Anexa's Pov:
Naglakad ako palabas ng bahay. Walang magawa eh. Ang boring sa bahay! Aasarin lang ako ng mga topak kong pamilya! Pumasok ako sa isang convenient store.
Bumili ako ng cup noodles at C2. Binuksan ko ang cup noodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig gamit ang dispenser ng shop na 'to. Umupo ako sa upuang malapit sa bintana para matingnan ang labas. "Ay shet! Sarap!" Sabi ko habang hinihiwalay ang chopsticks sa kamay ko.
"Anexa?" Napatigil ako sa pagkuha ng noodles dahil sa boses na 'yon. Nagkatinginan kami. Bigla akong kinabahan. Shet! His effect on me! Luha! Magtigil ka, please? "Ahh! Ikaw nga!" Tili niya. I faked a smile.
"Di ko inaasahang nandito ka. Pero since narito ka na. Gurl, sali ka sa KPOP clan ko." Sabi niya. Anexa! Anexa! Say something!
"I can't. I'm not good in singing and dancing sorry. Gutom na kasi ako, Kier." Sabi ko habang tinitingnan siya sa mata. Luha! Hold back!
"Ohh. Sorry. Pero kapag nagchange si brainy, brainy. Consult agad ha?" Tumango na lang ako. No'ng nakaalis na siya, tuluyang nagsilabasan ang luha ko. Ayokong ng masaktan! Bakit 1/2 girl and boy pa, ang taong mahal ko?
Kinain ko na lang ang cup noodles ko at ininom ang C2. Lumabas ako sa convenient store at hinayaan ang paa kong maglakbay kung saan-saan. Hanggang sa may natamaan akong matigas na bagay.
"P're, sinuswerte ata tayo! Kusang lumapit sa atin ang girlfriend ni Rinthians." Nawala ang lungkot na nararamdaman ko at napalitan iyon ng takot. WTF? Rinthians! Simula noong dumating ka, napahamak na ang buhay ko!
"Shet! Ang ganda pala nito at ang kinis!" Mas lalo akong natakot dahil sa sinabi ng lalaki. Hahawakan na sana ako no'ng lalaki pero sinipa ko siya below at tumakbo ng mabilis. Mabuti into sports ako.
"Bilisan niyo mga ugok! Bawal makatakas ang lintek na babaeng iyan!" Nakita kong malapit na sila. Mas lalo ko pang binilisan pero minalas ako dahil may ipis sa daan! Pokte lang ipis ka! Nadapa ako!
"Huli ka! Akala mo makakatakas ka no? Hihihi. Dahil sa ginawa mo kay Junior. Matitikman mo ang galit niya!" At nabalot na ng takot ang sistema ko.
Luke's Pov:
May bago nanaman kaming nakabanggang gang. "Potek! Sa likod mo may junior!" Sigaw ni Denzel. Sinipa ko naman 'yong lalaking ugok sa kanyang tiyan.
"Gago!" Natatawang sabi ko. "Likod mo oyy!" Sigaw ko sa kanya.
"Gago! Una ka na ro'n sa loob. Iligtas mo 'yong fiancee mo! Nakaback up na kami!" Sigaw niya sa akin.
"What?!" Napahinto ako. Fiancee? "Paanong?" Sinipa ko naman 'yong nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016
RomanceMay isang babaeng, itago natin sa pangalang 'Unggoy'.. De joke lang.. Ang isang Chanel Anexa Alterado ay may magandang buhay--bago pa dumating ang isang Luke Rinthians Heillein. Sila ay pinagtagpo upang magpakasal. At sa huli'y sila ay gumawa ng i...