Gangsta 17(09/07/2015)

157 11 1
                                    

Anexa's Pov:


Ang gulo talaga ni Rinthians! Ginugulo na naman niya sistema ko. Ano bang meron sa'yo na mahal ko ng sobra? Ugh!


Mahal na ba talaga kita? "Tingnan niyo nagiging baliw na naman. Sinasabunot ang sarili." Narinig kong bungol ni Iera kay Hyeri.


"Ano ba kayo?" Inis na sabi ko.


"Tao." Sabay pa talaga silang tatlo ahh. Oo tatlo lang sila, may klase si Joselle.


"Ugh! Kung bubulong kayo, hindi yung naririnig ko." Sabi ko.


"Ano ba kasi problema mo? Kanina ka pang ganyan." Sabi ni Hyeri sa akin. Tapos nagkatinginan silang tatlo.


Sabay nilang sabing, "Di mapakali?"


Yan naman talaga ang nararamdaman ko ahh! "Sabihin mo nga? In love ka no?" Random question ni Janelle.


"Hindi ko alam. Nihindi ko nga alam kung ano signs niyan," Sabi ko.


"Duh.. Kung signs lang naman. Hmm..  Tumitibok ba si hearty-hearty kapag nandiyan si guy?" Tanong ni Hyeri.


"Uh.. yes?" Sabi ko na hindi pa sigurado.


"Hay nako. Magdagdag pa nga. Ahh, eto! Nabobother ka ba kung ano nagustuhan mo sa kanya?" Tumango naman ako sa sinabi ni Iera.


"Brad, 'di ka mapakali pagnandiyan siya?" Tanong ni Janelle. Tumango naman ako.


"Iniisip mo ba siya ngayon?" Tanong ni Iera. Tumango naman ako.


"Mahal mo ba?" Tumango ako.


"Wait, what?!" Tanong ko at nagtawanan silang tatlo.


"Confirm. You have fallen!" Masayang sabi ni Joselle na kararating lang. Ang lakas talaga ng pandinig!


"Hindi lang 'yan! Nabaliw pa sa lalaking 'yon! Sino ba--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Hyeri kasi nagwalkout na ako.

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon