Dear Readers,
Matatagalan ako sa pag-UD dahil nga estudyante at hindi ako nagtatrabaho sa palengke--Joke lang! Dahil nag-aaral pa nga ako, kailangan ko po talagang magfocus sa pag-aaral dahil main priorities ko po iyon--kaya po matatagalan bago ako makakapag-UD. Sana po intindihin niyo at gagawin ko po lahat ng aking makakaya na makapag-UD for 2 times a week(Chos).
❤Ice Maldiveur❤
*****************
Anexa's Pov:
"Waaaaahh.. Kung para sa inyo, isa siyang ang anghel na bumaba sa heaven--nagkakamali kayo! Masama siyang tao!!!" Sabi ko habang namomroblema dahil nga nagtransfer ang demonyo sa school!
"Hindi kaya girl! Ano bang ginawa niya at galit na galit ka sa kanya? Alam mo bang para siyang anghel kahit cold siya! Ang gwapo niya kaya!!! Tsaka isa siyang anghel na nahulog sa langit--"
"Maitim na anghel pwede pa! At para ma-aware kayo. Siya ay.. Itinakda para pakasalan ako." Bulong ko. Dahil nga..
"WHAT?!" See? Malalaki talaga ang tainga nila! Pinanlakihan ko sila ng mata kaya tumahimik naman sila. "Seryoso?! Pero crush ko 'yon!" Sabi ni Janelle sa 'kin.
"Naming dalawa! Hello! Crush ko rin si Luke!" Sabat naman ng kambal niyang si Joselle. At.. Ayan na! Nagca-catfight na ang dalawa.
"Hush.. Hush.. May nararamdaman akong masamang espiritu!" Sabi bigla ni Hyeri. Nagtinginan naman kami sa kanya.. "Oh! Holy cow!" Nabigla na lang kami no'ng nagtago siya sa ilalim ng lamesa.
"Oh! Damn! Nakakakiliti! Hahaha!" Sabay naming sabi. Kayo kaya! Nakakakiliti naman talaga. Ang liit-liit ng lamesa no!
Hanggang sa lumapit sa amin ang manliligaw niya. Ang gwapo kaya no'ng manliligaw niya! Hindi nga namin alam kung ano ang hindi maganda rito--Jayven's hot, handsome, rich and has a bad boy type--pero mabait naman siya. Siya ang twin ni Jayzen pero hindi sila magkamukha--kumbaga fraternal twins.
"Nakita niyo ba si Hyeri?" Tanong niya sa amin. Ang sweet niyang lalaki--may dala pa nga siyang bulaklak eh. Hanggang sa may kumirot sa aming paa--ahh! Grabe.. Kinurot kami eh!
"W-Wala s-siya r-rito. Nasa Mars--este nasa canteen siya kanina eh." Sabi ko habang maingat na sinipa si Hyeri sa ilalim.
"G-Gano'n ba?" Nakita naming naging malungkot siya. Oo naman. Ang gwapo niyang tao--no, he's a handsome hot man. Teka nga? Pareha lang 'yon!
At sa lahat-lahat ng babae sa school ay kay Hyeri pa siya tinamaan. Nanliligaw siya kay Hyeri for 5 months eh. Kasi nga first day of school pa lang niya rito, tinulungan siya ni Hyeri sa school. Other than that, mas nauna siyang dumating sa school kaysa kanila Rinthians demonyo at 'yong mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016
RomanceMay isang babaeng, itago natin sa pangalang 'Unggoy'.. De joke lang.. Ang isang Chanel Anexa Alterado ay may magandang buhay--bago pa dumating ang isang Luke Rinthians Heillein. Sila ay pinagtagpo upang magpakasal. At sa huli'y sila ay gumawa ng i...