Anexa's Pov:
Kinakabahan na ako sa mangyayari mamaya! Ikakasal na ako at lahat ng mga tao sa paligid ko ay tensyonado. Oo, nababasa niyo--Ikakasal na ako!
Biglaan.. Ni wala kaming kamalay-malay na ikakasal na kami ni Rinthians ngayon. I'm feeling sad, it's my birthday today and I feel like I'm abandoned. No one even sings a 'Happy Birthday' to me. Lahat ata iniisip ang biglaang kasal ko ngayon.
Ang sakit lang. Masakit dahil mas inuuna pa nila ang kasal ko kesa debut ko! Oo nga, eighteen na ako at legal nang magpakasal. Pero hindi pa ako handa eh! Ang bata ko pa para sa mga kasal-kasalan na iyan.
Nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito. "You're feeling blue?" Tanong ng pamilyar na tao sa linya.
"Gag*! Nagtanong ka pa?! Ikiskiss ko kaya 'yang mukha mo sa pader no?! Hoy, tipaklong! Ikakasal na tayo! May gana ka pang asarin ako ngayon!" Inis na sabi ko.
Tumatawa lang siya sa linya, "Who says we're getting married today? Excited ka ata!" Nang-aasar niyang sabi sa linya. What the hell? Napahiya ako ro'n ah! Pero.. Teka, teka..
"Pero ano yung pinag-uusapan ni Tita at Mommy?!" Pagsusumbong ko.
"My dear beloved wife. We're getting married next year, may balak ka atang itali na ako sayo habang maaga pa." Nang-aasar na sabi niya.
"Tumahimik ka, feelingero! As if naman gusto mong matali sa akin. May ex-gf kang mahal na mahal mo pa rin na kamukha mo--tipaklong rin!" Nakaganti na rin ako sa wakas. Pero nagsisisi akong iyon ang sinabi ko. Binabaan niya ako ng telepono! "Aish! Bastos 'yon ah!" Naiinip na sabi ko habang nilagay sa bulsa ko ang cellphone.
"Hoy babae! Bilisan mo ang pag-ayos sa make up ko! H'wag mong kapalan, magmumukha akong bitch niyan! Alam ko namang crush mo ang fiancee ko. Kaya h'wag kang magpakabitch mode riyan kundi masesesante ka ngayon." Pagpapaalala ko sa babaeng kamukha ni Pokwang.
"Opo, ma'am." Mahinhin na sabi niya.
"Joke lang! 'To naman, 'di mabiro." Uyy! Joke lang 'yong kamukha niya si Pokwang. Sa katunayan mas maganda pa 'to kay Ariana Grande eh. May lahing American eh.
"Okay na po." Nakangiti niyang sabi sa 'kin. Pumasok ako sa loob ng walk in closet at do'n nagbihis sa loob. Pagkalabas ko, "Ma'am nasa baba na po si.. Uh.. Si C-Chase." At bigla siyang namula.
"Sus! Si kuya naman pala crush mo, akala ko si Rinthians pangit." At mas lalo ata siyang pumula. Bumaba na lang ako at sinalubong ang kuya kong ubod ng gwapo.
"You're so beautiful tonight." Sabi niya sa 'kin. I pouted.
"Ganon?! Ngayong gabi lang? Tapos bukas, pangit na?" Tinawanan niya lang ako at lumabas na kami. Nagdrive si kuya at hininto niya ang sasakyan sa venue.
BINABASA MO ANG
My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016
RomansaMay isang babaeng, itago natin sa pangalang 'Unggoy'.. De joke lang.. Ang isang Chanel Anexa Alterado ay may magandang buhay--bago pa dumating ang isang Luke Rinthians Heillein. Sila ay pinagtagpo upang magpakasal. At sa huli'y sila ay gumawa ng i...