Gangsta 14(08/26/2015)

157 12 0
                                    

Anexa's Pov:


Tahimik kaming kumakain sa hapag-kainan nang binasag iyon ng ama ko. "So, kailan kayo bibili ng gamit para sa baby?" Bigla akong nasamid dahil sa bibig ng ama ko.


"Wala nga kasi kaming ginawa! Nagbigay lang siya ng regalo!" Pag-eexplain ko sa kanila.


"Ahh.. 'Yang singsing mo na galing Divisoria?" Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Ate. Habang ako nakasimangot lang. Pati si Rithians! Ang lakas ng tawa! Sarap pektusan no?


"H'wag niyo ngang galitin si Anexa, baka sumabog iyan at baka maging unggoy!" Mas lalo silang natawa dahil sa kapatid kong mukhang pagong.


"Tumahimik ka, abnormal kang bata ka!" Sabi ko sa kanya habang inis na inis na. Napatigil sila sa pagtawa no'ng nangring ang cellphone ko.


"Oh hello? Kay aga-aga tumatawag na? Anong gusto mo? Juice? Tea? Coffee?--" Naputol ang sasabihin ko no'ng..


"Tabachoy! Lalapag na ang airplane ko! Bilisan mo na kundi wala kang pasalubong!" Biglang nawala ang inis ko.


"Axel! Uuwi ka na? OMG! Kasama mo ba siya?!" Bigla akong nabuhayan ng loob. Baka kasama niya si Mint--best friend ko na nag-aaral sa Canada.


Miss ko na rin si Mint no. Hindi na 'yon umuuwi ng Canada eh. He always treats me as his sister at sobrang close kami. Palagi niya rin akong pinoprotektahan sa lahat!


"Don't call me, Axel. It's Xel.. Hindi pupunta si Kuya girlaloo kaya maghanda ka na ng helicopter este sasakyan para sunduin ako ngayon sa airport. Lalapag ang eroplano ko mga 11PM. Kaya be on time!" Demanding talaga ng baklitang 'to! 


Gusto talaga ang on time no? Tinatamad pa naman ako. "Oo na! Exact time po! Basta ang pasalubong ko, ihanda mo! Mwah! Mwah! Bye, bye na!" Sabi ko.


"Was it him?" Biglang tanong ng ate ko.


"Sino? Axel or Mint? Sino ba talaga?" Tanong ko. Kambal 'yong dalawa tapos nakakalito ang kapatid ko sobra! Sino kaya 'yong sa kanya?


"Bakla! Tanga ka talaga no?" Tinampal ako ni ate sa kamay. "Malamang, tinatanong ko kung si Axel ba 'yon?" Tinampal ko naman siya pabalik.


"Bingi lang? Halata naman si Axel 'yon! May balak ka na naman!" Saway ko.


"Hayaan mo siya ate. Ganyan talaga ang magaganda at gwapo." Sabi ni bunso.


"Kapal mo naman! Oo, gwapo ka. Mahangin nga lang, pareha lang kayo ng katabi ko na sobrang hangin. Tinatangay nga ako palagi eh." Sabi ko sa kanya habang pinaparinigan ang katabi ko.


"Impossible naman iyan!" Sabay pa talaga si Bunso at Rinthians.


My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon