Gangsta 15(09/01/2015)

175 11 0
                                    

Anexa's Pov:


"Oh? Ano kailangan--" Nabato ako sa kinatatayuan ko. Lahat ata ng balahibo ko sa katawan ay tumindig para akong nakuryente at bumibilis ang tibok ng puso ko.


HAHAHA at DUGDUG. 'Yan ang naririnig ko. Tinatawanan ako ng konsensya ko at hindi ko alam kung bakit. 'Yong puso ko naman ay patuloy sa pagdugdug o kung ano pa mang sound effects ang alam niyo.


"I'm sorry for being late. May nangyari kasi sa set-up." Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang set up dahil hindi talaga pumoproseso sa utak ko ang sinasabi niya dahil kinakabahan ako dahil niyapos niya ako. Pero biglang umilaw ang paligid..


I can see lanterns! "Papaliparin natin?" Bigla atang nawala ang inis ko sa kanya at napalitan iyon ng excitement.


Tumango naman siya at ngumiti. Ngayon ko lang napansin ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi. And I find it cute and attractive!


"Pero mamaya na." Napanguso naman ako. "H'wag kang mag-inarte, 'di ka cute!" Sabi niya.


"Kasi maganda ako?!" Natutuwa ko pang sabi.


"Hindi, kasi witch ka!" I frowned while he continued laughing. Mabilaukan ka sana mamaya!


"Teka, teka? Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Bigla-bigla ba naman akong hinila at kinaladkad. 


"Sa langit!" Pilyo niyang sabi habang nakikita ko ang pagngisi niya.


"Bastos!" Inis kong sabi.


"Anong bastos do'n ahh? Ang green mo naman!" Komento niya habang binatukan ko na nga. Tawa-tawa lang siya at napahinto kami sa gate ng isang garden.


"Hoy! 'Wag mong takpan ang mata ko gamit ang kamay mo! May germs ka, sensitive pa naman ako." Sabi ko sa kanya.


"Arte nito! Ngayon lang naman natin 'to gagawin." Sabi niya sa akin. Pero napilitan na lamang siyang humanap ng panyo. Pero ang totoo pala, may piring na pala siyang hinanda, kanina pa.


"Ay!" Napasigaw ako dahil muntik na akong mamudmod sa lupa dahil may humarang na bato! Pesteng bato 'yan! Nakakawala ng poise!


Buti na nga lang at niligtas ako ni Rinthians. "Mag-ingat ka nga!" 


"Heh! Ikaw ang may kasalanan no'n!" Pang-aaway ko sa kanya. Binabawi ko ng mabuti ang pagligtas niya sa 'kin, sa huli naman pala'y sesermonan niya ako!


"Opo, kamahalan. Gagabayan ko na po kayo papunta sa kadiliman." Sabi niya na ikinairita ko.


"Demonyo ka talaga!" Tinawanan niya lang ako. "Nasaan na ba tayo Rinth?" Tanong ko sa kanya.

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon