Gangsta 6(04/15/2015)

201 12 0
                                    

Anexa's Pov:


Nandito ako sa loob ng campus. Nag-uusap lang kami ng twins. "Hoy! Sali ako sa 18th roses! Malay mo, masasayaw ko ang ultimate crush ko. Ayiee.." Kinikilig na sabi ni Joselle.


"Hoy! Inday! Magtigil ka!" Saway naman ni Janelle sa kanya.


"Heh! Inggit ka lang kasi 'di ka pinansin ng crush mo!" Ganti ni Joselle habang natatawa na ako.


"Abay! 'Yang bunganga mo pasasabugin ko 'yan ng dinamita." Iritang sabi ni Janelle na ikinatawa ko.


"Dinamita? Eeww that's so cheap." Komento ni Hyeri.


"Kung sa bunganga ko kaya ipasabog ang dinamita no?" Inis na sabi ni Janelle.


"Janelle! Umamin ka nga. Meron ka no?" Natatawang sabi ko. Pikon kasi siya ngayon at tama nga ako kasi namumula na siya ngayon.


"Tang-ina pre! Hinaan mo. Baka may makarinig." Bulong niya at nagsitawanan naman kami.


"Oh my golly! I'm seeing a bunch of pangits and they're coming towards us. Oh em gee. They're too pangit and they look like drug addicts or gangsters." Natatakot na sabi ni Hyeri, nagiging conyo 'yan minsan eh. Tiningnan naman namin 'yong sinabi niya at totoo nga! Papunta na nga sa amin!


Well, lahat naman ng judgmental comments ni Hyeri tama! "Eto ba? Eto ba 'yong babae? Eh kamukha naman 'yan ni Pokwang eh." Sabi ng leader ata ng grupong iyon. Paano kaya sila nakapasok? Well, siguro sa outfits at accessories nila na peke pero para sa guards, parang totoo na rin. Pero ang galing ah! Mukhang totoo ngang tingnan ang mga pekeng alahas nila sa katawan!


"Excuse me?" Sabi ng babaeng sinaway no'ng payatot na lider. I mean sila pala lahat mga patpatin!


"Miss Pokwang. Bf mo ba si Rinthians?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng payatot na lider. K-Kilala niya si Rinthians? Wow ah!


"No. Who is that? Tsaka, go away! You're so pangit! Eeww! I'm sure you didn't take a bath! Eeww!" Sabi ng babaeng maarte at umalis na siya kasama ang mga kaibigan.


"Yatz. Hindi naman 'yon eh! Ayun oh!" Turo sakin ng lalaking payatot. I bet investigator ng grupo (Charot! May investigator na pala ngayon ang mga gangs no?). Napatalikod naman ako at napalunok. I smell trouble.


"Yatz. Ito?" Rinig ko pang sabi ng payatot nilang lider. 'Yong mga kaibigan ko naman ay stable lang at 'di rin makagalaw.


In a second.. "Aaahh! Tulong!" Sigaw ko kasi nga binuhat ako ng may muscles nilang tauhan. Oo, siya lang ata ang may muscles. Magaling rin sila pumili ng magbubuhat sa akin no? Kasi pagpayat ang bumuhat, malamang mamatay ako sa sakit dahil sa balikat na buto lang at walang laman!


"Tulong! Tulong! Guards!" Sigaw naman ng mga kaibigan ko. But it's too late, pinasok na ako ng mga lalaking 'to sa van. May gate kasi palabas sa Garden. Teka nga, teka nga? Nakidnap na nga ako, nag-eexplain pa ako! Waaahh.. Tulungan niyo ako!

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon