Anexa's Pov:
"Witch, kita tayo sa labas ng bahay." I just rolled my eyes at his message. Mukha niya! Pinagmukha niya akong tanga! 12PM na oyy! Nandito pa rin siya.
May gana pa siyang sirain ang window ko gamit ang bato ahh. Buti na lang bulletproof at matibay ang window namin at hindi agad nababasag!
"Pangit? Anong kailangan mo?" Nayayamot kong sabi habang napapakamot sa ulo. Hindi kami bati! Isusuntok ko siya sa puno! Napatingin naman ako sa baba dahil mailaw.
I was shocked. I was surprised. Napangiti ako sa magandang message niya. Sobrang ganda ng paggawa kahit simple lang 'yon. "I'm sorry." Sabi niya sa 'kin habang may hawak-hawak na bouquet of roses.
Nasa daan kasi 'yong word na 'sorry' tapos iba't-ibang kulay ng kandila ang ginamit sa mga letra. Pero naalala ko palang 'di kami bati--shet siya! Nakiliti niya ang puso ko! "So?" Sabi ko.
"Witch, kunin mo." Tapos may lalaking nagbigay sa kanya ng maraming balloons na nakatungki na. He freed it. Lumipad naman iyon papunta sa 'kin. Sinalo ko 'yong mga balloons.
'Accept my gift as an apology. Wear it if you forgive me.' Dali-dali ko namang binuksan ang box. Isa iyong simpleng singsing na nagspa-spark. Napangiti ako. Sige na nga! Accept na, ang ganda ng singsing!
I wore it. Bagay siya sa kamay ko. "Aminin mo nga, ninakaw mo 'to no?" Tanong ko.
"Hindi. Mura lang 'yan sa Divisoria." I frowned. Tapos tiniwanan niya ako. "Joke lang! 'To naman 'di mabiro." Sabi niya.
"Oh siya! Layas! Pinapatawad na kita! Tsaka bigyan mo ko ng pagkain bukas." Maamo kong sabi.
"Hoy, witch! Ikaw ang slave rito kaya ikaw ang sumunod!" Napanguso ako. Nilapag niya ang malaking hagdang kahoy sa veranda ko.
"Hoy, Hambog! Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong.
"Kakain." Sarkastiko niyang sabi habang umaakyat sa hagdang kahoy. Para hindi siya makaakyat, hahawakan ko na sana ang hagdan no'ng.. "Try to do that or you'll not taste my food." Parang magic ata 'yon sa akin kaya hindi ko na lang iniisip ang kademonyohang nasa utak ko.
No'ng nakaakyat na siya, "Saan na? Pagkain?" Masayang sabi ko.
"Sandali. Atat lang? Kuya, pakiuwi ho niyan. Salamat po!" Nagsalute naman yong si kuya at umalis na dala-dala ang hagdang kahoy.
Pumasok naman siya sa kwarto ko. "Nice." Sabi niya at umupo sa kama ko.
"Malamang nice 'yan! Pagkain ko oy." Nilabas niya naman sa bag niya ang mga pagkain. Nagniningning ang mga mata ko dahil sa mga naglalakihang supot ng junkfoods. May nutella, piknik, piatos, nova, cheetos, pringles, may dala rin siyang supot na may palatandaan na Jollibee at may binili rin siyang loaf bread.
BINABASA MO ANG
My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016
RomanceMay isang babaeng, itago natin sa pangalang 'Unggoy'.. De joke lang.. Ang isang Chanel Anexa Alterado ay may magandang buhay--bago pa dumating ang isang Luke Rinthians Heillein. Sila ay pinagtagpo upang magpakasal. At sa huli'y sila ay gumawa ng i...