Wala na ang ngisi ni Adrik.

"Now who are you termites? You have the guts to sneak into our territories!?"

Nerium oleander: The Deadly FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon